Kada
taon kapag sumapit na ang Mayo, asahan na ang kaliwa’t kanang pagdiriwang ng mga
Kapistahan na tradisyon na ng mga katoliko.
Tuwing
Flores de Mayo may tinatawag na “Alay sa Birhen o Alay kay Maria” bilang
debosyon kay Birheng Maria.
Ang
bayan ng Sariaya Quezon ay isa lang sa mga bayan sa Pilipinas na may
pagdiriwang sa pista at may tinatawag na “Tapusan” o ang pag-aalay ng bulaklak
sa Birheng Maria sa buong buwan ng Mayo. Kung saan nagtitipon ang mga mag-aalay
sa “tuklong” o
kapilya.
Iba’t
ibang barangay ang nagsasagawa nito, Isa na dito ang Brgy. Poblacion Singko (5)
ng naturang bayan sa ilalim ng pamumuno ni Kapitana Ma. Marivic Villamor.
Ayon
kay Kagawad Cynthia Abanador ito ang ikalawang taon ng kanilang ginagawang
pag-aalay, natigil umano ito ng sabihin ng pari na sa simbahan na lamang ito
gawin, ngunit dahil sa kahilingan na rin ng mga tao, ito ay muling isinagawa
noong nakaraang taon sa kanilang barangay mula unang araw hanggang huling araw
ng Mayo.
Aniya
sinisimulan muna ang pag-aalay sa pamamagitan ng pagro-rosary ng mga bata sa
hapon.
Pinaniniwalaang
nagsimula ang tradisyong ito noong 1854 nang iproklama ng Vatican ang doktrina
ukol kay Immaculate Concepcion.
Sa isa pang pag-aaral, ayon
sa isang Italianong Heswita na si Annibale Dionisi, ang pinakamatandang petsa kung saan naganap
ang kahanga-hangang pag-aalay ng mga bulaklak kay Maria ay noong taong 1726 at
Mayo ng taong 1784 ng ginanap ito sa siyudad ng Ferrara, Italia.
Dito may prusisyon kung saan nakasuot ang mga
kababaihan ng mga magagarang pormal na damit o gown, na sumasagisag sa
"Accolades of Our Lady" na may escort na mga kalalakihan.
Pero sa prusiyon na ito ay may mga titulo ang bawat sagala. May tinatawag na Reyna Elena, Reyna Emperatriz, Reyna ng mga Propeta at iba pa.
Reported by: JEN-JEN OBLEFIAS
No comments:
Post a Comment