Friday, October 12, 2012

SENATOR LOREN LEGARDA: ISA SA MGA PINAGKAKATIWALAANG SENADOR


Masaya si Senator Loren Legarda sa respeto at tiwala ng mga Pilipino sa kanya.
Matatandaang  ang senadora ay nagkaroon  ng high trust rating  sa Pulse Asia Survey, kung saan ayon sa kanya ay utang niya sa mga tao na nagtrabaho  at naniwala sa kanyang mga adbokasiya na pakikinabangan ng sambayanang Pilipino.

Ang Senadora ay nagkapuntos ng 81% na trusting rate sa isinagawang Pulse Asia Survey mula Aug 31 hanggang Sept. 7, 2012, kabilang nga sa mga high ranking national officials na napasama sa isinagawang survey ay sina Pres. Benigno Aquino III na may 78%, Vice Pres. Jejomar Binay na may 84% at Senate Pres. Juan Ponce Enrile na may 65%.
Si Legarda ay nakatalaga sa protection of the rights of women and children, nag-akda ng mga batas gaya ng Anti-Violence Against Women and Children Act, the Anti-Child Labor Law at the Anti-Trafficking in  Person Act.

Bilang Chairman ng Committee on Foreign Relations, inisponsoran ng senadora ang approval ng labin dalawa o (12) international agreements, na kamakailan lang ay naghatid sa magkasabay na pagpapatibay ng senado ng International Labor Organization Convention 189 o Convention Concerning Decent Work for Domestic Workers at ng Maritime Labor Convention, 2006, kung saan layuning ng mga ito ang mabigyang proteksyon ang mga mangagawang Pilipino.

Sya rin ang may akda ng ilang mga hakbang upang itaguyod ang karapatan ng mga Pilipino sa kanilang kalusugan tulad ng Newborn Screening Act, Food and Drug Administration Act at Expanded Senior Citizens Act.

Upang /para mapanatili ang kaayusan ng rural livelihoods at suportahan ang mga maliliit na Gawain o proyekto, kung saan sya ang umakda ng Brgy. Kabuhayan Act, Agri-Agra Reform Credit Act at Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises Act.

Bukod pa ditto wagi din ang senadora sa pangangalaga at proteksyon ng kalikasan, climate change adaptation o CCA at disaster risk reduction o DRR, kaugnay nito ang akda na batas tulad ng Clean Air Act, the Solid Waste Management Act, the climate change Act, the Philippine Disaster Risk reduction and Management Act at the People’s Survival Fund Act.

Dahil ditto sya rin ang itinalaga ng United Nations bilang Regional Champion for DRR at CCA sa Asia-Pacific.


At bilang pagkilala sa pagtulong niya sa mga muslim, binigyan siya ng titulong Bai a labi o Honorary Muslim Princess ng Marawi Sultanate League.

(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo)) SENATOR LOREN LEGARDA 

NEWBORN SCREENING ACT PATULOY NA ADBOKASIYA NI LEGARDA


      Base sa ginawang pag-aaral at ulat ng University of the Philippines, National Institutes of Health at Newborn Screening Reference Center tumaas na ng 26.4% ang nasakop ng Newborn Screening.
Ang Newborn screening na kailangang gawin 1 araw o 3 araw matapos ipanganak ng sanggol, ay isang programang pangkalusugan para sa publiko kung saan layunin nitong malaman ang kalagayan o genetic o metabolic condition, na maaring magdala sa pagkakaroon ng severe mental retardation, cataract, anemia at maging pagkamatay kung hindi o magagamot.

       Ang mga bagong panganak ng mga mahihirap ng 5.2 million na pamilya, na napag-alaman  ng National Household Targeting System for Poverty Reduction,  ay libreng mapakikinabangan (newborn screening) ito ay bilang parte ng PhilHealth’s Newborn Care Package.
Hinimok ni Senator Loren Legarda ang lahat ng Ahensya ng Gobyerno, Health Institutions, mga Local Government Officials at mga Pribadong Sector na makiisa sa MDG o Millennium Development Goal Target ng United Nations sa child mortality o pagkamatay ng mga bata, kung saan sisiguraduhing 100% na magkakaroon ng Newborn Screeningn Coverage, sa pamamagitan ng Republic Act 9288 na lalong mas kilala sa tawag na “Newborn Screening Act of 2004”.

      Kung nagawa umanong umabot ng 15.6% noong taong 2007 hanggang 42% noong taong 2011 ay hindi umano malayong mabigyan ang mga bagong panganak na sanggol ng Newborn Screening sa ngayon.         
 
      Ayon pa kay Legarda na sya ring nag-akda ng naturang batas, sa ulat ng United Nations Development Programme report, bumaba ng nasa 60% ang pagkamatay o mortality rate sa nakalipas na labing anim (16) na taon mula sa 80 na patay noong 1990 hanggang sa 32 na pagkamatay kada 1,000 buhay na sanggol, noong 2006.
Sa nalalabing 3 taon hanggang sa deadline ng pagbawas ng bilang ng child mortality ng bansa, ang ating Gobyerno ay kailangan ang tulong at suporta ng lahat, upang maiwasan ang di inaasahang pagkamatay ng mga bata.

Kawalan umano ng kaalaman o impormasyon, ng mga ina na nanganganak sa bahay, ang isa sa mga dahilan kung bakit problema ang child mortality.


(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo)) SENATOR LOREN LEGARDA   www.lorenlegarda.com.ph

Monday, October 8, 2012

Organizational Training ng Quezon Reserved Army sinimulan na



Sinimulan na ang pagsasanay ng mga nakilahok o nakiisa sa SBCMT o Special Basic Citizen Military Training, Pangunahing priority nito ang palakasin ang Reserved Army dito sa lalawigan ng Quezon.
Hindi ito isinagawa upang palakasin o palakihin ang pwersa ng kasundaluhang pandigma o panlaban kundi ang maprotektahan at matulungan ang mga kababayan natin sa mga panahon ng sakuna at oras ng kalamidad, gayundin sa pagpapanatili ng kaayusan, katahimikan at pagtulong sa pagsasagawa o pag-lulunsad ng mga proyekto o aktibidad  na mapakikinabangan at makatutulong sa taong bayan.

Samantala nauna na ngang nagsipagtapos sa nasabing pagsasanay ang KALASAG Batch-1 (Lucena) at MATIKAS Batch-2 (Pagbilao) kung saan pinili ang unang batch ng panibagong pagsasanay na tinatawag na OT o Organizational Training.

Sa ngayon nagsasanay ang mga reservist na nag-OT kung saan tinuruan ang mga kalahok ng tamang pagma-martsya o marching sa Grand Stand ng Southern Luzon Command, AFP sa loob ng Camp Guillermo Nakar Lucena City.

Nagtalaga din ng mga opisyal o officers na mamumuno:

PRESIDENT:              Pvt. (Kap.) Leslie Roxas
VICE PRESIDENT:     Pvt. Benjamin “Benjie” Antioquia
SECRETARY:             Pvt. (Kap.) Mardelane “Den-den” Bautista
TREASURER:             Pvt. Mary Jane Jatico
AUDITOR:                  Pvt. Ireneo Dueza
P.R.O:                        Pvt. Wilmar Balbin
                                  Pvt. Eduardo Eleazar
BUS. MANAGER:     Pvt. Neil De Ocampo

BOARD MEMBERS:

          KALASAG (Lucena)                      MATIKAS (Pagbilao)

          Pvt. Rico De Los Rios                    Pvt. Arceo Edrad
          Pvt. Dennis Daleon                        Pvt. Jay-ar Zabala
          Pvt. Ma. Fe Gonzales                    Pvt. Ronaldo Cadolino
          Pvt. Antonio Macale                       Pvt. Rosanna Omalin
          Pvt. Mark Magaling                        Pvt. Elizalde Go
         Pvt. Lailani Salvacion                 Pvt. Ma. Teofista “Tita Peachy” Regaza 

Thursday, October 4, 2012

Cyber Crime Law issue


Mainit na usapin ang kontrobersyal na Republic Act 10175 o ang tinatawag na Cyber Crime Prevention Act.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang nasabing batas noong ika-12 ng Setyembre taong 2012.

Kung saan 13 senador ang bumoto upang maipasa ito, kabilang sina: Sen. Tito Sotto, Sen. Bong Revilla, Sen. Manny Villar, Sen. Loren Legarda, Sen. Ping Lacson, Sen. Pia Cayetano, Sen. Ralph Recto, Sen. Lito Lapid, Sen. Koko Pimentel, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Chiz Escudero, Sen. Gringo Honasan at Sen. Bong-bong Marcos.

Pag-sugpo man sa cyber crime  tulad ng: Cyber sex, Illegal Access, Cyber Threats  atbp.,  ang dahilan ng pagsasabatas nito, marami pa rin ang hindi sumang-ayon dahil sa nilalaman ng naturang batas, lalo na at napasok ang kasong on-line libel o libelo,

Para na rin umanong tinanggalan ang mga on-line users ng karapatang sabihin ang kanilang saloobin.

Tuesday, October 2, 2012

28TH YEARS FOUNDING ANNIVERSARY NG 1ST SF BATALLION IPINAGDIWANG SA CANDELARIA QUEZON

Idinaos ang pagdiriwang ng ika-28th Founding Anniversary ng 1st SF Batallion na nakabase sa Brgy. Masin  kamakailan sa bayan ng Candelaria Quezon, kung saan dinaluhan ito ng iba’t ibang personalidad mula sa iba’t ibang sangay.
Naging Guest Speaker sa nasabing okasyon si Regiment  Commander ng Special Forces Airborne, Cor. Donato San Juan II at Deputy Brigade Commander ng 201st Infantry Batallion na si Cor. Narciso Alamag na siya rin namang Commander ng Task Force Lucena.
Nagsidalo rin sa nasabing pagdiriwang sina, Cor. Alex Capeňa, Brigade Commander ng 201st IB, Lt. Cor. Oliver Makiling, Batallion Commander ng 85th IB, Lt. Cor. Edmon Peralta, Batallion Commander ng 76th IB, Mga Hepe ng Pulis ng SF Batallion—Tiaong, Candelaria, Sariaya, Dolores, San Antonio atbp.
Naandon din ang ilang Solcom Staff, Chief of Staff, Cor. Alvin Tiamwat, ni Provincial Director, PSSupt Valeriano T. De Leon, at Mga Military Officers gaya ni Former Commanding General ng Phil. Army na si Retired Lieutenant Gen. Arturo Ortiz, kasama din sina Atty. Jose Mendoza, Bokal Alona Obispo at ilang mga kawani ng DSWD mula sa iba’t ibang bayan.
Nagkaroon din ng awarding o pagkilala sa mga natatangi o reserving Armed Forces personnel at ilang Civilian Sector.
Bukod sa pagdiriwang ng nasabing anibersaryo, nagpasalamat at patuloy na hinihiling sa lahat, na magtulong-tulong sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan  ng bayan.