Tuesday, February 12, 2013

MGA AHENSYA TULONG-TULONG PARA SA DISASTER PREPAREDNESS NG SARIAYA

Bilang tugon sa Local Preparedness at Disaster Risk Reduction Management Council (LPDRRMC) sa naka-ambang na panganib sa bayan ng sariaya.

Katuwang ng Local Government Unit (LGU) ang ibang ahensya tulad ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR), Dept. of Public Works and Highways (DPWH), Mines and Geosciences Bureau (MGB), Environmental Management Bureau (EMB) at ang Provincial Government of Quezon, sa isinasagawang pag-aaral at paghahanda ng nabanggit na bayan.
 
On-going ang Memorandum of Agreement (MOA) na nasa Sangguniang Bayan na ngayon, ito ay tungkol sa implementasyon ng Sariaya Flood Control Project (SFCP)
.
Nakasaad din dito ang detalye sa kung ano ang responsibilidad o magiging obligasyon ng bawat ahensya na magtutulong-tulong para maisa-ayos ang operasyon ng quarry at dredging, sa Major River System (MRS) ng Lagnas River, Janagdong Sampaloc at Janagdong Sto. Cristo ng naturang bayan.

Ngayong 2013 nagkaroon ng kaunting linaw o eksplenasyon tungkol sa MRS, kung kaya naman mas hihigpitan pa ang pagbibigay ng permit sa mga operasyon dito.

Dahil sa balita sa pagkakaroon ng iligal na quarry operation na sya ring itinuturong dahilan o sanhi ng pagbaha sa bayan ng Sariaya, hinhikayat ng lokal na pamahalaan, partikular na nga ng tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni MENRO designate, Mr. Dondon M. Martinez, ang taong bayan, upang makipagtulungan at magreport kung saan, ang illegally source area ng iligal na quarry operation.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Monday, February 11, 2013

Proyekto at Programa para sa Out of School Youth ng Sariaya

Isa ang bayan ng Sariaya sa mga bayan na nagsasagawa ng mga programa at nagpapatupad ng mga proyekto ng lokal na pamahalaan para sa mga kabataan.

Dahil sa kahirapan ng buhay at kawalan ng pangtustos sa matrikula sa eskwelahan, marami sa mga kabataan  ang hindi na nakakapag-aral o out of school youth na.

Bilang tugon sa ganitong problema ng bayan, may mga angkop na proyekto at programa na inilaan sa kanila, tulad ng tinatawag na Alternative Learning System at Vocational Rehabilitation Skills.

Meron ding samahan na tinatawag na Pag-asa Youth Association na binubuo ng mga kabataang may edad 13-22 years old na hindi nag-aaral.

Binibigyan sila ng programa na angkop sa kanilang pangangailangan katulad ng Skills Development, inihahanap sila ng trabaho o tinutulungang makabalik sa pag-aaral.

May mga vocational school katulad ng CSTC na katuwang ng local government upang maisatupad ang ganitong programa.

Asahan ang ganitong mga proyekto para sa kabataan ng lokal na pamahalaan ng Sariaya katuwang ang iba pang sektor at ahensya.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

GIS at MRS malaking tulong sa Disaster Preparedness

Taong 2008, sinimulan na ang pag-aaral tungkol sa mga naka-ambang na panganib sa bayan ng Sariaya.

Ngunit dahil sa kakulangan ng kagamitan noon ay hindi makapagbigay ng kumpletong datos o data.

Tulad na lamang noong taong 2000-2001, kung saan walang hawak na equipment ang naturang bayan ng magkaroon ng malawakang pagbaha na ikinasira ng malaking tulay dito, ang Lagnas Bridge.

Ito ang tinitingnan ng lokal na pamahalaan na maaaring pagdating ng panahon ay maulit.

Pinag-aaralan sa ngayon ang pagkakaroon ng maayos na Major River System (MRS), kasabay ang pagsasa-ayos ng Disaster Management Plan ng Local Government Unit (LGU), ito ang Amendment o Revision ng ilang plano tulad ng Comprehensive Development Plan.
 
Nakabili o nakapag-purchase na ng mga kagamitan tulad ng ginagamit na Collective Satellite Image ng Sariaya.   

 At sa tulong ng tinatawag na GIS o Geographical Information System, na-identify ang mga area o lugar na prone sa landslide, nakita rin dito ang kasalukuyang kalagayan ng Major River System ng Sariaya.
 
May 3 Major River System na nagmumula sa crater, isa na nga dito ang malaking ilog na tinatawag na Lagnas River na tatagos pababa sa parte ng Sampaloc Bugon.

Noong 1995 ito yung tulay na nasira ng bagyong Rosing.

Ang ikalawa at ikatlong ilog naman ay Janagdong Sampaloc at Janagdong Sto. Cristo.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Kababaihan at Family Planning pinahahalagahan sa bayan ng Sariaya

Isa ang bayan ng Sariaya Quezon sa mga aktibong bayan na may samahan ng mga kababaihan na tinatawag na Sariaya Women’s Federation.

Kung kaya naman malaki ang pagpapahalaga sa mga kababaihan dito, may mga proyekto o programa para sa kanila gaya ng: “Pangkabuhayan Project for Women” kung saan tinutulungan o tinuturuan sila ng mga bagay na maaari nilang pagkakitaan tulad ng paggawa ng bag mula sa buli.

Ang Kalipunan ng Liping Pilipina o KALIPI Members at miyembro ng Kababaihan sa bukid naman ay hinihikayat na mag-organic farming, binibigyan din sila ng kaalaman sa iba pang livelihood programs bilang karagdagan kita at tulong sa kanilang pamilya.

Katuwang sa mga programa at proyekto para sa kababaihan si Gng. Rowena Z. Masilang, ang tanggapan ng Dept. of Social Welfare and Development, Dept. of Agriculture at iba pa.

At dahil sa ang mga kababaihan ang isa sa sangkap ng pagbuo ng pamilya, binibigyang pansin din ang Family Planning na isa rin sa health concern ng bayan ng Sariaya.

Ang mag-asawa ay hinihikayat na gumamit ng natural method o natural na pamamaraan at contraceptives upang maiwasan ang paglaki ng bilang ng mga anak na hindi naman kayang tustusan ng mag-asawa. May mga health workers sa mga barangay na maaaring kausapin tungkol dito.

Magkatuwang ang Municipal Social Welfare at Dept. of Health sa pagtuturo o pagbibigay ng kaalaman tungkol sa tamang Family Planning o TAMANG Pagpaplano ng Pamilya.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Thursday, February 7, 2013

Programa at proyekto tuloy-tuloy sa Sariaya Quezon

Patuloy ang mga proyekto at mga programa ng Social Welfare and Health Department, ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Sariaya Quezon.

Gaya ng 4 Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nasa ika-2 taon ng ipinatutupad, tumaas ng 3,939 ang beneficiaries nito mula sa bilang na 3,200 noong nakaraang taon.

Sa kasalukuyan isang ATM Machine ang itinatayo sa Sariaya bilang tulong sa mga nakuha ng Cash Transfer ng 4 Ps, upang hindi na sila gumastos ng pamasahe sa pagpunta sa Lucena City o Candelaria Quezon upang kumuha ng pera sa bangko.

Bilang tugon naman sa kalusugan, ipinatutupad ang Supplemental Feeding Program ng Social Welfare and Development. Layunin nito na maitaas ang antas ng timbang ng mga underweight o malnourished na bata sa day care center.

Ayon kay Mr, Antonio C, Calatrava, MSWD Officer ng Sariaya, nasa humigit kumulang 3,000 bata na ang pinakakain mula lunes hanggang biyernes sa loob ng day care center kung saan aabot ng 120 days ang pagpapakain.

Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga magulang ay patuloy na mabibigyan ng sapat na nutrisyon at masusustansyang pagkain ang mga bata.

Samantala bukod sa mga nabanggit na programa, binibigyang pansin din ng lokal na pamahalaan ang mga Senior Citizen at Person With Disability (PWD).

Noon ngang nakaraang taon ay nagkaloob ng Assistive Device o pantulong para sa mobility ng mga disabled person tulad ng wheelchair na nagagamit na nga ng may kapansanan.

Bukod sa Senior Citizen ID, meron din na ipinamamahaging ID para sa mga may kapansanan kung saan makaka-discount sila ng 20% sa pagsakay, pagkain at iba pa.

May 1% fund din na inilaan para sa mga senior citizen na kanilang magagamit. Kaugnay dito bukas ang tanggapang ng Municipal Social Welfare and Development Office at Philhealth para sa mga mamamayan ng Sariaya.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am