Dahil sa
maigting na pagpapatupad ng batas laban sa mga matitigas ang ulo na nagdadala
ng illegal na armas, nito lamang lunes ay may mga nahuli na naman.
Sa bayan
ng Polillo Quezon, 3 ang arestado, 2 dito ay kasama sa listahan ng Most Wanted Person (MWP) sa municipal
level.
Dakong
ala-5:30 ng umaga ng mahuli ng mga elemento ng Polillo Municipal Police Station
(MPS) sa pangunguna ni PINSP ERIC LIBRANDA VELUZ sina:
Leoven Agana bo @ kulot (Top
2 MWP), dahil sa illegal na homemade Cal
.22 rifle,
Mark Anthony Maniego
Capayas @ tonie (Top 5 MWP) sa
pagtataglay ng isang (1) Cal .38 revolver
with six (6) rounds of live ammunitions at
MERLITO ACUNO BO @ KUNOG
dahil sa illegal na dalawang (2) bladed weapon (itakan/kitchen knife) na may
sixteen (16”) inches at ten (10”) inches ang haba.
Ang mga ito ay pawang mga residente
ng Brgy. Bañadero ng bayang nabanggit.
Naaresto ang mga ito sa bisa ng
warrant of arrest sa kasong “attempted
homicide/robbery in an uninhabited place with force upon things at Illegal
Possession of Deadly Weapon/FAs” na inilabas ni Hon. Wilfredo G. Oca, presiding judge ng municipal circuit trial court
ng Polillo – Panukulan, Polillo, Quezon sa ilalim ng criminal cases nr. 5306/5342.
Sa ngayon
ang mga suspek ay nasa Polillo Municipal Jail na at ang mga nakumpiskang Fire Arms (FAs)/Bladed Weapon at ammunitions ay nasa kustodiya na ng Polillo MPS.
No comments:
Post a Comment