Thursday, November 4, 2010

USAPANG PANGKALUSUGAN: TIPUS O TYPHOID FEVER

Ang Tipus o Typhoid Fever ay nakukuha sa bakteryang “Salmonella Typhi”

Ito ay nakukuha sa kontaminadong pagkain at inuming-tubig, ilan sa mga palatandaan ng Typhoid Fever ay ang mataas na lagnat, pananakit ng ulo, panghihina, kawalang gana sa pagkain at pagtatae o pagtitibi okaya ay “abdominal discomfort”.

Upang makaiwas sa ganitong sakit narito ang ilang health tips:
 Pakuluan ang inuming-tubig at hayaang kumulo ito ng 3 minuto kung hindi tiyak na ligtas ang pinagkunan nito
 Lutuin ng husto ang pagkain at laging takpan upang hindi dapuan ng mga langaw na nagdudulot ng sakit
 Hugasang mabuti ang lahat ng prutas at gulay na kinakain na hilaw
 Iwasang kumain ng mga pagkaing tinitinda sa mga bangketa kung hindi sigurado ang kalinisan ng mga ito
 Gumamit ng sabon sa paghuhugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran at bago kumain
 Panatilihing malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng langaw
 Kung inaakalang may “typhoid fever”, dalhin ang pasyente sa pinaka malapit na health center o ospital

(Reported: Oct. 7, 2010) DZLT

USAPANG PANGKALUSUGAN: Kanser sa kuwelyo ng Matris

Ang Cervical Canser ay pangalawa sa pangunahing dahilan ng maagang pagkamatay ng mga kababaihan.

Ang matris o bahay-bata ay matatagpuan sa may bandang puson ng mga babae. Ito ay mayroong kuwelyo o cervix na matatagpuan sa dulo ng puwerta. Maaari itong magkaroon ng impeksiyon lalo na kapag ang iyong sexual partner o katalik ay mayroong Sexually Transmitted Disease o STD. Ito’y maaaring magkaroon ng Polyp, Cyst o Cervical Cancer.

Ang maaaring magkaroon nito ay ang bawat babae, may posibilidad na magkaroon ng kanser sa kuwelyo ng matris pagsapit ng edad na treinta’y singko (35) pataas. Ngunit kadalasan ay makikita ito sa mga babaeng: nakikipagtalik sa iba’t ibang lalaki, nagkaroon ng impeksiyon tulad ng HPV o Human Papilloma Virus at maraming beses na nanganak.

Ang mga palatandaan ng kanser ay ang: Abnormal na pagdurugo tulad ng: Pagdurugo matapos makipagtalik, sobrang lakas o tagal ng regla, maraming beses na pag-regla sa isang buwan at pagbalik ng regla pagkaraan ng menopause.

May malansang “discharge” na lumalabas sa puwerta, Pamamayat at pamumutla at Pananakit ng puson o likod.

Ngunit karaniwang walang sintomas na mararamdaman lalo na kung nasa maagang antas (stage) pa lamang ng kanser.

Upang malaman naman ng maaga kung ang isang babae ay may kanser sa kuwelyo ng matris o wala, ang ACETIC ACID WASH, PAP SMEAR at COLPOSCOPY ang mga paraan upang malaman ang pagbabago sa kuwelyo ng matris, na posibleng kanser.

Ang ACETIC ACID WASH ito ay isang simpleng eksaminasyon kung saan hinuhugasan ng 3% na Suka (vinegar) ang kuwelyo ng matris. Kung ang kuwelyo ay may sugat, impeksyon o kanser, ito ay magiging kulay puti. Mabilis malaman ang resulta nito kaya pwede itong magamot ng agaran.

Ang PAP SMEAR naman ay isinasagawa sa pamamagitan ng cotton swab, kung saan, kinukuha ang mga nalalagas na cells ng cervix at sinisilip ito sa pamamagitan ng microscope.

Samantalang ang COLPOSCOPY naman ay nasisilip sa pamamagitan ng instrumento, ang mga pagbabago sa kuwelyo ng matris, na hindi nakikita ng ating mga mata. Ito ay mas sensitibo ngunit mahal.

Para naman maiwasan ang Kanser sa Kuwelyo ng Matris o Cervical Cancer dapat, iwasan ang peligrosong gawi sa pagtatalik o risky sexual behaviors at Iwasang magkaroon ng impeksyon na sanhi ng Human Papilloma Virus.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantalang narito naman ang 10 pang pamamaraan sa pag-iwas ng kanser:

1. Alamin kung may Family History ng kanser.
2. Suriin ang sariling Health History
3. Kumain ng tama at sapat
4. Huwag manigarilyo
5. Iwasan ang madalas na pag-inom ng alak
6. Panatilihing tama ang timbang
7. Ugaliing mag-exercise
8. Protektahan ang balat mula sa matinding sikat ng araw.
9. Iwasan ang mga kemikal tulad ng asbestos.
10. Ugaliing magsuri ng sarili at laging kumunsulta sa doctor.
----------------------------------------------------------------



At ilan pa sa iba pang palatandaan ng kanser:
 Biglaang pangangayayat
 Di pangkaraniwang pamumutla
 Bukol sa dibdib o sa ibang bahagi ng katawan
 Abnormal na pagdurugo o “discharge”
 Matagal na ubo o pamamaos
 Pagbabago ng pagdumi o pag-ihi
 Hirap sa paglunok
 Sugat na hindi gumagaling
 Pagbabago ng nunal o kulugo

(Reported: Oct. 6, 2010) DZLT

3 DRIVER NG TRUCK AT 2 HELPER ARESTADO

Nasabat ng PNP Tayabas ang mga coco lumber na diumano’y galing sa Mauban Quezon, kabilang na ang 3 driver ng truck at 2 helper. Ang mga suspek na driver ay kinilalang sina: Ronaldo Villamarzo Bauzon, 31 years old, residente ng Brgy. Daungan, Mauban, Quezon, Allan PeƱamante Baylon, 36 years old, residente ng #19 Quezon St, Mauban Quezon, Angelito Talimonga Lorenzo 43 years old ng Bilibago, Claveria, Cagayan at 2 truck helper na sina Philip Astoveza Revillame, 18 years old ng Brhy. Polo, Mauban Quezon at Manuelito Marasigan Porol 30 years old ng Brgy. Spang Polo, Mauban Quezon.

Ayon sa report alas-9:30 ng gabi noong araw ng biyernes oct. 1 ng makatanggap ng impormasyon ang PNP Tayabas mula kay Provincial Manager, Mr. Ronnie Rosales ng Philippine Coconut Authority, na diumano’y may 3 trak na may plate number na RDJ-387, RAY-355 at RDA-907 ang may karga ng coconut lumber, na diumano’y galing sa Mauban, Quezon.

Agad namang rumesponde ang PNP Tayabas sa pangunguna ni Police Inspector Allen Rae Co, kung saan nagsagawa ng checkpoint sa Brgy. Mateuna, kung saan nahuli ang nasabing mga trak.

Ang Izusu truck na minamaneho ni Ronaldo Villamarzo Bauzon ay may kargang humigit kumulang na six thousand BD ft (6,000 BD FT), Izusu Ten Wheeler Truck na may plate number na RAY-355 na minamaneho ni Allan PeƱamante Baylon ay may kargang humigit kumulang na twelve thousand BD FT (12,000 BD FT) ng coconut lumber at ang Trailer truck namang may tractor head number na RDA-907 at Trailer Plate number BUE-963 na minamaneho naman ni Angelito Talimonga Lorenzo ay may kargang unestimated volume ng coconut lumber kasama ang mga kopya ng mga kwestyonableng mga permits at papeles.

Dagdag pa dito ang nasabing mga coconut lumber ay pag-aari ng isang Marissa Basilio ng brgy. Tokitok, Sanchez Mira, Cagayan, ang mga nasabing sasakyan ay dinala sa Police Station para sa masusing imbestigasyon at ite-turned over sa Philippine Coconut Authority, Lucena City para sa tamang disposition.

(Reported: Oct. 5, 2010) DZLT

STD NAKAKAALARMA NA

Umiinit na rin ang usapin sa nakakaalarmang paglaganap ng sakit na Sexually Transmitted Disease o STD sa Lunsod ng Lucena City.

Ayon sa ilang miyembro ng Sangguniang Panglunsod, ngayon ay high-tech na sa Lucena City, Ayon kay Konsehal Rey Oliver Alejandrino, kung dati rati noong dekada otsenta at nobenta, ang mga fly by night girl ay nakikita lamang pag pasado als-onse o alas-diyes ng gabi pataas, ngayon alas otso pa lang ng gabi naglipana na ang mga ito.

Ipinayo sa Probilehiyong talumpati ni konsehal Amer Lacerna, ano nga ba raw ang tunay na kalalagayan ng Lucena City kung ang pag-uusapan ay ang pinangangambahang STD o Sexually Transmitted Disease, may agam agam ang mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod particular si Lacerna, kaugnay sa mga ulat ng kaso ng STD dito sa highly urbanized na Lunsod ng Lucena.

Dagdag pa dito, ang may dala ng sakit na STD ay ang mga dayo dito sa Lunsod ng Lucena at nagsisimula o nanggagaling sa tinatawag na fly by night girl.

Sa susunod na isasagawang sesyon sa Lunes, Oct 4, inaasahan makadadalo sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlunsod ang mga opisyal mula sa City Health dept. si Dr. Wilfredo Prandoza, sa PNP si Police Supt. Orpanel, DSWD, at maging sa Bus. Permit and Licensing Division Atom Ang, para alamin ang tunay na sitwasyon at kung paano malilimitahan ang pinangangambahang pagkakaroon o paglaganap ng mga kaso ng STD sa Lucena City.

(Reported: Sept. 29, 2010) DZLT

POLICE REPORT

Kamakailan ay naganap ang isang insidente ng pagnanakaw sa San Pablo City. Ayon sa report bandang ika-labing isa at kalahati ng umaga ng lunes nang pwersahang pasukin ang LEN-AN Telecom and General Merchandise sa San Pablo City, na pagmamay-ari ni Lenra Gurango Balquedra, 39 years old, may asawa at isang businesswoman at resident ng Capistrano Subd. Brgy. Gulang-gulang, Lucena City.

Ayon dito pwersahang pinasok ng isa sa kanyang mga distributor ang kanyang e-load card distributor center sa San Pablo City , kinilala ang suspek na si Roger Militante Mitra, 35 years old, may asawa at tubong Puerto Princesa, Palawan at pansamantalang naninirahan sa brgy. 11, Lucena City.

Natangay umano nito ang ilang mga e-load cards. Ang imbestigasyon ay pinangunahan ni Police Senior Inspector Fernando C. Reyes III, upang ma-verify ang serial# ng mga e-load card na nakalista sa Master Files.

Nahuli o naaresto ang suspek na agad na nakapunta sa kabilang branch sa SM City Lucena, kasama ang mga ninakaw nito, na tinatayang nagkakahalaga ng P11,964.00.

(Reported: Sept. 9, 2010) DZLT