Showing posts with label Sariaya BFP. Show all posts
Showing posts with label Sariaya BFP. Show all posts

Wednesday, May 27, 2015

BAYANG MAPAGMALASAKIT PROJECT, HUMIGIT 2,000 SARIAYAHIN NA ANG NATULUNGAN

Bayang Mapagmalasakit Project sa Brgy. Concepcion Pinagbakuran


Upang mas mapalapit sa tao ang pamahalaan, isang proyekto ang inilulunsad ngayon sa bayan ng Sariaya Quezon, sa pangunguna ni Mayor Rosauro “Boyet” V. Masilang.

Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga barangay ay naipagkakaloob sa mamamayan ang “Bayang Mapagmalasakit Project”.

Kung saan dito nagkakaroon ng Community Forum, On-Site Delivery of Services at Turn-over of Project Assistance.

Ang mga Serbisyong ibinibigay dito ay Free Registration of Birth, Job Recruitment, Free Medical and Dental Service, Free Haircut (Libreng Gupit), Free Circumcision (Libreng Tuli) at Animal Vaccination.

Anim (6) na sa 43 barangay dito ang nabisita ng Lokal na pamahalaan, kung saan humigit 2,000 na ang natulungan ng iba’t ibang serbisyo na dinala sa mga barangay, gaya ng: Brgy. Mamala I (Kap. Ernesto D. Remo), Brgy. Sampaloc II (Kap. Aristeo M. Ilao), Brgy. Lutucan I (Kap. Juanita Reyes), Brgy. Gibanga (Kap. Mateo R. Nollen Jr.), Brgy. Manggalang Kiling (Kap. Reynaldo C. Malabanan) at Brgy. Concepcion Pinagbakuran (Kap. Pedro C. Manongsong).

Humigit 600 ang natulungan ng Free Medical and Dental Services, nasa 100 mahigit ang nagparehistro sa Free Birth Registration at tumaas ng nasa 538 ang bilang ng nagpagupit matanda man o bata.

Madami rin ang nakapag-patuli sa Free Circumcision Service habang umakyat na rin ang bilang ng pinaturukang hayop sa Free Animal Vaccination.

Bukod sa Libreng Serbisyo (On-Site Delivery of Services), nagkaloob rin ang Sariaya Local Government Units (LGUs) ng First Aid Kit, Spire Board, ilang sako ng Fertilizers (organic and inorganic), packs of groceries at mga pananim na buto o binhi. 

Assorted farm tools ang karagdagang ipinagkaloob sa Brgy. Gibanga habang nabigyan din ng semento at toilet bowls ang Brgy. M. Kiling.

Tig-isangdaan (100) na piraso naman na bakal (rebar) at guyabano seedlings ang naibigay pa sa Brgy. C. Pinagbakuran.

At 150 piraso ng Fruit bearing Trees Seedlings ang ipinamahagi sa Brgy. Mamala I, mga seedlings ng Lansones kung saan, 160 pcs. sa Sampaloc II at 150 pcs. sa Lutucan I ang ibinigay.

Katuwang ng Lokal na pamahalaan ang iba’t ibang grupo sa pagsasa-ayos ng aktibidad na ito, kabilang ang  Local Disaster Risk Reduction and Management Office - Emergency Response Team (LDRRMO-ERT), Sariaya Municipal Police Station, Sariaya Municipal Fire Station, Army (85th Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division), Bantay ng Bayan at Kabalikat Civicom (999) Sariaya Chapter.

Asahan na magpapatuloy ang Bayang Mapagmalasakit Project 2015 at madaragdagan pa ang bilang ng mga Sariayahin na matutulungan nito.



Reported by: JEN-JEN OBLEFIAS

Friday, February 27, 2015

20 PAMILYA AT 18 KABAHAYAN APEKTADO NG SUNOG SA BRGY. 10, LUCENA CITY, NASA 6.8 MILLION NA ARI-ARIAN NATUPOK!


Nasa dalawampung (20) pamilya at labing-walong (18) kabahayan ang nai-ulat na naapektuhan ng nangyaring sunog dakong alas-9:00 ng umaga sa Purok Sampaguita 1, Brgy. 10, Lucena City noong ika-27 ng Pebrero taong kasalukuyan.




Ayon sa inisyal na ulat mula sa Lucena City Bureau of Fire Protection, dakong alas-9:15 ng umaga ng makatanggap sila ng tawag tungkol dito.



Dahil sa magkakalapit at halos dikit-dikit na ang mga bahay sa nasabing lugar na gawa sa mga light materials, ay hindi kaagad ito naapula.




Itinaas ng hanggang ikalawang alarma ang sunog dahil sa lakas ng hangin na nagpakalat ng apoy at kakulangan sa tubig o ang hina ng pressure mula sa hydrant dito. Pinutol din ang linya ng kuryente.






Dakong alas-10:00 ng dumating naman ang mga rumespondeng Fire Trucks mula sa mga kalapit bayan ng Tayabas, Sariaya at Pagbilao Quezon.

  
 

10: 05 ng makontrol na ng mga bombero ang apoy at 10:17 ng umaga ay idineklara na itong Fire Out.

Ilan sa mga residente ang hindi na naisalba ang kanilang mga ari-arian dahil sa bilis ng pangyayari at ang ilan ay nawalan pa nga ng pera, maging ang naisalba nilang appliances ay nanakaw umano.



Walang nai-ulat na lubhang nasaktan ngunit isang residente na nakilalang si Argie Doblin, 31 anyos, ang nagkaroon ng minor burn sa kanyang braso.

Tinataya namang nasa 6.8 million ang estimated damages.


 


Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring sunog na ayon naman sa initial investigation ng Lucena PNP ay nagmula sa bahay ng isang Veronica Gandol Sanlitan, 26 yrs old at nadamay ang mga kalapit pang bahay ng mga Dugal at Rafallo Family.



Kaugnay nito muling nagpaalala ang Lucena Bureau of Fire Protection sa pamumuno ni Senior Inspector Adrian S. Dela Cruz,  City Fire Marshall - na ang Kaligtasan ng bawat isa ay mahalaga laban sa mapaminsalang sunog, kung saan nakasalalay ito sa ating kaalaman at kahandaan ukol dito.       





 Reported by: Jen-jen Oblefias

Tuesday, November 4, 2014

MGA VOLUNTEERS GROUP HANDANG MAGBIGAY NG SERBISYONG PUBLIKO

Hindi lamang sa undas, maging sa iba pang aktibidad ay handang magbigay ng kanilang oras ang mga grupo na boluntaryo na naki-isa sa pagbabantay simula noong ika-31 ng Oktubre hanggang ika-2 ng Nobyembre.

Maaalalang may mga volunteers mula sa Local Government Units, Kapitan ng mga Barangay, Brgy. Tanod, Brgy. Police, Bantay ng Bayan, Bureau of Fire Protectin (BFP), KABALIKAT CIVICOM, Quezon Reserved Army at marami pang iba ang naglaan ng kanilang oras para umalalay sa mga kababayan natin sa paggunita ng araw ng mga patay at naging katuwang ng mga kapulisan sa pagpapanatili ng Peace and Order at Traffic Management sa kani-kanilang lugar na nasasakupan.


Asahan na sila ay handang magbigay ng kanilang Serbisyong Publiko kapag sila ay kakailanganin ng bayan.



Reported by: Jen-jen Oblefias

Friday, April 12, 2013

Fire Volunteers ng Sariaya tagumpay ang pagsasanay

SAVER batch April 2013

Nagtapos na ang tatlong araw na "Organization and Training Seminar of Fire Volunteer Brigade" na ginanap sa SBH Reception Hall sa bayan ng Sariaya Quezon.

Simula nga noong April 10-12, 2013 ay nagsanay ang dalawampu't isang volunteer trainees, apat dito ay mula sa Sariaya PNP at Special Forces (SF) ng Philippine Army.

Tinuruan ang mga kalahok ng Personal Protective Defense, mga kaalaman tungkol sa sunog, tools and equipments,



Wednesday, April 10, 2013

Training para sa SAVER ng Sariaya


Isinagawa kaninang umaga ang pagsasanay ng mga S.A.V.E.R o Sariaya Association of Volunteer for Emergency Response.

Ang "Organization and Training Seminar of Fire Volunteer Brigade" ay pinangunahan ng Sariaya Bureau of Fire Department.