Hindi
inaasahan ni Ginang Fernanda Arpia, Barangay
Treasurer ng Brgy. Bignay 1, Sariaya Quezon, na magiging biktima siya ng
isang robbery hold-up.
Nito
lamang nakaraang miyerkules (Jan. 21, 2015), dakong alas-2:00 ng hapon, sumakay
ang ginang sa isang pampasaherong jeep mula sa Sto. Cristo patungo sa Brgy.
Bignay 1.
Nang
dumating sa crossing ng Brgy. Montecillo ay tumigil ang jeep upang magbaba ng pasahero
kung saan mula sa likod ay isang itim na motorsiklo ang tumigil, sakay ang
dalawang (2) di pa nakikilalang lalaki.
Tumigil
ito sa tapat ng driver at tinutukan ito ng isang short firearms, matapos nito
bumaba ang backride ng motor at nagtungo sa likod ng jeep kung saan naandon ang
mga pasahero.
Dito
na nakuha sa biktima ang isang dilaw na bag na naglalaman ng P3,000 cash money,
Senior Citizen ID, SSS, PhilHealth at Brgy. ID.
Ngunit
ang higit na ipinanlumo ni Ginang Arpia ay ang natangay ding Brgy. Honorarium
ng Bignay 1 na nagkakahalaga ng P73,450.00.
Matapos
makuha ang pakay ng dalawang kawatan ay agad kumaripas ang mga ito patungo sa
direksyon ng Brgy. Guis-Guis.
Kaugnay
nito nagsagawa ng follow-up investigation ang Sariaya Municipal Police Station
sa nangyari.
Nakilala
ang isa sa mga suspek na si Michael De Chavez na naninirahan din sa Brgy.
Bignay at tanging sun glasses lang ang panakip sa mukha ng mangyari ang krimen.
Reported by: Jen-jen Oblefias