Thursday, February 10, 2011

MGA COMPUTER SHOP BINALAAN

Isang panukalang batas ang inihain sa sesyong-panlunsod tungkol sa operasyon ng mga computer shop.

Bunsod pa rin sa pagdami at patuloy na pagdagsa ng mga reklamo ng mga magulang at guro tungkol sa pagkalulon ng mga kabataan sa pag-punta sa mga computer shop, partikular na ang mga batang nasa elementary at highschool, ang iba ay nahihilig sa mga online games, kung saan halos ayaw ng mag-aaral, kundi mag-computer na lamang. Lalo na sa araw na may pasok na kung minsan nga ay inaabot pa ng gabi.

Dahil dito umaksyon kaagad ang ating local na gobyerno sa pagsasa-ayos ng city ordinance na nagre-regulate ng operasyon ng modern communication facilities.

Ayon kay Francia Britania-Malabanan, Lucena Public Information Officer, ang city government ay naglalayong baguhin o i-revise ang ordinance 2264 series of 2007 para mai-adjust o makontrol ang business hours ng mga internet shop sa mga studyante at minors.

Nakasaad sa ordinance 2264, na hindi pinapayagang maglaro ng on-line games at off line games ang mga studyante at minors simula 11:00 am hanggang 3:00 pm, sa araw na may pasok.

Ayon naman sa mga magulang 8:00 am – 5:00 pm ang dapat o pagbawalan ang mga studyante at minors na magtungo ng internet shop.

Samantala, ang mga customer na may edad 17 pataas ay mula 5:00 pm hanggang 10:00 pm lamang pwedeng mag-computer.

Ang paglabag dito ay maaaring bigyang warning, multa o pagka-kansela ng business permits.

Ang operasyon ng mga shop ay imo-monitor ng mga Brgy. Officials.

(Reported: February) DZLT