Friday, November 14, 2014

DAHIL SA OPLAN SITA SUSPEK SA DRUGS NATIKLO SA SARIAYA

Sa pagitan ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw ang tinatayang “crime clock” o ang oras kung saan ang krimen ay madalas mangyari, base ito sa obserbasyon ng Sariaya Municipal Police Station sa kanilang nasasakupang bayan.

Nito lamang lunes (Nov. 10), ganap na ika-10:00 ng gabi ng matiklo ng Sariaya Pulis ang isang lalaking suspek sa drugs na nakilalang si Ruelito Veloso Torres, 43 anyos, tinder ng isda at residente ng Sitio Dalampasigan, Brgy. Guis-guis Talon, Sariaya Quezon.

Sa pamamagitan ng isinagawang OPLAN: Sita ng mga kapulisan sa nabanggit na bayan, naaretso ang suspek sa Eco-Tourism Road sa kanyang barangay na tinitirhan matapos sitahin habang sakay ng isang Honda XRM na motorsiklo na may plakang 1553 DL.

Habang bine-beripika ang mga kaukulang papeles ng sasakyan ay kinakitaan ito ng tuyong dahon sa kanyang kamay na pinaghihinalaang marijuana at ilang piraso ng lukot na aluminum foil na akma pa nitong itatapon.

Dahil dito agad na dinakip ang lalaki habang ang nakumpiskang ebidensya naman ay kaagad ding dinala sa Crime Laboratory para sa eksaminasyon.


Sa kasalukuyan ay nasa loob na ito ng selda habang nahaharap sa isinampang kaso ng paglabag sa Section II, Article 2 ng RA 9165 (Possession of Dangerous Drugs), kasama na ang pagmamaneho ng walang lisensya.

Saturday, November 8, 2014

TOURISM PROGRAM AT BEST PRACTICES NG BAYAN NG SARIAYA QUEZON IPINAGMALAKI NG SARIAYA TOURISM COUNCIL

“Slowly but surely”, ito ang sinabi ng presidente ng Sariaya Tourism Council (STC) na si Ginang Rowena Z. Masilang nang kamustahin ng delegasyon ng LGU Mendez-Nuñez, Cavite, ang turismo sa bayan ng Sariaya Quezon sa ginawang 2-day study tour dito.

Bilang food basket at prime tourist destination na bayan, ipinagmalaki rin ni Executive Assistance Mr. Marion Saligay ang Solid Waste Management ng Sariaya, na isa sa mga best practices dito.

Ang presidente naman ng Sariaya Heritage Council (SHC) na si Mr. Danny De Luna at PIO ng STC na si Ginoong Eric Dedace, ang naglahad ng kwento ng nakaraan o history ng nasabing bayan kung saan tampok ang Kabundukan, Kapatagan at Karagatan (KKK).


Ipinagmalaki rin ang heritage based tourism at eco-tourism, maging ang mga highlights of accomplishments ng nasabing bayan gaya ng Senakulo, Agawan Festival, Pista ng Kabataan, Belen Festival, Trade Fair at conferences na ipini-features sa nasyonal at international media.  

Thursday, November 6, 2014

LOKAL NA PAMAHALAAN NG BAYAN NG MENDEZ-NUÑEZ CAVITE NAGSAGAWA NG STUDY TOUR SA BAYAN NG SARIAYA QUEZON

Magkakaroon ng 2 araw na study tour sa bayan ng Sariaya Quezon ang delegasyon ng lokal na pamahalaan ng Mendez-Nuñez Cavite sa pamumuno ni Mayor Fredderick Vida.


Ang nasabing lakbay aral ay sinimulan kahapon sa naturang bayan na pinaghanadaan naman ng Sariaya Tourism Council (STC) sa pangunguna ng Presidente nitong si Ginang Rowena Z. Masilang ang pagdating.


Isang Audio Visual Presentation ang ipinakita ng miyembro ng Sariaya Tourism upang ilahad ang mga ginagawang fiesta at iba pang selebrasyon sa nabanggit na bayan.

Kasama na ang pagpapakita ng mga heritage houses at ilang mga tanawin na makikita sa Kabundukan, Kapatagan at Karagatan (KKK).  



Layunin ng pag-aaral na ito ang makapagbahagi at magkaroon ng kaalaman sa kung ano ang mabubuting pamamaraan sa pagsulong, pagpapa-unlad at pagpapa-ganda ng turismo ng isang bayan.


Reported by: Jen-jen Oblefias

Wednesday, November 5, 2014

MGA VOLUNTEERS SA HIGHWAY, PATULOY SA PUBLIC SERVICE SA BAYAN NG SARIAYA QUEZON

Sa katatapos na Undas 2014 maraming boluntaryo mula sa iba’t ibang grupo ang patuloy pa rin sa kanilang tungkulin.

Gaya na lamang ng nakatalagang PNP Personnel, Traffic Enforcer at Bantay ng Bayan na nasa kahabaan ng highway sa bayan ng Sariaya Quezon.

Meron o walang okasyon ay patuloy sa kanilang serbisyong publiko ang mga nabanggit, asahan rin ang suporta ng Kabalikat Civicom (Sariaya Chapter) na syang magiging katuwang ng mga nasabing volunteers group at Sariaya Municipal Police Station.


Ito ay bunsod ng trapik na araw-araw na kinakaharap ng mga driver at commuters na dumadaan sa nabanggit na bayan.



Reported by: Jen-jen Oblefias

Tuesday, November 4, 2014

MGA VOLUNTEERS GROUP HANDANG MAGBIGAY NG SERBISYONG PUBLIKO

Hindi lamang sa undas, maging sa iba pang aktibidad ay handang magbigay ng kanilang oras ang mga grupo na boluntaryo na naki-isa sa pagbabantay simula noong ika-31 ng Oktubre hanggang ika-2 ng Nobyembre.

Maaalalang may mga volunteers mula sa Local Government Units, Kapitan ng mga Barangay, Brgy. Tanod, Brgy. Police, Bantay ng Bayan, Bureau of Fire Protectin (BFP), KABALIKAT CIVICOM, Quezon Reserved Army at marami pang iba ang naglaan ng kanilang oras para umalalay sa mga kababayan natin sa paggunita ng araw ng mga patay at naging katuwang ng mga kapulisan sa pagpapanatili ng Peace and Order at Traffic Management sa kani-kanilang lugar na nasasakupan.


Asahan na sila ay handang magbigay ng kanilang Serbisyong Publiko kapag sila ay kakailanganin ng bayan.



Reported by: Jen-jen Oblefias