Monday, March 18, 2013

LOREN sa Bawat Barangay

Bilang tugon sa mga unemployment at underemployment sa bansa na mga Pilipino, maglulunsad si Sen. Loren Legarda ng LOREN sa bawat barangay na ang ibig sabihin ay Livelihood Opportunities to Raise Employment Nationwide katuwang ang iba’t ibang sector ng lipunan at local government agencies.

 Alinsunod ang nasabing programa sa implementasyon ng 4 na batas ni Legarda sa pangkabuhayan at trabaho, ito ay ang Public Employment Service Office (PESO) Act, the Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises (MSME),  Barangay Kabuhayan Act, at ang  Agri-Agra Reform Credit Act.

Ang LOREN sa Bawat Barangay ay kinapapalooban ng mga elemento gaya ng: Implementation of the PESO Law, MSME Law, Barangay Kabuhayan Act, at Agri-Agra Reform Credit Act; kasama na rin ang mga isasagawang jobs fair at disaster risk reduction (DRR) education at information campaign.

Ang PESO Law ay para sa mga naghahanap ng trabaho at mga newly graduates kung saan nabibigyan sila ng impormasyon sa mga oportunidad at serbisyo ng kanilang munisipalidad.

Ang MSME Law naman ay magbibigay ng assistance sa mga entrepreneurs sa pamamagitan ng pagkakaroon ng nasa 8% na total loan portfolio ng mga lending institutions sa micro at small businesses.

Samantala, ang Barangay Kabuhayan Act ay sumisiguro na ang lahat ng livelihood at skills training centers na inio-offer ng national government ay maayos na naisasagawa at nai-coordinate sa municipal level.

At ang Agri-Agra Reform Credit Act naman ay susuporta sa mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng mga banko na maga-allocate ng 25% ng kanilang loanable funds sa sektor ng Agrikultura hanggang sa gastos ng mga gamit sa pagsasaka.

Ngayong araw ay isasagawa sa pagbisita sa Baguio City ni Sen. Loren Legarda ang LOREN sa Bawat Barangay.