Showing posts with label Gov. David (Jay-jay) Suarez. Show all posts
Showing posts with label Gov. David (Jay-jay) Suarez. Show all posts

Thursday, January 24, 2013

Suporta sa Agrikultura hinangaan, lalawigan ng Quezon naparangalan


Dahil sa mainit na pagsuporta ni Gov. David "Jayjay" C. Suarez sa mga magsasaka at mga mangingisda ng Quezon, maraming programa at proyekto ang Serbisyong Suarez sa Agrikultura na nakahanda at ipagpapatuloy pa.

Kabilang na nga dito ang Farmers Productivity Enhancement Program na sisimulan sa programang industriya ng mais.

Layunin nito na maiangat ang kabuhayan ng mga magmamais sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay tulong tulad ng soft loan mula sa agricultural inputs, labor costs at mga subsidiya na ipagkakaloob ng Serbisyong Suarez sa agrikultura.

Ito ay bahagi ng pagpapaunlad ng buhay ng mga magsasaka tulad ng programa sa produksyon ng palay, programa sa produksyon ng gulay, prutas at iba pang mga punongkahoy ganoon din ang programa sa pangisdaan.

Bukod sa mga programang ito ay patuloy din ang pagkakaloob ng iba't ibang proyektong pangkabuhayan sa mga rural-based organization kabilang dito ang mga samahan ng mangingisda, mag-gugulay o mga magsasaka, magpa-palay, mga Rural Improvement Club (RIC) o mga kababaihan at mga Kalipunan ng mga Liping Pilipina (KALIPI) kung saan ang unang Ginang ng lalawigan na si Gng. Anna Villaraza-Suarez ang direktang tumututok sa kabuhayan ng mga kababaihan.

Dahil sa mga bagay na ito hinangaan ng iba't ibang lalawigan, rehiyon at ng International Federation of Organic Agriculture Movements (IFOAM) ang lalawigan ng Quezon bilang kauna-unahang pamahalaang Panlalawigan na sumuporta at nakapagbuo ng PGS at ginawaran ng pagkilala ang lalawigan sa isinagawang paglulunsad ng PGS Pilipinas sa UP Diliman, Quezon City kamakailan.

Ayon kay Provincial Agriculturist Officer Roberto Gajo, kinilala ang lalawigan bilang pangunahing probinsiya sa Pilipinas na nakapagbuo ng Participatory Guarantee System (PGS), isang sistema na nag-gagarantiya na ang mga organikong produkto na ani ng mga magsasaka sa Quezon ay tunay na organiko at sumunod sa teknolohiya ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng sistematikong ito ay higit na nabibigyan ng integridad ang mga produktong organiko na tinatanim ng mga magsasaka sa ilalim ng organic agricultute program ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Tuesday, January 22, 2013

Serbisyong Suarez para sa Kalusugan ng mga taga-Lopez Quezon

Lopez Quezon - 95 Barangay sa bayang ito ang nabigyan ng health coupon mula sa Pamahalaang Panlalawigan kung saan isa ito sa mga proyekto ng Serbisyong Suarez para sa kalusugan, kasabay ng pagdiriwang ng ika-15th Founding Anniversary ng Brgy. Kagawad Association of the Philippines (BKAP-Lopez Chapter) na binubuo ng 600 katao.

Ito ay isinagawa kamakailan sa municipal covered court ng nabanggit na bayan.

Ang lingap kalusugan na naipamahagi ay nagkakahalaga ng P2,375,000.00, kung saan tig P25,000.00 kada brgy.

Bukod sa Serbisyong Suarez Health Coupon ay ginawa na rin ang paglalagay ng bubong sa Pamilihang Bayan ng naturang munisipalidad, bilang tugon sa ipinangako ni Quezon Gov. David "Jay-jay" C. Suarez sa mga taga roon.

Sa mensahe ng Ama ng Lalawigan, sinabi niya na ang pagpaparamdam at pagpapa-abot ng mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa bawat isang Quezonian ang layunin ng Serbisyong Suarez at malaki ang gampaning papel ng mga opisyal ng brgy. sa pagpapatupad nito dahil higit na alam nila ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Magpapatayo rin ng dormitoryo para sa Quezon Provincial Training Center at ilang mga Farm to Market Road na magagamit ng mga taga-Lopez Quezon.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Thursday, January 17, 2013

TB Control sa Lalawigan ng Quezon sinimulan na


Ang TB o ang Tuberculosis nga ay isa sa mga sakit na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.

Ito ay  nagmumula sa mikrobyo na kung tawagin ay “mycobacterium tuberculosis”, ang mikrobyong ito ay mula sa plemang nagmula sa baga ng  maysakit, hindi ito katulad ng ordinaryong sipon at ubo sapagkat  ito ay sanhi ng bacteria na hindi gumagaling nang walang tamang gamutan.

Dahil sa binibigyang importansiya ni Quezon Gov. David “Jayjay”Suarez ang kalusugan ng bawat mamamayan ng Quezon katuwang ang Serbisyong Suarez para sa Kalusugan ay ikinatuwa niya ang  pakikipag-ugnayan sa pamahalaang panlalawigan ng mga bumubuo ng   “Innovations and Multisectoral Partnerships to Achieve Control of TB" (IMPACT) para sa pagsugpo ng sakit na tuberculosis o TB.

Layunin nito na mapalakas  ang programa  sa pagsugpo ng naturang sakit. Base sa kanilang pag-aaral ay ika-siyam  ang Pilipinas sa buong mundo na may mataas  na kaso  ng TB at ika-anim naman sa nagiging sanhi  ng  pagkamatay  ng  mga Pilipino.

Ito ang bagong sinusuportahang TB Control Project  ng  USAID sa loob  ng  limang taon simula noong October 2012 hanggang September 2017, ayon kina Dr. Jocelyn Cabarles at Dr. Karen Dalawangbayan, kasunod na proyekto, pagkatapos  ng  “Linking Initiatives and Networking to Control TB” (TB LINC).

Ayon kay NTP Medical Coordinators, Dr. Erlinda Plotria ng Chest Clinic, sisimulan ang naturang programa sa pamamagitan  ng  pagsasagawa  ng  situational analysis sa Feb. 25 –Feb. 28, 2013 sa buong lalawigan at magkakaroon  ng  overall TB assessment na magiging basehan  ng  kinakailangang intervention at prioritization  ng  isang lugar.

Ang IMPACT ay pinamamahalaan ng Philippine Business for Social Progress (PBSP), non-government organization na nagkakaloob ng technical assistance sa National TB Control Program.

Sa tulong ng Provincial Health Office (PHO) sa pamumuno ni Dr. Agripino Tullas at  ng  National Tuberculosis Program (NTP) Medical Coordinators, sa pamumuno ni Dr. Erlinda Plotria  ng  Chest Clinic, at pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ng Ama ng lalawigan ay ibibigay ang buong suporta at ipagkakaloob ang lahat ng kakailanganin upang maging matagumpay ang naturang programa.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Wednesday, January 16, 2013

Jollibee nagkaloob ng Playland sa Perez Park


Bilang suporta sa programa ni Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez na mapaganda ang Perez Park, ipinagkaloob ng Jollibee sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang Playland na may sukat na 14x18 meters, kasabay ng pagdiriwang nito ng ika-35th  anniversary.

Isinagawa ang formal turn-over ng naturang playland noong Jan. 14, 2013 sa flag ceremony na pinangunahan ng Provincial Governor’s Office.

Ayon sa OIC ng Jollibee Candelaria na si Jonathan Ladera, suporta ito sa programa ni Governor Suarez na mapaganda ang Perez Park, kung saan magsisilbi itong atraksyon sa mga bata upang maayos na makapaglaro.

Samantala sinabi ni Provincial General Services Officer (PGSO) Engineer Rowell Radovan na makakaasa ang mga Quezonian na mapangangalagaan ng Pamahalaang Panlalawigan ang ipinagkaloob na Jollibee Playland sa Perez Park. 

Nagpasalamat din ito sa suporta ng Jollibee upang mapaganda ang nasabing palaruan.

Wednesday, December 19, 2012

Programa para sa Magsasaka ng Quezon


Bilang tugon sa pagbabago ng buhay ng isang magsasaka at tulong upang mapaunlad ang mga produktong pang-agrikultura, naglunsad muli ng panibagong programa para sa mga magsasaka ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Tatawaging Farmers Enhancement Productivity Program (FEPP) ang panibagong  programang ito na ilulunsad sa taong 2013, nakasaad dito na “Ang pamahalaang Panlalawigan ang magbibigay ng binhing pananim, kasunod ang paglalaan ng Cash Assistance , gayun din ng mga abono”.

Para naman mapangalagaan ang kabuhayan ng magsasaka, ang pamahalaang panlalawigan na ang bibili ng mga produkto buhat sa isang magsasaka na nasa ilalim ng programang FEPP.

Ayon pa kay Quezon Gov. David “Jay-jay” Suarez, bibigyan din ng prayoridad ang anak ng mga magsasaka upang maging scholar ng Serbisyong Suarez para sa Edukasyon.

Ipinagmalaki rin ng am ng lalawigan ang programang “Organic Farming” na ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa isinagawang paskuhan ng mga magsasaka sa Lunsod ng Tayabas noong Dec. 14, 2012 sa Municipal Covered Court ng naturang bayan.

Nakipagdiwang din si Gov. Suarez ng kapaskuhan sa Brgy. Pulo, San Antonio Quezon, dito nabanggit niya ang kanyang ginagawang pagbisita sa malalayong lugar kung saan nalalaman at nararamdaman niya ang mga pangangailangan ng bawat isang pamilya.

Paraan umano ito upang iparamdam sa mga taga-Quezon na bukas ang kapitolyo  para sa lahat, sa ilalim ng mga Programa ng Serbisyong Suarez. 

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Tuesday, November 27, 2012

Serbisyong Suarez para sa Kalusugan nagpapatuloy


Bukod sa ipinamamahaging Health Coupon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, ay nagbibigay din ng libreng “Serbisyong Medikal at Dental (Free Medical and Dental Mission)” sa iba’t ibang bayan.

Layunin ng aktibidad ng Serbisyong Suarez para sa kalusugan, ang makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga taong bayan, kabilang na ang pagbibigay ng libreng konsultasyon at libreng gamot na angkop sa pangangailangan ng tao.

Isa ang bayan ng San Narciso Quezon sa nabigyan ng libreng Serbisyong Medikal at Dental noong ika-22 ng Nobyembre na ginanap sa Brgy. Hall ng Brgy San Juan ng nabanggit na bayan.

Dito ay humigit  limang daang katao ang nakinabang sa libreng Medical and Dental Consultation, kasama na nga ang pamamahagi ng libreng gamot para sa ilang karamdaman gaya ng: highblood, lagnat, sipon, ubo, pamurga, vitamins at iba pa.

Ikinagalak at ipinagpasalamat ng mga mamamayan doon ang naturang programa sa ilalim ng pamumuno ni Gov. David “Jay-jay” Suarez na malaking tulong umano sa naturang lugar.

Ayon sa kapitan ng brgy. na si Ginoong Melquiades Polo, malayo ang ospital sa kanila na nagiging dahilan kung bakit hindi kaagad nakaka-pagpatingin ang kanyang mga kabarangay na may karamdaman at ang ilan ay walang pera upang magpakonsulta.

Patuloy ang pagtulong at pakikiisa  ng mga boluntaryong doctor at dentista katuwang ang mga health workers at ang lokal na pamahalaan sa Free Medical and Mental Mission, na handog sa mamamayan ng  Probinsiya ng Quezon.                             

FREE MEDICAL AND DENTAL MISSION SA SAN NARCISO QUEZON


Bukod sa ipinamamahaging health coupon ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon, ay nagbibigay din ng libreng serbisyo o free medical and dental mission, sa iba’t ibang bayan.

Layunin ng aktibidad ng Serbisyong Suarez para sa Kalusugan ang makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga taong bayan, kabilang na ang pagbibigay ng libreng konsultasyon at libreng gamot na angkop sa pangangailangan ng tao.

Isa ang bayan ng San Narciso Quezon sa nabigyan ng libreng serbisyong medikal at dental, noong Nov. 22, 2012 na ginanap sa Brgy. Hall ng Brgy. San Juan ng nabanggit na bayan

Dito ay humigit limang daang katao ang nakinabang sa libreng medical at dental consultation, kasama na nga ang pamamahagi ng libreng gamot para sa ilang karamdaman na gaya ng high blood, lagnat, sipon, ubo, pamurga, vitamins at iba pa

Ikinagalak at ipinagpasalamat ng mga mamamayan sa nasabing bayan ang programang ito ng lokal na pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni Gov. David “Jay-jay” Suarez, kung saan malaking tulong umano ito sa naturang lugar.

Ayon sa kapitan ng Brgy. San Juan na si Ginoong Melquiades Polo, malayo ang ospital sa kanila,  na nagiging dahilan kung bakit hindi agad nakakapagpatingin ang kanyang mga kabarangay na may karamdaman at ang ilan ay walang pera na ipangbabayad sa pagpapakunsolta.

Patuloy rin ang pagtulong at pakikiisa ng mga boluntaryong doktor at dentista katuwang ang mga Brgy. Health Workers at lokal na pamahalaan sa Free Medical and Dental Mission na handog sa mga mamamayan ng probinsiya ng Quezon.

Monday, November 26, 2012

Serbisyong Suarez namahagi ng Health Coupon


Gumaca Quezon – Nasa 59 na barangay ang napag-kalooban ng health coupon ng Serbisyong Suarez-Lingap Kalusugan, na may kabuuang halaga na P590,000.00.

Maaaring gamitin ang nasabing health coupon na pambili ng gamut at pangkunsulta sa mga pampublikong pagamutan.

Ang Formal turn-over ng Ceremonial Cheque ng Health Coupon sa naturang bayan ay ginanap noong Nov. 22, 2012, kung saan pinangunahan ito ni Quezon Gov. David “Jay-jay”  Suarez, kasama sina Gumaca Mayor Erwin Caralian at mga kapitan ng barangay ng Gumaca Quezon.

Tuloy-tuloy ang Serbisyong Suarez sa kanilang Programang Pangkalusugan handog sa mga mamamayan ng Probinsiya ng Quezon.

Reservist Training tuloy-tuloy at Gumaca Quezon napagkalooban ng Health Coupon


Nasa ika-9 na araw na ang isinasagawang Organizational Training ng mga Quezon Reserve Army sa Camp Guillermo Nakar Lucena City.

Nabigyang papuri o parangal ang nasa 31 reservist ng Pagbilao Quezon.

Kinilala ang mga ito ng QPPO Pagbilao  Municipal Police Station, sa pamumuno ni Police Chief Inspector Arvin Zamora De Asis, sa kanilang pakikiisa at boluntaryong pagbibigay ng kanilang oras noong selebrasyon ng All Saints / Souls Day (OPLAN: Kaluluwa 2012) sa bayan ng Pagbilao Quezon noong Oct 31 hanggang Nov. 4, 2012.

Samantala, 59 na Barangay sa Bayan ng Gumaca Quezon ang napagkalooban ng Health Coupon ng Serbisyong Suarez Lingap Kalusugan na may kabuuang halaga na P590,000.00 na maaaring gamitin na pambili ng gamot at pangkonsulta sa mga pampublikong pagamutan.

Ang formal turn-over ng Ceremonial Cheque ng Health Coupon sa naturang bayan ay ginanap noong Nov. 22, 2012 na pinangunahan ni Quezon Gov. David “Jay-jay” Suarez, kasama sina Gumaca Mayor Erwin Caralian at mga kapitan ng brgy. ng Gumaca Quezon.

Friday, November 16, 2012

Animal Medical Mission isinagawa ng libre


Nasa humigit kumulang apa’t na libo o 4,000 ang naitalang nabakunahan o naturukang mga hayop,  ng libreng Anti Rabies, kamakailan sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Personal na tinungo ng ilang pet owners ang munisipyo ng naturang bayan, dala ang kanilang mga alagang aso para sa libreng bakuna, kung saan 306 ang matagumpay na naturukan ng anti-rabies.

Samantala ang iba naman na may mga alagang baboy, baka, kalabaw atbp na hayop ay humingi nalamang ng gamot, tulad ng bitamina, pamurga o pang-alis ng kuto,  na maaaring gamitin o ibigay sa kanilang mga alaga.
Ang gawaing ito ay alinsunod sa mga proyekto at programa ng local na pamahalaan ng Quezon, sa ilalim ng pamumuno ni Gov. David “Jay-jay” Suarez.

Ang Animal Medical Mission na ito ay naglalayong makamit, ng lalawigan, ang pagiging Rabies Free ng Probinsiya at matutukan ang kalusugan ng mga alagang hayop na nakakaapekto sa kapaligiran,  katuwang ang Provincial Veterinary Office

Ayon Kay Animal Health Division, Head Rodelito Pamular, patuloy ang taos puso nilang paglilingkod upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga alagang hayop, nagpasalamat din siya sa suportang ipinagkaloob ng Ama ng lalawigan sa bawat munisipalidad.



Thursday, November 15, 2012

Environmental Program tuloy-tuloy sa Probinsiya ng Quezon

Patuloy na isinasagawa ang iba't ibang programa at aktibidad ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon.

Kabilang na sa mga programang ito ay ang proyektong may kaugnayan sa ating kalikasan.

Sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan katuwang ang Provincial Government  Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) ay patuloy ang monitoring o pagtutok sa mga environmental programs.

Kabilang na nga ay ang mga puno ng bakawan na itinanim sa mga baybaying dagat noong June 30, 2012, alinsunod sa programang pagtatanim sa buong lalawigan.

Layunin nito na siguraduhin, na sa darating na panahon ay malalaman ang kahalagahan nito sa atin.

Samantala patuloy nang isinusulong o ipinatutupad ang Solid Waste Management System sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan na nakatakda na ring ipatupad sa bawat munisipalidad.

Patuloy na rin ang paghikayat ng mga lokal na pinuno ng bayan sa kanilang mga mamamayan na iwasan na rin ang paggamit ng plastic kundi mga recyclable materials, na lamang.

Friday, October 26, 2012

SERBISYONG SUAREZ TULOY-TULOY


Patuloy ang proyekto at aktibidad ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Gov. David Jay-jay Suarez. Sa pagpasok pa lamang ng linggong ito ay ilang bayan na ang tinungo ng gobernador,

Aniya pinipilit ng Serbisyong Suarez na marating ang mga liblib na lugar upang maparating ang mga proyekto at paglilingkod sa taong bayan.

Nauna na dito ang proyekto sa mga bayan ng Real at Infanta, Quezon na nagkakahalaga ng 71.6 Milyon pesos na naipagkaloob nito lamang magkasundo na araw ng lunes at martes.

Dito nagkaroon ng Concreting, Construction and Improvement ng ilang kalsada at paaralan sa bayan ng Real na nagkakahalaga ng 32.7 Milyon pesos,

At sa bayan ng Infanta, Quezon naglaan ng P32,265,000.00 para sa itatayo na Claro M. Recto District Hospital, at namahagi rin ng Philhealth Cards, pinasinayaan din ang dalawang classroom building sa Barangay Agos-Agos sa bayan ng Infanta, sa ilalim ng Serbisyong Suarez para sa Edukasyon na napakalaking tulong para magkaroon ng panibagong silid aralan dahil sa hindi na magsisiksikan ang mga mag-aaral sa isang kubo.

Nagkaloob din ang Pamahalaang Panlalawigan ng pondo para sa Feeding Program sa 3 bayan, ito ay ang bayan ng General Nakar, Infanta at Real,  na nagkakahalaga ng P 5,148,000.00

Tuesday, October 23, 2012

Fire Safety & Awareness, isinusulong sa Tiaong Quezon

Isang Fire incident o sunog ang nai-ulat kamakailan sa bayan ng Tiaong Quezon.
Tinupok ng apoy ang isang warehouse na pagmamay-ari ng isang negosyante na nakilalang si Amado Hernandez Ebreo.

Sa ulat ni duty Fire Investigator, SFO1 Alvin Abarcar ng Bureau of Fire Protection (BFP)
Tiaong. Electrical Short Circuit ang naging dahilan ng sunog.
Dahil sa mga hindi inaasahang insidente ng sunog na gaya nito, patuloy ang programa ng Tiaong Fire Department gaya ng:

  • “Fire Safety & Awareness"
Learning Kiddie Fire Marshall (kinder-grade 3)
Learning Jr. Fire Marshall (grade 4-highschool)
  • “Fire Safety Inspection”  sa lahat ng establisyemento 
  • "Fire Truck Visibility"  sa town proper ng Tiaong.
  • “Cleaning and Drainage”  sa mga kalsada ng poblacion upang maiwasan ang dengue,katuwang ng mga Brgy. Officials.
  • “Tree Planting Program”  na buwanang isinasagawa alinsunod sa proyektong Serbisyong Suarez ni Gov. David “Jay-jay” Suarez na plant “1 million tree”.
 Naka-antabay at handa din sila sa mga panahon ng sakuna at kalamidad.

Thursday, October 18, 2012

SERBISYONG SUAREZ PATUBIG PROGRAM


Isa nga ang water supply o kakulangan ng tubig, sa nagiging problema ng halos lahat ng tao dito sa atin, kung kaya naman isa sa mga programa ng lokal na pamahalaan sa patubig, ang tinututukan ng Serbisyong Suarez.

Isang proyektong Water Source Development and Pipeline Installation para sa bayan ng Candelaria Quezon na nagkakahalaga ng 7 Milyon Pesos ang isa sa mga programang pinasimulan na nga.

Sa nakalipas na 50 taon ay naisakatuparan ang kahilingan ng mga tao dito na magkaroon ng magandang serbisyong patubig, na natugunan naman ng administrasyon ni Quezon Gov. David “Jayjay” C. Suarez.

Sa ponding inilaan para sa naturang bayan ay maisasa-ayos na ang patubig, kung saan malinis na ito kumpara sa dati.

Ang paghihirap ng mga taga-Candelaria sa tubig sa loob ng 5 dekada ay malapit na umanong maayos lalo na nga at nakatakda ng itayo sa mga susunod na panahon ang pinakamalaking proyektong patubig na nagkakahalaga ng 25 milyon Pesos sa nasabing bayan.

(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo)) Gov. David "Jay-jay" Suarez

Monday, October 15, 2012

CONGRESSIONAL DISTRICT MEET SA IKA-APAT NA DISTRITO NG QUEZON NAGING MATAGUMPAY


Natapos na nga kahapon ang ika-19 na palaro o ang 4th Congressional District Meet sa lalawigan ng Quezon na nagsimula nga noong ika-12 ng Oktubre sa Calauag East Central School.

Nasa mahigit na 2,000 estudyanteng manlalaro ang nakilahok mula sa 10 bayan ng ika-4 nadistrito, kasama rin ang mga Punong Bayan sa bawat lugar

Pinagkaloob ang bayan ng Calauag, Quezon ng Pamahalaang Panlalawigan, Serbisyong Suarez, ng halagang Php 325,000 na cash assistance na sya ring naging host sa nasabing palaro at sa ikagaganda ng nasabing programa sa loob ng tatlong araw.

Ayon kay Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez, na nagging tagapagsalita dito, susuportahan niya ang  mga programang gaya nito, kung saan ang kapakinabangan ng bawat mamamayan sa lalawigan ng Quezon ang pangunahing layunin.
Nagbigay din ngkaragdagang tulong ang Ama ng Lalawigan sa bawat isa ng delegasyon na nagkakahalaga, ng “sampung libong piso” upang gamitin ng mga manlalaro sa kanilang pangangailangan.

Samantala ayon naman kay 4th District Congressman Lorenzo TaƱada III, Pagdating sa larangan ng palakasan ay walang pulitikahan, at talagang nagkaisa ang lahat ng mga pinunong bayan, magsisilbi umanong aral para sa mga opisyal ng pamahalaan, ang taglay na katangian ng isang manlalaro sa pagiging matapat at ang pagtanggap, sa katotohanan, nasa bawat laban ay mayroong panalo, at may natatalo.

(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo)) Gov. David "Jay-jay" Suarez