Bayang Mapagmalasakit Project sa Brgy. Concepcion Pinagbakuran |
Upang mas mapalapit sa tao
ang pamahalaan, isang proyekto ang inilulunsad ngayon sa bayan ng Sariaya
Quezon, sa pangunguna ni Mayor Rosauro “Boyet” V. Masilang.
Sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan sa mga barangay ay naipagkakaloob sa mamamayan ang “Bayang
Mapagmalasakit Project”.
Kung saan dito nagkakaroon
ng Community Forum, On-Site Delivery of Services at Turn-over of Project Assistance.
Ang mga Serbisyong
ibinibigay dito ay Free Registration of Birth, Job Recruitment, Free Medical
and Dental Service, Free Haircut (Libreng Gupit), Free Circumcision (Libreng
Tuli) at Animal Vaccination.
Anim (6) na sa 43 barangay
dito ang nabisita ng Lokal na pamahalaan, kung saan humigit 2,000 na ang
natulungan ng iba’t ibang serbisyo na dinala sa mga barangay, gaya ng: Brgy.
Mamala I (Kap. Ernesto D. Remo), Brgy. Sampaloc II (Kap. Aristeo M. Ilao),
Brgy. Lutucan I (Kap. Juanita Reyes), Brgy. Gibanga (Kap. Mateo R. Nollen Jr.),
Brgy. Manggalang Kiling (Kap. Reynaldo C. Malabanan) at Brgy. Concepcion
Pinagbakuran (Kap. Pedro C. Manongsong).
Humigit 600 ang natulungan
ng Free Medical and Dental Services, nasa 100 mahigit ang nagparehistro sa Free
Birth Registration at tumaas ng nasa 538 ang bilang ng nagpagupit matanda man o
bata.
Madami rin ang
nakapag-patuli sa Free Circumcision Service habang umakyat na rin ang bilang ng
pinaturukang hayop sa Free Animal Vaccination.
Bukod sa Libreng Serbisyo (On-Site
Delivery of Services), nagkaloob rin
ang Sariaya Local Government Units (LGUs) ng First Aid Kit, Spire Board, ilang
sako ng Fertilizers (organic and inorganic), packs of groceries at mga pananim
na buto o binhi.
Assorted farm tools ang
karagdagang ipinagkaloob sa Brgy. Gibanga habang nabigyan din ng semento at
toilet bowls ang Brgy. M. Kiling.
Tig-isangdaan (100) na
piraso naman na bakal (rebar) at guyabano seedlings ang naibigay pa sa Brgy. C.
Pinagbakuran.
At 150 piraso ng Fruit
bearing Trees Seedlings ang ipinamahagi sa Brgy. Mamala I, mga seedlings ng
Lansones kung saan, 160 pcs. sa Sampaloc II at 150 pcs. sa Lutucan I ang
ibinigay.
Katuwang ng Lokal na
pamahalaan ang iba’t ibang grupo sa pagsasa-ayos ng aktibidad na ito, kabilang
ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office - Emergency Response Team (LDRRMO-ERT), Sariaya Municipal Police Station, Sariaya Municipal Fire Station, Army (85th Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division), Bantay ng Bayan at Kabalikat Civicom (999) Sariaya Chapter.
Asahan na magpapatuloy ang Bayang Mapagmalasakit Project 2015 at madaragdagan pa ang bilang ng mga Sariayahin na matutulungan nito.
Asahan na magpapatuloy ang Bayang Mapagmalasakit Project 2015 at madaragdagan pa ang bilang ng mga Sariayahin na matutulungan nito.
Reported by: JEN-JEN OBLEFIAS