Bukod sa trapik sa kahabaan ng highway sa bayan ng Sariaya Quezon, ilang mga aksidente na rin ang nai-ulat.
Dahil
sa on-going na road widening, mula sa dating 2 lane ay nagiging 4 lane o higit
pa ang daan ng mga sasakyan at pag sapit ng town proper ay liliit na naman ang
espasyo na madadaanan, kaya naman kapag dumagsa na ang malaking volume ng mga sasakyan
ay hindi na maiwasan ang heavy traffic.
Dagdag
pa dito ang di maayos na pagtatabi ng mga pampublikong sasakyan kapag magbababa
o magsasakay ng pasahero.
Napupuna
rin ang mga pinalawak na kalsada na imbis na madaanan o di kaya naman ay
magamit bilang Loading and Unloading Zone ay nagiging paradahan na lamang.
Reported by: Jen-jen Oblefias
No comments:
Post a Comment