Wednesday, February 20, 2013

AFP AT PNP KATUWANG SA PANGANGALAGA NG MGA KABATAAN

Katuwang ang Armed Force of the Phillippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa iba pang mga proyekto at programa ng lokal na pamahalaan para sa kabataan.

Isa na nga dito ang pampalakasan o sports.

Sa darating nga na buwan ng Abril ay magsasagawa ang 1st Special Forces Batallion at 2nd SF Company na nakatalaga dito sa ikalawang distrito, partikular na nga sa bayan ng Sariaya, ng tinatawag na  “Youth Leadership Summit”, kung saan hinihikayat na sumali ang mga kabataan lalo na ang mga out of school youth.

Layunin nito na magkaroon ng magandang samahan at maiwasan ang masasamang gawain.

Bukod dito tuloy-tuloy rin ang pagbibigay kaalaman tungkol sa ipinagbabawal na gamot (drugs) at kung paano ito maiiwasan sa  iba’t ibang paaralan.

Katuwang dito ang Sariaya PNP sa ilalim ng pamumuno ni Police Supt. Vilmar Manzano, ito ay bunsod ng patuloy na kampanya tungkol sa droga o “Anti Drug Campaign” sa iba’t ibang barangay.

Tuesday, February 19, 2013

Maganda at maunlad na turismo sa tao nagsisimula

Ang tagumpay ng turismo ay nagmumula sa tao o ang tinatawag na community involvement .

Bago nga masabing maganda at matagumpay ang turismo ng isang munisipalidad ay kailangang maturuan muna ang mga tao dito sa kung ano ang meron ang kanilang bayan.

Dahil sa ang mga bata ngayon ay di na katulad ng dati na alam ang mga kultura ng kanilang lugar ay muling itinuturo sa kanila sa paaralan ang pinagmulan at tradisyon ng kanilang bayan.

Naniniwala dito ang lokal na pamahalaan na dapat munang maging edukado ang mga sariayahin lalo na ang mga kabataan sa kung ano ang kultura na kanilang pinagmulan.

May mga lumang gusali sa bayan ng sariaya na dinarayo dahil na rin sa mga kwento o kasaysayan ng lugar  at may mga tradisyon din kung saan nakaka-enganyo sa mga turista.

Dito napatunayan ng Sariaya Tourism Council (STC) na hindi na kailangan ng bayan ng Sariaya na magpatayo ng mga panibagong gusali upang dayuhin ng mga turista, dahil mismong mga tao dito at ang kanilang kwento ay malaking bahagi na ng turismo.



Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Monday, February 18, 2013

MGA KAKULANGAN NOON, NATUTUGUNAN NA SA NGAYON

Isa ang bayan ng Sariaya sa binigyang pansin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) tungkol sa Seal of Disaster Preparedness.

Ayon dito may 4 na aspeto na may kahinaan pa ang bayan, sa stock file, Incident Command System (ICS), Early Warning System (EWS), at equipment tools.

Ngunit nitong nakaraang 2012 ay natugunan na ang ilan dito, kung kaya ngayong 2013 ang ICS, Stock File at Early Warning Device System ay plano ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) na isakatuparan.

Bilang paghahanda ng Local Government Units Sariaya, may rescue vehicle  na mapaglalagyan ng mga tool and equipment, para magamit sa pag-rescue at pagresponde ng madalian at maisalba ang mga buhay ng tao kung sakaling magkaroon ng sakuna o trahedya.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Friday, February 15, 2013

PROTEKSYON KUNG HINDI NA KAYANG AYUSIN


Kahit idineklara na nga na for rehabilitation ng Mt. Banahaw San Cristobal Protective Landscape (MBSCPL) ang ilang risk area, hindi na nga maisasa-ayos ang ilang portion malapit sa crater, dahil sa natural na gumuguho ng tuloy-tuloy ang mga borders dito.

Kung kaya naman proteksyon lang ang pwedeng magawa dito, tulad na lang ng bamboo plantation sa mga diluted area.

Hinihikayat ang mga nakatira malapit sa ilog at mga magsasaka na magtanim ng kawayan sa halip na agricultural crops lamang.

On-going rin ang Amendment ng Management Plan at survey ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Protected Area Superintendent Office (PASO) upang malaman ang mga critical areas lalo na yung mga Landscape Prone Area.



Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

TAMANG DREDGING AT QUARRY OPERATION LANG

    Sa nagdaang bagyong Ofel, nagkaroon ng pagbaha sa Eastern portion ng bayan ng Sariaya at ang kawalan ng drainage o river system ang nakikitang dahilan.
Samantala ang Western portion naman na malalalim talaga ang naging operasyon ng quarry ay hindi lumubog dahil sa sumalo ang ilog dito sa ibinuhos na volume ng ulan.

    Ayon sa kinatawan ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO Designate Dondon M. Martinez, hindi naipaliwanag ng maayos sa mga tao yung kahalagahan na kailangang magkaroon ng dredging operation sa lahat ng ilog dahil bumababaw ito, kung hindi ito idi-dredge at nagkaroon ng malakas na buhos ng ulan, aapaw o kakalat ang tubig, ngunit ang gagawing operasyon ay dapat naaayon sa Sariaya Major River System.

    Ang Quarry operation na binibigyan ng permit ay within the river system lang dahil kung in-land ay magkakaproblema, kung kaya naman lahat ng in-land operation ay ipinatigil at ipinagbawal na.
Batay na rin ito sa resolusyon ng Sangguniang bayan o DENR Administrative Order.

    Kailangan din na mapag-aralan ang Water Table, dahil sa baka maapektuhan ang mga deepwell dito.

    Ngayon nga ay on-going ang construction ng deepwell sa Sampaloc 1 ng naturang bayan at hindi pa matukoy kung magkakaroon ng epekto ang ginagawang malalim na quarry operations sa iba pang mga deep well.
Sa ngayon ay may naka-pasa na nga na Delineation of River System proposal na inaantay na lamang maaprubahan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB).

    Kailangang technically ay mapag-aralan upang magkaroon ng regulations at masigurado na hindi magi-exceed ang lalim ng nahuhukay.
 
    Hindi kasi direktang makakapagkansela ng permit ang lokalidad ng Sariaya dahil ang nagi-iisue ay Regional Level at sa Provincial Mining Regulatory Board (PMRB).
Ang Local Government Unit (LGU) lang ang nagre-regulate ng nasabing operasyon.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am