Friday, April 12, 2013

Fire Volunteers ng Sariaya tagumpay ang pagsasanay

SAVER batch April 2013

Nagtapos na ang tatlong araw na "Organization and Training Seminar of Fire Volunteer Brigade" na ginanap sa SBH Reception Hall sa bayan ng Sariaya Quezon.

Simula nga noong April 10-12, 2013 ay nagsanay ang dalawampu't isang volunteer trainees, apat dito ay mula sa Sariaya PNP at Special Forces (SF) ng Philippine Army.

Tinuruan ang mga kalahok ng Personal Protective Defense, mga kaalaman tungkol sa sunog, tools and equipments,



Wednesday, April 10, 2013

Training para sa SAVER ng Sariaya


Isinagawa kaninang umaga ang pagsasanay ng mga S.A.V.E.R o Sariaya Association of Volunteer for Emergency Response.

Ang "Organization and Training Seminar of Fire Volunteer Brigade" ay pinangunahan ng Sariaya Bureau of Fire Department.

Monday, March 18, 2013

LOREN sa Bawat Barangay

Bilang tugon sa mga unemployment at underemployment sa bansa na mga Pilipino, maglulunsad si Sen. Loren Legarda ng LOREN sa bawat barangay na ang ibig sabihin ay Livelihood Opportunities to Raise Employment Nationwide katuwang ang iba’t ibang sector ng lipunan at local government agencies.

 Alinsunod ang nasabing programa sa implementasyon ng 4 na batas ni Legarda sa pangkabuhayan at trabaho, ito ay ang Public Employment Service Office (PESO) Act, the Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises (MSME),  Barangay Kabuhayan Act, at ang  Agri-Agra Reform Credit Act.

Ang LOREN sa Bawat Barangay ay kinapapalooban ng mga elemento gaya ng: Implementation of the PESO Law, MSME Law, Barangay Kabuhayan Act, at Agri-Agra Reform Credit Act; kasama na rin ang mga isasagawang jobs fair at disaster risk reduction (DRR) education at information campaign.

Ang PESO Law ay para sa mga naghahanap ng trabaho at mga newly graduates kung saan nabibigyan sila ng impormasyon sa mga oportunidad at serbisyo ng kanilang munisipalidad.

Ang MSME Law naman ay magbibigay ng assistance sa mga entrepreneurs sa pamamagitan ng pagkakaroon ng nasa 8% na total loan portfolio ng mga lending institutions sa micro at small businesses.

Samantala, ang Barangay Kabuhayan Act ay sumisiguro na ang lahat ng livelihood at skills training centers na inio-offer ng national government ay maayos na naisasagawa at nai-coordinate sa municipal level.

At ang Agri-Agra Reform Credit Act naman ay susuporta sa mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng mga banko na maga-allocate ng 25% ng kanilang loanable funds sa sektor ng Agrikultura hanggang sa gastos ng mga gamit sa pagsasaka.

Ngayong araw ay isasagawa sa pagbisita sa Baguio City ni Sen. Loren Legarda ang LOREN sa Bawat Barangay.

Wednesday, February 20, 2013

RIVER SYSTEM AT QUARRY OPERATION PINAG-AARALAN

Sariaya Quezon - Sa pagsasagawa ng pag-aaral sa river channel ng 3 major river system ng bayan ng Sariaya na kinabibilangan ng Lagnas, Janagdong Sampaloc at Janagdong Sto. Cristo.

Inaasahan na ngayong 2013 ay magkakaroon ng linaw ang mga delegasyon ng River System.

Nakipagpulong na nga ang punong bayan, Mayor Rosauro “Boyet” Masilang sa ibang ahensya, na kinabibilangan ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR), Dept. of Public Works and Highways (DPWH), Mines and Geosciences Bureau (MGB) at Environmental Management Bureau (EMB) tungkol sa Management Plan ng pagsasa-ayos ng on-going quarry operation sa area, dredging project management, pagi-establish ng direction ng water flow, Flood Control Project at Disaster Management.

Ayon sa Mines and Geoscience  Bureau (MGB), ang western section ng Sariaya ay prone sa baha, moderate to high risk area ito kung kaya’t masusing pinag-aaralan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) upang matugunan ang kalamidad na kinakaharap.

Nitong nakaraang 2012 ay puspusan o full inspection ang ginawa ng LGU Sariaya sa quarry operation, lahat ng hindi tumutupad ay nabigyan ng kaukulang pansin.

Dahil may mga hindi tumutupad sa napagkasunduan, inirequest muli sa Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) at MGB na magkaroon ng bagong pag-iinspeksyon, upang maayos na ang mga boundary o limitasyon ng quarry at dredging operations sa naturang bayan.

Bamboo Plantation parte ng River Rehabilitation

Nagsagawa ang Ecosystem Research and Development Bureau (ERDB) ng Watershed Analysis Assessment sa bayan ng Sariaya Quezon.

At habang hindi pa nga ito nai-declare sa ngayon, isinasa-ayos na muna ang delineation ng 3 Major River System, upang magkaroon ng River Bank Rehabilitation Project.

Masusing pag-aaralan ang mga critical area sa naturang bayan.

Isang proyekto ang isinasagawa ngayon katuwang ang ibang ahensya tulad ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) ito ang Bamboo Plantation Project na na-implement sa proper zone ng bawat river system.

Ngayon ay nasa humigit 2,000 seedlings na ng bamboo o kawayan ang naitanim sa spring sources.

Hindi man magawang mapaalis ang mga tao na nakatira sa tabing ilog, nabigyan naman sila ng kaukulang kaalaman ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) tungkol sa maaaring mangyari kapag lumaki o tumaas ang tubig dito.

SUPPLEMENTAL FEEDING PROGRAM SA SARIAYA QUEZON

“Malayong-malayo ang bayan ng Sariaya sa Malnutrition problem”, ito ang tiniyak ni MSWD Officer Antonio C. Calatrava.

Bunsod ito ng patuloy na pagsasagawa ng Supplemental Feeding Program ng lokal na pamahalaan ng Sariaya Quezon sa pamamagitan ng tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Layunin ng naturang programa na maitaas ang antas ng timbang ng mga underweight o malnourish na bata.

Sa ngayon ay nasa humigit kumulang 3,000 bata ang pinakakain araw-araw simula lunes hanggang biyernes sa loob ng day care center at ito ay aabot ng 120 days na pagpapakain.

Upang siguraduhin na patuloy na maisasagawa ito ng maayos ay nagkakaroon ng mga orientation, consultation at mga pagpupulong ang local government units kasama ang mga brgy. Officials, day care workers, health workers at mga magulang ng mga bata sa mga day care center ng bawat barangay.

Regular na tinitimbang ng mga health personnel ang mga bata upang malaman ang kanilang nutritional status, at ang mga magulang o day care parent groups ang nakatalaga sa food preparation ng mga masusustansiyang pagkain.

Habang ang day care workers naman ang nagtuturo sa mga bata ng proper hygiene, table manners at simpleng konsepto sa pangangalaga ng kalusugan at nutrisyon.

Dahil sa may tamang sistema ng pagpapatupad o implementation ng programa, naging pilot ang bayan ng Sariaya dahil isa ito sa binisita ng Regional Office Nutritionist ng DSWD, dito na kita ang maayos o magandang implementsayon na pagkakaroon ng feeding program.

At sa kasalukuyan ay may ginagawang project proposal para sa taong 2013-2014 ang MSWDO o Municipal Social Welfare and Development Office para sa patuloy at maagap na pagbibigay ng tulong na “Supplemental Feeding Program”, kung saan ang pondo ay umaabot ng 3.9 milyon pesos.

SARIAYA 4 Ps BENEFICIARIES TUMAAS

Tumaas ng 3,939 ang beneficiaries ng 4 P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa bayan ng Sariaya Quezon mula sa bilang na 3,200 noong nakaraang taon. 

Ang programa ay nasa ika-2 taon ng ipinapatupad ng lokal na pamahalaan dito para sa pamilya na may hanggang 3 bilang na anak na edad hanggang 14 na taong gulang.
 
May Municipal Advisory Committee na nagsasagawa ng pagpupulong upang pag-usapan ang kalagayan ng mga beneficiaries ng 4Ps, Ang Family Development Session (FDS) ay pina-aalalahanan ang mga benepisaryo tungkol sa mga obligasyon nila at ang nasabing programa ay para sa kalusugan at edukasyon ng mga bata.

Hindi rin kinukuhanan ng bayad ang mga miyembro ng 4 Ps alisunod sa ”No Collection Policy” ng munisipalidad,

Basta palagi nilang dadalhin ang Pantawid Pamilya ID hindi lamang sa pagbabayad kundi pati na sa transaksyon nila sa munisipyo.

Sa kasalukuyan isang ATM Machine ang itinatayo sa Sariaya bilang tulong sa mga nakuha ng Cash Transfer ng 4 Ps, upang hindi na sila gumastos ng pamasahe sa pagpunta sa Lucena City o Candelaria Quezon upang kumuha ng pera sa bangko.

SENIOR CITIZEN’S ID HANDOG SA MGA NAKATATANDANG MAMAMAYAN NG SARIAYA

Isa sa masasabing matagumpay na programa ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Sariaya Quezon ang maigting na pagbibigay ng Senior Citizen ID, kung saan ito ay magagamit ng mga nakatatandang mamamayan at makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang bayan ng Sariaya ay isa sa may pinaka-aktibong Federation ng Senior Citizen na umaabot na sa 10,000 ang kasapi sa 43 barangay.

Nagkaloob ng 1% fund para sa mga Senior Citizen ang munisipyo na ipinagkaloob ng sangguniang bayan at lokal na pamahalaan kung saan magagamit nila ito.
 
Sila ang gagawa ng plano base sa 1% na budget at sila rin ang magi-implement ng programang ito sa patnubay ng tanggapan ni Municipal Social Welfare and Development Officer Antonio C. Calatrava.

Ayon kay Ginoong Calatrava bukas ang kanilang tanggapan para sa mga Senior Citizen kung saan araw-araw ay may transaksyon dito lalo na sa mga naga-apply na magkaroon ng ID.
 
Malaking tulong ang Senior Citizen ID na magagamit ng mga nakatatandang mamamayan kung sila ay ba-byahe o pupunta sa ibang lugar, ganoon din ang pagkakaroon ng discount sa sasakyan, pagkain at iba pang transaksyon.

PHILHEALTH BENEFICIARIES NADAGDAGAN

Umabot na ng 4,000 beneficiaries ang Philhealth sa ngayon sa bayan ng Sariaya mula pa noong nakaraang Jan 2012. 

Sa unang bugso ng PhilHealth sa nabanggit na bayan ay pumili lamang ang lokal na pamahalaan ng tig-29 na benificiaries sa bawat barangay, dito nila napag-alaman na marami pa ang nangangailangan, kung kaya naman ay dinagdagan ito hanggang sa umabot na nga ng nasa humigit 4,000 na nakikinabang sa ngayon.

Ipinasok ito sa Lock-in Program kung saan sa pamamagitan nito ay mapapahaba pa ang Philhealth period ng bawat miyembro o beneficiaries.

Nasa 7 milyong piso ang inilaang pondo ng Punong Bayan dito.

Nagkaroon ng quarterly para hindi ganoon kabigat ang pagbabayad, 25% na ang nabayaran noong nakaraang taon.

May ibinigay ding budget ang punong bayan na nasa 4.2 milyon na additional para sa lock-in Program at ngayong Pebrero ay idadagdag ang natirang budget na umaabot ng nasa P600,000.00.para sa pambayad sa natitirang 75% utang,  

Dahil dito 500 pa ang pwedeng maging sponsored PhilHealth Benificiaries sa bayan ng Sariaya.

Tinatayang ngayong Pebrero ay nasa 4,800 na ang magiging Philhealth benificiaries sa taong ito.

MGA TAONG MAY KAPANSANAN BAHAGI NG ATING LIPUNAN

Bilang pagpapahalaga sa mga taong may kapansanan, nagkakaloob ng Person With Disability o PWD ID ang lokal na pamahalaan, kung saan isa sa mga bayang natugon dito ay ang bayan ng Sariaya Quezon.

Tulad ng ibang sector ng lipunan mahalaga rin ang mga disabled person at may karapatan din bilang isang mamamayan ng isang komunidad.

Maigting ang implementasyon ng pagbibigay ng mga Identification Card o ID sa nabanggit na bayan, tulad ng Senior Citizen’s ID ay magagamit din ito ng mga taong may kapansanan sa pagkakaroon ng benepisyo.

Tulad ng discount sa pagsakay, pagkain at makakuha ng 20% discount sa lahat ng transaksyon.

Hinihikayat ng tanggapan ng Municipal Dept. of Social Welfare and Development ang mga taong may kapansanan sa bayan ng Sariaya na magtungo sa munisipyo, kung hindi kayang pumunta ng mag-isa ay maaaring samahan ng kahit sinong miyembro ng pamilya.

Pagkatapos lagdaan ng Punong Bayan na si Mayor Rosauro “Boyet” Masilang ay maaari ng magamit ang PWD ID.

Samantala ang mga Person with Disablities na wala ng pamilya o kamag-anak na pakalat-kalat sa lansangan ay tinutulungan din upang maihanap ng pwedeng pagdalhan at kakalinga.

Layunin nito na maitaguyod ang uri ng pamumuhay ng mga mamamayan kahit pa nga sila ay may kapansanan.

AFP AT PNP KATUWANG SA PANGANGALAGA NG MGA KABATAAN

Katuwang ang Armed Force of the Phillippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa iba pang mga proyekto at programa ng lokal na pamahalaan para sa kabataan.

Isa na nga dito ang pampalakasan o sports.

Sa darating nga na buwan ng Abril ay magsasagawa ang 1st Special Forces Batallion at 2nd SF Company na nakatalaga dito sa ikalawang distrito, partikular na nga sa bayan ng Sariaya, ng tinatawag na  “Youth Leadership Summit”, kung saan hinihikayat na sumali ang mga kabataan lalo na ang mga out of school youth.

Layunin nito na magkaroon ng magandang samahan at maiwasan ang masasamang gawain.

Bukod dito tuloy-tuloy rin ang pagbibigay kaalaman tungkol sa ipinagbabawal na gamot (drugs) at kung paano ito maiiwasan sa  iba’t ibang paaralan.

Katuwang dito ang Sariaya PNP sa ilalim ng pamumuno ni Police Supt. Vilmar Manzano, ito ay bunsod ng patuloy na kampanya tungkol sa droga o “Anti Drug Campaign” sa iba’t ibang barangay.

Tuesday, February 19, 2013

Maganda at maunlad na turismo sa tao nagsisimula

Ang tagumpay ng turismo ay nagmumula sa tao o ang tinatawag na community involvement .

Bago nga masabing maganda at matagumpay ang turismo ng isang munisipalidad ay kailangang maturuan muna ang mga tao dito sa kung ano ang meron ang kanilang bayan.

Dahil sa ang mga bata ngayon ay di na katulad ng dati na alam ang mga kultura ng kanilang lugar ay muling itinuturo sa kanila sa paaralan ang pinagmulan at tradisyon ng kanilang bayan.

Naniniwala dito ang lokal na pamahalaan na dapat munang maging edukado ang mga sariayahin lalo na ang mga kabataan sa kung ano ang kultura na kanilang pinagmulan.

May mga lumang gusali sa bayan ng sariaya na dinarayo dahil na rin sa mga kwento o kasaysayan ng lugar  at may mga tradisyon din kung saan nakaka-enganyo sa mga turista.

Dito napatunayan ng Sariaya Tourism Council (STC) na hindi na kailangan ng bayan ng Sariaya na magpatayo ng mga panibagong gusali upang dayuhin ng mga turista, dahil mismong mga tao dito at ang kanilang kwento ay malaking bahagi na ng turismo.



Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Monday, February 18, 2013

MGA KAKULANGAN NOON, NATUTUGUNAN NA SA NGAYON

Isa ang bayan ng Sariaya sa binigyang pansin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) tungkol sa Seal of Disaster Preparedness.

Ayon dito may 4 na aspeto na may kahinaan pa ang bayan, sa stock file, Incident Command System (ICS), Early Warning System (EWS), at equipment tools.

Ngunit nitong nakaraang 2012 ay natugunan na ang ilan dito, kung kaya ngayong 2013 ang ICS, Stock File at Early Warning Device System ay plano ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) na isakatuparan.

Bilang paghahanda ng Local Government Units Sariaya, may rescue vehicle  na mapaglalagyan ng mga tool and equipment, para magamit sa pag-rescue at pagresponde ng madalian at maisalba ang mga buhay ng tao kung sakaling magkaroon ng sakuna o trahedya.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Friday, February 15, 2013

PROTEKSYON KUNG HINDI NA KAYANG AYUSIN


Kahit idineklara na nga na for rehabilitation ng Mt. Banahaw San Cristobal Protective Landscape (MBSCPL) ang ilang risk area, hindi na nga maisasa-ayos ang ilang portion malapit sa crater, dahil sa natural na gumuguho ng tuloy-tuloy ang mga borders dito.

Kung kaya naman proteksyon lang ang pwedeng magawa dito, tulad na lang ng bamboo plantation sa mga diluted area.

Hinihikayat ang mga nakatira malapit sa ilog at mga magsasaka na magtanim ng kawayan sa halip na agricultural crops lamang.

On-going rin ang Amendment ng Management Plan at survey ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Protected Area Superintendent Office (PASO) upang malaman ang mga critical areas lalo na yung mga Landscape Prone Area.



Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

TAMANG DREDGING AT QUARRY OPERATION LANG

    Sa nagdaang bagyong Ofel, nagkaroon ng pagbaha sa Eastern portion ng bayan ng Sariaya at ang kawalan ng drainage o river system ang nakikitang dahilan.
Samantala ang Western portion naman na malalalim talaga ang naging operasyon ng quarry ay hindi lumubog dahil sa sumalo ang ilog dito sa ibinuhos na volume ng ulan.

    Ayon sa kinatawan ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO Designate Dondon M. Martinez, hindi naipaliwanag ng maayos sa mga tao yung kahalagahan na kailangang magkaroon ng dredging operation sa lahat ng ilog dahil bumababaw ito, kung hindi ito idi-dredge at nagkaroon ng malakas na buhos ng ulan, aapaw o kakalat ang tubig, ngunit ang gagawing operasyon ay dapat naaayon sa Sariaya Major River System.

    Ang Quarry operation na binibigyan ng permit ay within the river system lang dahil kung in-land ay magkakaproblema, kung kaya naman lahat ng in-land operation ay ipinatigil at ipinagbawal na.
Batay na rin ito sa resolusyon ng Sangguniang bayan o DENR Administrative Order.

    Kailangan din na mapag-aralan ang Water Table, dahil sa baka maapektuhan ang mga deepwell dito.

    Ngayon nga ay on-going ang construction ng deepwell sa Sampaloc 1 ng naturang bayan at hindi pa matukoy kung magkakaroon ng epekto ang ginagawang malalim na quarry operations sa iba pang mga deep well.
Sa ngayon ay may naka-pasa na nga na Delineation of River System proposal na inaantay na lamang maaprubahan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB).

    Kailangang technically ay mapag-aralan upang magkaroon ng regulations at masigurado na hindi magi-exceed ang lalim ng nahuhukay.
 
    Hindi kasi direktang makakapagkansela ng permit ang lokalidad ng Sariaya dahil ang nagi-iisue ay Regional Level at sa Provincial Mining Regulatory Board (PMRB).
Ang Local Government Unit (LGU) lang ang nagre-regulate ng nasabing operasyon.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Tuesday, February 12, 2013

MGA AHENSYA TULONG-TULONG PARA SA DISASTER PREPAREDNESS NG SARIAYA

Bilang tugon sa Local Preparedness at Disaster Risk Reduction Management Council (LPDRRMC) sa naka-ambang na panganib sa bayan ng sariaya.

Katuwang ng Local Government Unit (LGU) ang ibang ahensya tulad ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR), Dept. of Public Works and Highways (DPWH), Mines and Geosciences Bureau (MGB), Environmental Management Bureau (EMB) at ang Provincial Government of Quezon, sa isinasagawang pag-aaral at paghahanda ng nabanggit na bayan.
 
On-going ang Memorandum of Agreement (MOA) na nasa Sangguniang Bayan na ngayon, ito ay tungkol sa implementasyon ng Sariaya Flood Control Project (SFCP)
.
Nakasaad din dito ang detalye sa kung ano ang responsibilidad o magiging obligasyon ng bawat ahensya na magtutulong-tulong para maisa-ayos ang operasyon ng quarry at dredging, sa Major River System (MRS) ng Lagnas River, Janagdong Sampaloc at Janagdong Sto. Cristo ng naturang bayan.

Ngayong 2013 nagkaroon ng kaunting linaw o eksplenasyon tungkol sa MRS, kung kaya naman mas hihigpitan pa ang pagbibigay ng permit sa mga operasyon dito.

Dahil sa balita sa pagkakaroon ng iligal na quarry operation na sya ring itinuturong dahilan o sanhi ng pagbaha sa bayan ng Sariaya, hinhikayat ng lokal na pamahalaan, partikular na nga ng tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni MENRO designate, Mr. Dondon M. Martinez, ang taong bayan, upang makipagtulungan at magreport kung saan, ang illegally source area ng iligal na quarry operation.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Monday, February 11, 2013

Proyekto at Programa para sa Out of School Youth ng Sariaya

Isa ang bayan ng Sariaya sa mga bayan na nagsasagawa ng mga programa at nagpapatupad ng mga proyekto ng lokal na pamahalaan para sa mga kabataan.

Dahil sa kahirapan ng buhay at kawalan ng pangtustos sa matrikula sa eskwelahan, marami sa mga kabataan  ang hindi na nakakapag-aral o out of school youth na.

Bilang tugon sa ganitong problema ng bayan, may mga angkop na proyekto at programa na inilaan sa kanila, tulad ng tinatawag na Alternative Learning System at Vocational Rehabilitation Skills.

Meron ding samahan na tinatawag na Pag-asa Youth Association na binubuo ng mga kabataang may edad 13-22 years old na hindi nag-aaral.

Binibigyan sila ng programa na angkop sa kanilang pangangailangan katulad ng Skills Development, inihahanap sila ng trabaho o tinutulungang makabalik sa pag-aaral.

May mga vocational school katulad ng CSTC na katuwang ng local government upang maisatupad ang ganitong programa.

Asahan ang ganitong mga proyekto para sa kabataan ng lokal na pamahalaan ng Sariaya katuwang ang iba pang sektor at ahensya.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

GIS at MRS malaking tulong sa Disaster Preparedness

Taong 2008, sinimulan na ang pag-aaral tungkol sa mga naka-ambang na panganib sa bayan ng Sariaya.

Ngunit dahil sa kakulangan ng kagamitan noon ay hindi makapagbigay ng kumpletong datos o data.

Tulad na lamang noong taong 2000-2001, kung saan walang hawak na equipment ang naturang bayan ng magkaroon ng malawakang pagbaha na ikinasira ng malaking tulay dito, ang Lagnas Bridge.

Ito ang tinitingnan ng lokal na pamahalaan na maaaring pagdating ng panahon ay maulit.

Pinag-aaralan sa ngayon ang pagkakaroon ng maayos na Major River System (MRS), kasabay ang pagsasa-ayos ng Disaster Management Plan ng Local Government Unit (LGU), ito ang Amendment o Revision ng ilang plano tulad ng Comprehensive Development Plan.
 
Nakabili o nakapag-purchase na ng mga kagamitan tulad ng ginagamit na Collective Satellite Image ng Sariaya.   

 At sa tulong ng tinatawag na GIS o Geographical Information System, na-identify ang mga area o lugar na prone sa landslide, nakita rin dito ang kasalukuyang kalagayan ng Major River System ng Sariaya.
 
May 3 Major River System na nagmumula sa crater, isa na nga dito ang malaking ilog na tinatawag na Lagnas River na tatagos pababa sa parte ng Sampaloc Bugon.

Noong 1995 ito yung tulay na nasira ng bagyong Rosing.

Ang ikalawa at ikatlong ilog naman ay Janagdong Sampaloc at Janagdong Sto. Cristo.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Kababaihan at Family Planning pinahahalagahan sa bayan ng Sariaya

Isa ang bayan ng Sariaya Quezon sa mga aktibong bayan na may samahan ng mga kababaihan na tinatawag na Sariaya Women’s Federation.

Kung kaya naman malaki ang pagpapahalaga sa mga kababaihan dito, may mga proyekto o programa para sa kanila gaya ng: “Pangkabuhayan Project for Women” kung saan tinutulungan o tinuturuan sila ng mga bagay na maaari nilang pagkakitaan tulad ng paggawa ng bag mula sa buli.

Ang Kalipunan ng Liping Pilipina o KALIPI Members at miyembro ng Kababaihan sa bukid naman ay hinihikayat na mag-organic farming, binibigyan din sila ng kaalaman sa iba pang livelihood programs bilang karagdagan kita at tulong sa kanilang pamilya.

Katuwang sa mga programa at proyekto para sa kababaihan si Gng. Rowena Z. Masilang, ang tanggapan ng Dept. of Social Welfare and Development, Dept. of Agriculture at iba pa.

At dahil sa ang mga kababaihan ang isa sa sangkap ng pagbuo ng pamilya, binibigyang pansin din ang Family Planning na isa rin sa health concern ng bayan ng Sariaya.

Ang mag-asawa ay hinihikayat na gumamit ng natural method o natural na pamamaraan at contraceptives upang maiwasan ang paglaki ng bilang ng mga anak na hindi naman kayang tustusan ng mag-asawa. May mga health workers sa mga barangay na maaaring kausapin tungkol dito.

Magkatuwang ang Municipal Social Welfare at Dept. of Health sa pagtuturo o pagbibigay ng kaalaman tungkol sa tamang Family Planning o TAMANG Pagpaplano ng Pamilya.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Thursday, February 7, 2013

Programa at proyekto tuloy-tuloy sa Sariaya Quezon

Patuloy ang mga proyekto at mga programa ng Social Welfare and Health Department, ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Sariaya Quezon.

Gaya ng 4 Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nasa ika-2 taon ng ipinatutupad, tumaas ng 3,939 ang beneficiaries nito mula sa bilang na 3,200 noong nakaraang taon.

Sa kasalukuyan isang ATM Machine ang itinatayo sa Sariaya bilang tulong sa mga nakuha ng Cash Transfer ng 4 Ps, upang hindi na sila gumastos ng pamasahe sa pagpunta sa Lucena City o Candelaria Quezon upang kumuha ng pera sa bangko.

Bilang tugon naman sa kalusugan, ipinatutupad ang Supplemental Feeding Program ng Social Welfare and Development. Layunin nito na maitaas ang antas ng timbang ng mga underweight o malnourished na bata sa day care center.

Ayon kay Mr, Antonio C, Calatrava, MSWD Officer ng Sariaya, nasa humigit kumulang 3,000 bata na ang pinakakain mula lunes hanggang biyernes sa loob ng day care center kung saan aabot ng 120 days ang pagpapakain.

Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga magulang ay patuloy na mabibigyan ng sapat na nutrisyon at masusustansyang pagkain ang mga bata.

Samantala bukod sa mga nabanggit na programa, binibigyang pansin din ng lokal na pamahalaan ang mga Senior Citizen at Person With Disability (PWD).

Noon ngang nakaraang taon ay nagkaloob ng Assistive Device o pantulong para sa mobility ng mga disabled person tulad ng wheelchair na nagagamit na nga ng may kapansanan.

Bukod sa Senior Citizen ID, meron din na ipinamamahaging ID para sa mga may kapansanan kung saan makaka-discount sila ng 20% sa pagsakay, pagkain at iba pa.

May 1% fund din na inilaan para sa mga senior citizen na kanilang magagamit. Kaugnay dito bukas ang tanggapang ng Municipal Social Welfare and Development Office at Philhealth para sa mga mamamayan ng Sariaya.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Thursday, January 31, 2013

Legarda, wagi sa Interlink Media Services Survey

Sa pinakahuling survey ng Interlink Media Services na isinagawa nitong January 14 hanggang January 19, 2013, muling nanguna si Sen. Loren Legarda.

Patuloy ang pamamayagpag ng senadora sa mga survey dahil sa sipag, tiyaga at determinasyon na magampanan ang kanyang tungkulin.

Nasa 1,600 ang naging respondents dito na mula pa sa Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan at Antique.


Nangunguna sa listahan si Sen. Loren Legarda na nakakuha ng 58.12%
2) si Sen Chiz Escudero (54.37%)
3) Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano (53.56%)
4) Sen. Gringo Honasan (49.37%)
5) Cong. Sonny Angara (47.62%)
6) Ex-Sen. Migz Zubiri (47.43%) na sinundan nina
7) Cong. Jackie Enrile (44.50%)
8) Cong. Jv Ejercito (43.87%)
9) Nancy Binay (43.56%)
10) Cynthia Villar (42.56%)
11) Koko Pimentel (39.18%) at
12) Sen. Antonio Trillanes (37.81%)

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Climate Change, patuloy si Legarda sa pagsusulong ng public awareness sa epekto ng pagbabago ng klima na nagdudulot ng malalakas na bagyo, pumipinsala ng mga ari-arian at kumikitil ng buhay.

Isinusulong din niya ang pangangalaga ng kalikasan, proteksyon ng mga kasambahay, kabataan at kababaihan.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Thursday, January 24, 2013

Disaster Preparedness ng mga sector ikinagalak ni Legarda

Ikinagalak ni Chair of the Senate Committee on Climate Change and United Nations Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation for Asia-Pacific Sen. Loren Legarda ang isinagawang rapid deployment ng mga tent sa bansa.

Nagkaroon ng Turnover Ceremony sa Dept. of Health (DOH) mula sa French company na UTILIS, isang pribadong kumpanya na piniling mag-donate ng mga tent sa PIlipinas upang magamit sa mga emergency medical missions sa mga nawasak o  nasalantang lugar.

Ang mga nasabing tent ay gagamitin sa disaster response at management.

Ayon kay Legarda ito ay sumisimbolo sa matibay na samahan sa mga sector at mga national borders sa usaping disaster adaptation.

Pinapatunayan lamang nito na desidido tayo na makipagtulungan sa iba sa pagharap sa mga sakuna o trahedya.

Nauna na nga dito ang papuri ng senadora sa Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa pakikiisa sa pagbibigay importansiya sa climate change adaptation at environmental protection na pinangunahan ni new AFP Chief of Staff Lt. Gen. Emmanuel Bautista.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Suporta sa Agrikultura hinangaan, lalawigan ng Quezon naparangalan


Dahil sa mainit na pagsuporta ni Gov. David "Jayjay" C. Suarez sa mga magsasaka at mga mangingisda ng Quezon, maraming programa at proyekto ang Serbisyong Suarez sa Agrikultura na nakahanda at ipagpapatuloy pa.

Kabilang na nga dito ang Farmers Productivity Enhancement Program na sisimulan sa programang industriya ng mais.

Layunin nito na maiangat ang kabuhayan ng mga magmamais sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay tulong tulad ng soft loan mula sa agricultural inputs, labor costs at mga subsidiya na ipagkakaloob ng Serbisyong Suarez sa agrikultura.

Ito ay bahagi ng pagpapaunlad ng buhay ng mga magsasaka tulad ng programa sa produksyon ng palay, programa sa produksyon ng gulay, prutas at iba pang mga punongkahoy ganoon din ang programa sa pangisdaan.

Bukod sa mga programang ito ay patuloy din ang pagkakaloob ng iba't ibang proyektong pangkabuhayan sa mga rural-based organization kabilang dito ang mga samahan ng mangingisda, mag-gugulay o mga magsasaka, magpa-palay, mga Rural Improvement Club (RIC) o mga kababaihan at mga Kalipunan ng mga Liping Pilipina (KALIPI) kung saan ang unang Ginang ng lalawigan na si Gng. Anna Villaraza-Suarez ang direktang tumututok sa kabuhayan ng mga kababaihan.

Dahil sa mga bagay na ito hinangaan ng iba't ibang lalawigan, rehiyon at ng International Federation of Organic Agriculture Movements (IFOAM) ang lalawigan ng Quezon bilang kauna-unahang pamahalaang Panlalawigan na sumuporta at nakapagbuo ng PGS at ginawaran ng pagkilala ang lalawigan sa isinagawang paglulunsad ng PGS Pilipinas sa UP Diliman, Quezon City kamakailan.

Ayon kay Provincial Agriculturist Officer Roberto Gajo, kinilala ang lalawigan bilang pangunahing probinsiya sa Pilipinas na nakapagbuo ng Participatory Guarantee System (PGS), isang sistema na nag-gagarantiya na ang mga organikong produkto na ani ng mga magsasaka sa Quezon ay tunay na organiko at sumunod sa teknolohiya ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng sistematikong ito ay higit na nabibigyan ng integridad ang mga produktong organiko na tinatanim ng mga magsasaka sa ilalim ng organic agricultute program ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Tuesday, January 22, 2013

Serbisyong Suarez para sa Kalusugan ng mga taga-Lopez Quezon

Lopez Quezon - 95 Barangay sa bayang ito ang nabigyan ng health coupon mula sa Pamahalaang Panlalawigan kung saan isa ito sa mga proyekto ng Serbisyong Suarez para sa kalusugan, kasabay ng pagdiriwang ng ika-15th Founding Anniversary ng Brgy. Kagawad Association of the Philippines (BKAP-Lopez Chapter) na binubuo ng 600 katao.

Ito ay isinagawa kamakailan sa municipal covered court ng nabanggit na bayan.

Ang lingap kalusugan na naipamahagi ay nagkakahalaga ng P2,375,000.00, kung saan tig P25,000.00 kada brgy.

Bukod sa Serbisyong Suarez Health Coupon ay ginawa na rin ang paglalagay ng bubong sa Pamilihang Bayan ng naturang munisipalidad, bilang tugon sa ipinangako ni Quezon Gov. David "Jay-jay" C. Suarez sa mga taga roon.

Sa mensahe ng Ama ng Lalawigan, sinabi niya na ang pagpaparamdam at pagpapa-abot ng mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa bawat isang Quezonian ang layunin ng Serbisyong Suarez at malaki ang gampaning papel ng mga opisyal ng brgy. sa pagpapatupad nito dahil higit na alam nila ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Magpapatayo rin ng dormitoryo para sa Quezon Provincial Training Center at ilang mga Farm to Market Road na magagamit ng mga taga-Lopez Quezon.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Environment-friendly campaign materials ang dapat gamitin sa Campaign Season - Legarda


Dahil sa nalalapit na Campaign Season  ng mga kakandidato sa 2013 election, hinikayat ni Chair of the Senate Committee on Climate Change and the UN Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation for Asia-Pacific, Sen. Loren Legarda, ang lahat ng kandidato na gumamit ng environment-friendly campaign materials.

Tulad ng biodegradable, recycled o post-consumer materials sa tatlong buwanna pangangampanya upang maiwasan ang mga basura gaya ng plastic at styrofoam.

Pinakiki-usapan rin ng senadora ang mga campaign teams na iwasan ang pagpapako ng mga paraphernalia sa mga puno at siguraduhin na maayos ang mga waste material o mga basura nila bago sila umalis.

Aniya ang  pagkakaroon ng malinis at luntiang Pilipinas ay depende sa kung paano ito gagawin ng bawat isang Pilipino.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Thursday, January 17, 2013

Legarda namahagi ng Geohazard Maps sa Pangasinan

Sa pagbisita ni Chair of the Senate Committee on Climate Change, Sen. Loren Legarda sa probinsiya ng Pangasinan kamakailan ay nakapanayam niya ang mga lokal na komunidad at mga magsasaka roon.

Bukod sa pamamahagi ng geohazard maps sa mga munisipalidad doon ay nagsagawa rin ng public briefing sa pagamit at implementasyon ng nasabing mapa.

Pinangunahan din ng Senadora ang pagtu-turn over ng knapsack sprayers at fertilizer para sa produksyon ng mais o corn production programs sa Mangaldan at sumama rin  siya sa mga magsasaka sa Pozorrubio Farmers’ Night.

Nais umano niyang maging produktibo ang kanyang pagbisita sa mga probinsiya lalo na sa paraan ng pagbibigay ng kaalaman sa ating mga kababayan tungkol sa disaster resilience at pagbibigay sa kanila ng mga kagamitan na sisiguro na magiging handa sila sa kakaharaping panganib.

Dagdag pa ni Legarda, Kailangang maihanda ng mga local government ang mga komunidad sa mga disaster, sa pamamagitan ng ipinamahaging geohazard maps, habang ang sector ng agrikultura naman ang tinatamaan ng epekto ng climate change, kung kaya naman dapat mabigyan ng tamang impormasyon at kagamitan na magagamit upang maka-adopt sa epekto ng global warming.

Dahil sa hindi na nga biro ang epekto ng climate change dahil sa pag-init ng mundo, maging ang ating mga kasundaluhan ay handa na rin sa paglaban sa mga kalamidad. Ayon sa ulat lalahok ang Armed Forces of the Philippines sa climate change summit ngayong 2013.



Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am