Isang
tawag mula kay PO1 Zubia, Sub-Station member ng Sariaya PNP, ang natanggap ng
Sariaya MPS dakong alas-8:55 kagabi, kung saan dalawang grupo umano ng
kalalakihan ang nagpustahan para sa karera ng motorsiklo sa Brgy. San Roque, Sariaya Quezon, kung
saan matapos ang pustahan ay nagkaroon ng krimen.
Ang
isang grupo ay kinabibilangan ng biktimang si Sherwin Sulit Sanggalang, 24 anyos, isang magsasaka at residente ng
Sitio Dulohan, Brgy. Janagdong 2 at
ang grupo ng suspek na si Jaime Veraña Panganiban Jr @Onyok
na residente naman ng Sitio Marichi, ng naturang barangay.
Ayon sa ulat
ng Sariaya PNP, natalo ang grupo ng suspek sa pustahan, kung
kaya muli nitong hinamon ng isa pang karera ang grupo ng biktima, ngunit
tumanggi ito at sinabing sa ibang araw na lang.
Dakong
alas-8:45 ng gabi ring iyon, hiningi ng biktima sa suspek ang perang
napanalunan sa pustahan, ngunit imbis na ibigay ay sinaksak nito ng dalawang
beses ang biktima.
Dinala
ng mga kaanak ang biktima sa Lucena United Doctors Hospital ngunit kaagad din
itong binawian ng buhay habang sumasailalim sa medical treatment.
Patuloy
naman ang follow-up investigation upang madakip ang tumakas na suspek.
JEN-JEN OBLEFIAS
No comments:
Post a Comment