Tuesday, November 25, 2014

LIMANG PROGRAMA MAIGTING NA IPINATUTUPAD NG SARIAYA MSWDO

Upang masiguro ang pangangalaga ng bawat sector ng lipunan at maingatan ang mga ito, nagsasagawa ng mga proyekto ar programa para dito.

Isa ang bayan ng Sariaya sa mga bayan ng Lalawigan ng Quezon na nagpapatupad nito sa pangunguna ng tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ang limang Pangunahing Programa ay ang Child and Youth Welfare Program, Family and Community Welfare Program, Women Welfare Program, Elderly and Disabled Welfare Program at Emergency Assistance Program.



Reported by: Jen-jen Oblefias

Saturday, November 22, 2014

STATISTIC NG VIOLENCE AGAINST WOMEN INILABAS, MGA AHENSYA AT PRIBADONG SEKTOR MAKIKIISA SA PANGANGAMPANYA BILANG SUPORTA

Ayon sa Statistic of Violence Against Women (VAW) ng Philippine Commission on Women (PCW) simula Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon (2013).

Nakapag-dokumento ng umaabot sa 23,806 na kaso ng Violation of Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 - VAWC) ang Philippine National Police – Women and Children Protection Center (PNP-WCPC).

76% ng 18,215 VAWC cases ang naresolba ng umabot sa Department of Justice (DOJ) para sa investigation and prosecution noong 2013.

Nasa 9,286 naman ang nadala sa korte, 22% ang nadismissed at 3% (552) ang nasuspinde o ini-refer sa ibang aksyon.

Dahil dito katuwang ng nasabing ahensya ang PNP at ilan pang pribadong sector sa kampanya para matuldukan ang karahasan sa kababaihan at kabataan.


Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Presidential Proclamation No. 1172 at sa nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III na Republic Act 10398, na nagdedeklara ng Nov. 25 ng bawat taon bilang National Consciousness Day for the Elimination of Violencen Against Women and Children.



Reported by: Jen-jen Oblefias

Wednesday, November 19, 2014

18-DAY CAMPAIGN TO END VIOLENCE AGAINST WOMEN SISIMULAN NA

Ayon sa statistic on Violence Against Women (VAW), isa sa limang (1 of 5%) babae ay nakararanas ng physical violence simula edad 12 years old at 7%  ang inabuso sa nakalipas na labing dalawang buwan, ayon sa 2013 National Demographic and Health Survey (NDHS).

Dahil dito patuloy na isinasagawa ang pangangampanya para matuldukan na ang pananakit sa mga kababaihan.

Labing walong araw o 18-Days Campaign na sisimulan sa ika-25 ng Nobyembre hanggang ika-12 ng Disyembre taong kasalukuyan ang isasagawa, na may temang: End VAW Now, it’s our Duty”.


Suportado ito ng iba’t ibang grupo at ahensya ng pamahalaan kasama na ang Philippine National Police (PNP), Samahan ng mga kababaihan at marami pang iba.

Tuesday, November 18, 2014

SARIAYA PULIS NAGSAGAWA NG BARANGAY VISITATION SA DALAWANG BARANGAY

Muling nagsagawa ng barangay visitation ang Sariaya Municipal Police Station  (MPS) sa ilalim ng pamumuno ni Police Supt. Eduard Mallo sa dalawang magkasunod na araw.

Nito lamang nakaraang biyernes at sabado binisita nila ang Brgy. Poblacion 2 at ang Brgy. Antipolo sa bayan ng Sariaya Quezon.

Dito ipinaliwanag at itinuro ang mga bagay tungkol sa Crime, Disaster Reduction at iba pa.
Ganoon din ang iba’t ibang krimen at paano ito maiiwasan at masu-solusyonan lalo na at ang sangkot ay kababaihan at kabataan.

Hinihikayat din ng Sariaya PNP ang lahat ng sariayahin partikular na ang mga taga barangay na ipagbigay-alam sa pamamagitan ng pag text o pagtawag sa PNP Hotline ng kanilang lugar ang mga kahina-hinalang bagay na di normal o kaduda-duda.


Ipina-aalala rin ang mga bagay na ipinagbabawal tulad ng pagkakarera ng mga motorsiklo, sugal, droga at marami pang iba.

Monday, November 17, 2014

SENIOR CITIZEN ASSOCIATION NG SARIAYA NAGHAHANDA NA PARA SA KANILANG CHRISTMAS PARTY SA DISYEMBRE

Naghahanda na ang pamunuan ng Senior Citizen sa bayan ng Sariaya Quezon para sa kanilang General Assembly at Christmas Party sa darating na disyembre.

Dito magkakaroon ng palatuntunan para sa kasiyahan ng nakatatanda na mula sa 43 barangay ng nabanggit na bayan.

Ito ay may temang “Silent Night” kung saan dalawang awiting pamasko ang ihahanda ng mga kalahok.

Ang unang kanta ay pare-pareho at ang ikalawa ay base sa nais nilang awitin o kanilang napili.

May mga judges na magpapasya o maghahatol kung sino ang mananalo sa naturang Singing Contest.

Ang 1st Prize ay P2,000, ang 2nd Prize ay P1,500 at ang 3rd Prize ay P1,000 at may trophy din silang makukuha.

Bukod dito may raffle promo din sa naturang event na gaganapin sa Sariaya Sports Complex sa Dec. 11, 2014.


Sa kasalukuyan, ayon sa presidente  ng Senior Citizen Association na si Ginang Luisita P. Reña, patuloy sa paghahanap ng marami pang sponsors ang kanilang samahan upang madagdagan ang mga premyong pamasko at marami pa ang mabiyayaang Senior Citizen ng kanilang bayan.