Monday, December 31, 2012

Legarda: Iwasan ang panganib dala ng paggamit ng mga paputok



Ilang oras na nga lamang at magpapalit na ang taon, kung kaya naman mas pahihigpitin pa ang pagbabantay ng kinauukulan sa publiko.

Ganun pa man patuloy rin ang paghikayat sa mga tao na iwasan ang pagpa-paputok ng mga delikadong firecrackers sa pagsalubong ng 2013.

Ikina-alarma ni Sen. Loren Legarda ang pagtaas ng bilang ng mga biktima ng paputok habang papalapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Kaugnay nito, hinikayat ng Senadora ang mga mamamayan na sumunod sa pagbabawal ng mga awtoridad sa paggamit ng baril at mga delikadong paputok o firecrackers.

Aniya makapipinsala sa kalusugan ng tao at kapaligiran ito, kabilang na nga ang pagsunog ng mga lumang gulong ng sasakyan kung saan delikado ang usok dahil sa naglalaman ito ng kemikal

Sa pinakahuling tala ng Dept. of Health, umabot na sa 150 ang nasabugan ng malalakas na paputok at isa naman ang nasugatan nang tamaan ng stray bullet o ligaw na bala.

Dagdag pa ni Legarda mas mabuting salubungin aniya ang bagong taon ng kumpleto ang mga daliri sa kamay at paa o walang anumang pinsala sa bahagi ng katawan ng tao.

Inirekumenda niya na gumamit na lang ng torotot at iba pang paraan na mas ligtas at walang epekto sa ating kalikasan.

Monday, December 24, 2012

LEGARDA MULING NANGUNA SA SURVEY


Si Senadora Loren Legarda ang nangunguna sa the Center Pulso ng Pilipino Survey na isinagawa noong November 26 hanggang December 6.

Nakakuha si Legarda ng 67% o halos limang puntos ang kalamangan sa pumapangalawang si Senator Chiz Escudero na may 62%.

Nasa ikatlong pwesto naman si Senator Allan Peter Cayetano (49%); nag-tie sa ika-apat na puwesto sina Congressman JV Ejercito at Chyntia Villar (44.3%); sinundan ni Senator Koko Pimentel (43%);  Congressman Jackie Enrile (41%); Senator Gringo Honasan at Migz Zubiri (39.4%); Antonio Trillanes (36%) at dating Senator Richard Gordon (35.5%).

Naungusan naman ni Vice President Jejomar Binay si Pangulong Noynoy Aquino sa Satisfaction Rating.

79% ang satisfaction rating ni Binay habang 71% kay Pangulong Aquino.

68% ang satisfaction rating ni Senate President Juan Ponce Enrile at 48% kay House Speaker Jose Belmonte.

44% naman ng mga pinoy ang optimistic na gaganda ang ekonomiya sa 2013.

Wednesday, December 19, 2012

Programa para sa Magsasaka ng Quezon


Bilang tugon sa pagbabago ng buhay ng isang magsasaka at tulong upang mapaunlad ang mga produktong pang-agrikultura, naglunsad muli ng panibagong programa para sa mga magsasaka ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Tatawaging Farmers Enhancement Productivity Program (FEPP) ang panibagong  programang ito na ilulunsad sa taong 2013, nakasaad dito na “Ang pamahalaang Panlalawigan ang magbibigay ng binhing pananim, kasunod ang paglalaan ng Cash Assistance , gayun din ng mga abono”.

Para naman mapangalagaan ang kabuhayan ng magsasaka, ang pamahalaang panlalawigan na ang bibili ng mga produkto buhat sa isang magsasaka na nasa ilalim ng programang FEPP.

Ayon pa kay Quezon Gov. David “Jay-jay” Suarez, bibigyan din ng prayoridad ang anak ng mga magsasaka upang maging scholar ng Serbisyong Suarez para sa Edukasyon.

Ipinagmalaki rin ng am ng lalawigan ang programang “Organic Farming” na ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa isinagawang paskuhan ng mga magsasaka sa Lunsod ng Tayabas noong Dec. 14, 2012 sa Municipal Covered Court ng naturang bayan.

Nakipagdiwang din si Gov. Suarez ng kapaskuhan sa Brgy. Pulo, San Antonio Quezon, dito nabanggit niya ang kanyang ginagawang pagbisita sa malalayong lugar kung saan nalalaman at nararamdaman niya ang mga pangangailangan ng bawat isang pamilya.

Paraan umano ito upang iparamdam sa mga taga-Quezon na bukas ang kapitolyo  para sa lahat, sa ilalim ng mga Programa ng Serbisyong Suarez. 

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Programa para sa mga magsasaka at agrikultura ipinagkaloob ng Serbisyong Suarez


Bilang tugon sa pagbabago ng buhay ng isang magsasaka at tulong upang mapaunlad ang mga produktong pang-agrikultura, naglunsad muli ng panibagong programa para sa mga magsasaka ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Tatawaging Farmers Enhancement Productivity Program (FEPP) ang panibagong  programang ito na ilulunsad sa taong 2013, nakasaad dito na “Ang pamahalaang Panlalawigan ang magbibigay ng binhing pananim, kasunod ang paglalaan ng Cash Assistance , gayun din ng mga abono”.

Para naman mapangalagaan ang kabuhayan ng magsasaka, ang pamahalaang panlalawigan na ang bibili ng mga produkto buhat sa isang magsasaka na nasa ilalim ng programang FEPP.

Ayon pa kay Quezon Gov. David “Jay-jay” Suarez, bibigyan din ng prayoridad ang anak ng mga magsasaka upang maging scholar ng Serbisyong Suarez para sa Edukasyon.

Ipinagmalaki rin ng am ng lalawigan ang programang “Organic Farming” na ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa isinagawang paskuhan ng mga magsasaka sa Lunsod ng Tayabas noong Dec. 14, 2012 sa Municipal Covered Court ng naturang bayan.

Nakipagdiwang din si Gov. Suarez ng kapaskuhan sa Brgy. Pulo, San Antonio Quezon, dito nabanggit niya ang kanyang ginagawang pagbisita sa malalayong lugar kung saan nalalaman at nararamdaman niya ang mga pangangailangan ng bawat isang pamilya.

Paraan umano ito upang iparamdam sa mga taga-Quezon na bukas ang kapitolyo  para sa lahat, sa ilalim ng mga Programa ng Serbisyong Suarez. 
 
(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Antioquia-Estacio komentaryo (8:30-9:00 am) 105.3 FM Radio City

Monday, December 17, 2012

MAGING HANDA SA KALAMIDAD - LEGARDA


Bukod sa mga akdang batas para sa kalikasan at kung paano ito maaalagaan  dahil sa pag-iiba ng klima o climate change na dulot ng global warming.

Ang pagkakaroon ng kahandaan sa epekto nito gaya ng bagyo at iba pang natural na kalamidad ay mahalaga at dapat huwag ipagsawalang bahala.

Bilang UN Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation, sinabi ni Sen. Loren Legarda na bukod sa paghahanda sa kalamidad, ay dapat magkaroon ng kaalaman ang lahat tungkol sa mga geographical location na maaaring high risk o peligroso, lalo na kapag nangyari ang di inaasahang kalamidad.

Dapat malaman ng mga residente kung ang kanilang lugar ay prone ba sa landslide o maaaring naninirahan sila sa mga mabababang lugar kung kaya flood-prone area ang lokasyon nila.



Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Tuesday, December 11, 2012

GOOD GOVERNANCE SA PANAHON NG KALAMIDAD - LEGARDA


Dahil sa patuloy na nakakaranas ang Pilipinas ng hagupit ng mga bagyo at iba pang kalamidad.

Patuloy and mga isinusulong at ikinakampanyang batas ni Sen. Loren, na may kaugnayan sa Climate Change dulot ng Global Warming.

Sa isinagawang Gen. Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Manila Hotel ay tinalakay ni Chair of the Senate Committee on Climate Change, Sen. Loren Legarda ang naging epekto ng Typhoon Pablo.

Ang bagyong Pablo gaya ng Sendong at Ondoy at iba pang natural na kalamidad ay sumusubok sa katatagan ng mga Pilipino, lalong-lalo na ng mga nasa gobyerno.

Sa ika-apat o 4th Quarterly National Executive Officers and National Board Meeting of the Philippine Councilor League (PCL) ay ibinigay ni Sen. Legarda ang kanyang mensahe sa epektibo o Effective Legislation at Good Governance sa panahon ng mga kalamidad.

Ang pagkakaroon umano ng maayos o Good Governance lalong-lalo na sa panahon ng delubyo ay makakatulong na maibsan ang paghihirap ng mga tao. 

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Monday, December 10, 2012

Huwag Pasaway - Legarda

Tila ba isang bangungot ang iniwan ng matinding Bagyong Pablo na nanalansa sa ating bansa, maraming ari-arian ang nasira at marami rin ang nagbuwis ng buhay.

Ang mga biktima o mga survivors na bukod sa nangungulila sa kanilang mahal sa buhay na nawala ay kumakalam na rin ang sikmura.

At dahil sa nakaka-alarma na ang ganitong pangyayari, habang binabayo o dinadaanan palagi ngiba’t ibang delubyo ang bansa.

Lalo pang pina-igting ni Sen. Loren Legarda ang pagbibigay ng babala at pagsusulong ng mga paraan sa pagtugon sa epekto ng pagbabago ng klima dulot ng Global Warming.

Bilang Chair of the Senate Committee on Climate Change and UN Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation for Asia Pacific.

Nagrekomenda si Sen. Loren Legarda ng ilang hakbangin para maiwasan o maibsan ang epekto ng kalamidad gaya ng Pablo, Sendong at Ondoy.

Ito ay sa pamamagitan ng paglilinis ng mga estero, kanal at iba pang daanang tubig o waterways, pagbabawal sa illegal logging operations o pagkakalbo ng kabundukan, gayundin ang pagmimina sa mga mapanganib na lugar tulad sa Compostela Valley.

Hindi rin umano basurahan ang mga ilog, lawa at iba pang anyong tubig para pagtapunan.
Sa loob ng halos sampung taon parang sirang plaka na si Legarda sa pagpapa-alala sa mga opisyal ng gobyerno o local government units at sa mga mamamayan sa pagiging handa at pagpapatupad ng mga programa para sa Climate Change Adaptation.

Dagdag pa ni Legarda dapat na tayong matuto ng leksyon, maging handa at huwag ng manirahan sa mga mapanganib na lugar.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Sunday, December 9, 2012

BASKETBALL TOURNAMENT NG ARMY, POLICE AT RESERVIST ISINAGAWA SA SLSU - LUCBAN QZN.



2nd NSTP BASKETBALL TOURNAMENT @             SLSU Gymnasium.                                                     
THEME: Army ... Police ... & Reservists

... One Big Event; One Happy Game; One Wholesome Dream! ... 



"A SAFE & PEACEFUL COMMUNITY!"



"HQ & HQ SVC" COMPANY 
1st QZN Ready Reserve Battalion

PLAYERS: 
      Bolado (35), Yngreso (9), Sandoval (01), Calapit (34), Magaling (17), Espejo (29),  2 Lt. Peña, De Los Rios (74) Eleazar (45)



Inspirational Message



Capt. Nilo H. Dator INF (RES) PA
Acting Bn Comdr, 2nd QRRBn & NSTP - CWTS Department Head


Capt. Ardiente - (Battalion Commander)



 
   EMCEE: Jennifer Lynnette M. Mikesh                   Intermission Number by:  
              Joel Emmanuel A. Barranta                                 Sheila Marie Sale
                                                                                      "I Will Always Love You" & "And I Am Telling You"



SLSU - CWTS BAND

LUCBAN PNP                             BRAVO COMPANY
                                                      1ST QZN RRBN

Wednesday, December 5, 2012

DISASTER PREPAREDNESS AND RISK REDUCTION MANAGEMENT PAG-IBAYUHIN - LEGARDA


Kaugnay ng nanalansang bagyong Pablo, nanawagan si Sen. Loren Legarda na pag-ibayuhin ang Disaster Preparedness and Risk Reduction Management sa lahat ng komunidad sa buong bansa.

Ito ay bunsod ng nakaka-alarmang pagkamatay ng maraming residente at pagkasira ng mga ari-arian.

Dahil sa humigit 20 bagyo ang dumadalaw sa Pilipinas kada taon ay iginiit ni Sen. Legarda na dapat tiyakin ng mga Local Government Units (LGUs) ang kaukulang paghahanda para maiwasan ang ganitong trahedya sa sususnod na mga darating pang kalamidad.

Sa dumaang bagyong Pablo o Typhoon Pablo ay naitala ang 100 na bilang ng nasawi sa bayan ng New Bataan, Monkayo sa Compostela Valley, Kateel Boston at Bagangga sa Davao Orriental.

Marami rin ang nasirang ari-arian sa Surigao Del Sur, Lanao Del Sur at iba pang lugar sa Northern Mindanao.

Dahil dito hiniling ni Legarda na magsagawa ng Assessment sa “Cause and Effects” ng Super Typhoon Pablo na nagdulot ng landslide at pagbaha, dagdag pa niya, dapat matuto ng leksyon ang mga apektadong bayan at lalawigan para maging handa o magkaroon ng Disaster Preparedness upang maiwasan ang pagbubuwis  ng buhay at pagkawasak ng mga ari-arian.

Si Pablo nga gaya ng typhoon Sendong at Ondoy ay mga natural na kalamidad na sumubok sa kahandaan ng mga Pilipino, kung kaya naman patuloy na ipinatutupad ang mga batas  sa pangangalaga ng kapaligiran at climate change adaptation. 

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Tuesday, December 4, 2012

Environmental Awareness ng mga Pinoy tumaas


Sa isinagawang Pulse Asia Survey simula November 23 hanggang 29, kung saan 1,200 respondents ang nakilahok, lumabas na ang pinakamataas na may majority approval ratings sa national issues ay ang pagprotekta sa kalikasan o environmental protection.

Ang kampanya ng gobyerno sa pagpigil sa pagsira at pag-abuso sa kalikasan ay nakakuha ng approval rating na 60%, kung saan tumaas ito ng 10% kumpara noong nakaraang Setyembre.

Dahil sa pagkamulat ng mga tao sa pangangalaga at pagprotekta ng kalikasan, ikinagalak ito ni Chair of the Senate Committee on Climate Change and UN Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation for Asia-Pacific, Sen. Loren Legarda. 

Ayon sa Senadora ang pagtama ng iba’t ibang kalamidad sa bansa ay nagbigay ng pagbabago sa pananaw ng mga tao at pagkakaroon ng mataas na environmental awareness sa pangangalaga at pagprotekta ng kalikasan.

Idinagdag din niya na kahit marami ng batas ang ipinasa para sa proteksyon ng kalikasan ay kailangan pa rin itong mas paigtingin, tulad ng Clean Air Act, Solid Waste Management Act, Renewable Energy Act na siya ang may akda at maging ang Clean Water Act.

Tumaas man ang kamalayan ng mga tao sa environmental awareness at climate change adaptation sa mga nakalipas na taon ay hindi pa rin nito nagagawang ayusin ang mga nasira.

Aniya ang mga negosyante ay dapat magkaroon ng clean new technologies, adopt energy efficiency measures at re-engineer corporate social responsibility para sa pagtatayo ng disaster-resilient local communities.

Kahit sa ating sariling pamamahay ay marami tayong magagawa upang makatulong sa ating kalikasan tulad na lang pagre-recycle.

Monday, December 3, 2012

USAPANG PANGKALUSUGAN: TB (Tuberculosis)

SAAN NAGMUMULA ANG SAKIT NA TB?
       Mikrobyo ng TB (Mycobacterium tuberculosis)

SAAN NAGMUMULA ANG MIKROBYONG SANHI NG TB?
       Mula sa plemang nagmula sa baga ng maysakit

GLOBAL WARMING DAPAT BIGYANG PANSIN


Patuloy  ang paglipas ng panahon at patuloy sa pagbabago ang klima ng daigdig, kung kaya naman patuloy din ang pagsubok sa lahat ng nabubuhay sa mundo.

Dahil sa Climate Change na dulot ng Global Warming hindi na nga mapigilan ang halos sunod-sunod na natural na kalamidad na ating nararanasan.

Kung kaya naman magiging mas mailap ang kaunlaran na matagal na nating minimithi  at dahil sa hindi na nga mapigilang pagbabagong ito, panahon  na upang kumilos.

Ayon kay Sen. Loren Legarda  sa kanyang privilege speech na isinagawa sa Senate Session Hall, huwag na umano nating ipagsawalang bahala ang pagbabagong ito, bigyang halaga ang paghahanda para sa mga likas na panganib at mga epekto nito.

Dagdag pa ng senadora matuto na tayo sa ating mga naging karanasan , ito ay hamon hindi lamang sa mga mamamayan kundi pati na rin sa mga lokal na pamahalaan kung paano hihikayatin ang isang pamayanan na maging matatag at handa sa mga likas na panganib.

Tulad na lang ng pagkakaroon ng maagap na sistema o ang tinatawag  na “Early Warning System”, upang masabihan ang mga tao na lumikas dahil sa nakaambang panganib na dulot  ng isang bagyo, lindol o tsunami.

Bukod dito makakatulong din ang paglilinis ng estero nang sa gayon ay tuloy-tuloy ang pagdaloy ng tubig, magtanim ng puno at huwag tapon ng tapon kung saan-saan bagkus matutong mag-recycle.  

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Legarda nanawagan sa proteksyon ng mga Pawikan at iba pang Endangered Species


Dahil sa nagbabadyang pagkaubos ng mga endangered species tulad ng pawikan nanawagan at humihingi ng suporta si Sen. Loren Legarda upang huwag tuluyang maglaho ang mga nasabing nilalang.

Bilang Chair of the Senate Committee on Climate Change, United Nations Regional Champion for Disaster Risk Reduction at Climate Change Adaptation for Asia-Pacific, isa sa mga pinagtutuuunan niya ng pansin ay ang pagkasira ng tirahan o habitats ng mga ito.

Ayon sa senadora ang pagkasira ng mga natural habitats o mga tirahan ng mga hayop mapa-dagat man o lupa ay nangangahulugan ng malaking kawalan ng sources of livelihood, kabilang na nga dito ang tourism at ang depletion of food supply.

Ang pawikan ay sinasabing majestic creatures na matatagpuan sa halos iba’t ibang parte ng bansa, isa rin ito sa mga oldest species na patuloy na nabubuhay.

Ngunit dahil sa “poaching” o “pagnanakaw ng mga itlog ng pawikan” para gamitin sa pansariling interest o commercial purposes at pagkasira ng mga tirahan ng mga ito, ay  nanganganib na maubos at maglaho ang mga pawikan.

Dahil sa bantang ito at bunsod ng pagsuporta sa Conservation of the endangered species Program,  Nakilahok si Sen. Legarda sa 2012 Pawikan Festival, na ginanap sa  Pawikan Conservation Center sa Morong, Bataan.

Binati niya ang Lokal na Gobyerno ng Bataan dahil sa pagprotekta, conservation at rehabilitation program, ng populasyon ng mga Pawikan. 

HInikayat rin ng Senadora ang mga tao sa Bataan na patuloy na ipalaganap ang kanilang adbokasiya ng pagsagip sa mga Pawikan o Philippine Marine Turtles.