Showing posts with label Gen Nakar Quezon. Show all posts
Showing posts with label Gen Nakar Quezon. Show all posts

Monday, November 26, 2012

Reservist Training tuloy-tuloy at Gumaca Quezon napagkalooban ng Health Coupon


Nasa ika-9 na araw na ang isinasagawang Organizational Training ng mga Quezon Reserve Army sa Camp Guillermo Nakar Lucena City.

Nabigyang papuri o parangal ang nasa 31 reservist ng Pagbilao Quezon.

Kinilala ang mga ito ng QPPO Pagbilao  Municipal Police Station, sa pamumuno ni Police Chief Inspector Arvin Zamora De Asis, sa kanilang pakikiisa at boluntaryong pagbibigay ng kanilang oras noong selebrasyon ng All Saints / Souls Day (OPLAN: Kaluluwa 2012) sa bayan ng Pagbilao Quezon noong Oct 31 hanggang Nov. 4, 2012.

Samantala, 59 na Barangay sa Bayan ng Gumaca Quezon ang napagkalooban ng Health Coupon ng Serbisyong Suarez Lingap Kalusugan na may kabuuang halaga na P590,000.00 na maaaring gamitin na pambili ng gamot at pangkonsulta sa mga pampublikong pagamutan.

Ang formal turn-over ng Ceremonial Cheque ng Health Coupon sa naturang bayan ay ginanap noong Nov. 22, 2012 na pinangunahan ni Quezon Gov. David “Jay-jay” Suarez, kasama sina Gumaca Mayor Erwin Caralian at mga kapitan ng brgy. ng Gumaca Quezon.

Monday, October 29, 2012

SERBISYONG SUAREZ sa AGRIKULTURA


Isa sa mga pryoridad ng ating lokal na pamahalaan ang pang Agrikultura na programa, kung kaya naman tuloy-tuloy ang mga proyekto at aktibidades dito sa atin, sa pangunguna ni Gov. David “Jayjay” Suarez, kung kaya naman suportado din ng mga punong bayan at mga opisyales ang Serbisyong Suarez sa Agrikultura.

Isa na nga ang programa na tinatawag na Training on Community-Based Tilapia Hatchery for Fingerling Production na naisagawa na nga sa iba’t ibang bayan.

Ang mga bayan gaya ng Atimonan, City of Tayabas, San Antonio, San Narciso, Tiaong, Real, Gen. Nakar at Lopez, ay ilan sa mga bayan ng lalawigan ng Quezon na pinagdausan na ng nasabing pagsasanay.


Layunin nitong pataasin ang kalidad o kabuhayan ng mga kababayan natin sa pangisdaan at mabigyan ang mga mangingisda ng karagdagang, kaalaman.

Tulad ng ibinahagi ng mga kawani ng Fisheries Division, ng Tanggapan ng Panlalawigan Agrikultor o Agriculture,  tungkol sa mga, sumusunod:

  • Fishpond Lay-out and Design, 
  • Selection of Broodstock, 
  • Pond Preparation, 
  • Water Management, 
  • Collection & Segregation of Post Fry, 
  • Nursery & Fingerling Handling and Marketing, 
  • Farm Records and Financial Management at 
  • Adaptation Measures to Lessen the Effect of Climate Change to Fish Productivity 

Inaasahan ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng naturang pagsasanay ang mga kababayan nating mangingisda sa iba pang bayan ng lalawigan.


Bukod pa dito namahagi rin kamakailan ng limang libong (5,000) coconut seedlings ang Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa mga bayan ng Unisan, Catanauan, San Narciso at Gumaca, Quezon, kaalinsabay ng pagsasagawa ng Coconut Planting and Replanting Program na dinaluhan ng isang daan at dalawampung (120) magniniyog. 

Layunin nito na buhayin at pagyamaning muli ang sektor ng pagniniyugan, upang mapalitan ang mga naputol na puno ng niyog, mga nasalanta ng bagyo, matatandang puno at mga tinamaan, ng peste.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) Gov. David "Jay-jay" Suarez

Friday, October 26, 2012

SERBISYONG SUAREZ TULOY-TULOY


Patuloy ang proyekto at aktibidad ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Gov. David Jay-jay Suarez. Sa pagpasok pa lamang ng linggong ito ay ilang bayan na ang tinungo ng gobernador,

Aniya pinipilit ng Serbisyong Suarez na marating ang mga liblib na lugar upang maparating ang mga proyekto at paglilingkod sa taong bayan.

Nauna na dito ang proyekto sa mga bayan ng Real at Infanta, Quezon na nagkakahalaga ng 71.6 Milyon pesos na naipagkaloob nito lamang magkasundo na araw ng lunes at martes.

Dito nagkaroon ng Concreting, Construction and Improvement ng ilang kalsada at paaralan sa bayan ng Real na nagkakahalaga ng 32.7 Milyon pesos,

At sa bayan ng Infanta, Quezon naglaan ng P32,265,000.00 para sa itatayo na Claro M. Recto District Hospital, at namahagi rin ng Philhealth Cards, pinasinayaan din ang dalawang classroom building sa Barangay Agos-Agos sa bayan ng Infanta, sa ilalim ng Serbisyong Suarez para sa Edukasyon na napakalaking tulong para magkaroon ng panibagong silid aralan dahil sa hindi na magsisiksikan ang mga mag-aaral sa isang kubo.

Nagkaloob din ang Pamahalaang Panlalawigan ng pondo para sa Feeding Program sa 3 bayan, ito ay ang bayan ng General Nakar, Infanta at Real,  na nagkakahalaga ng P 5,148,000.00