Wednesday, April 13, 2011

Medical Mission sa San Andres, Quezon Isinagawa ng QPPO

Isinagawa ang dalawang araw na Medical Mission ng pinagsanib na ahensiya ng PNP, AFP at LGU noong Abril 5 at 6, 2011 sa Brgy. Talisay, at Brgy. Mangero ng San Andres, Quezon na pinangunahan ni Police Senior Superintendent Atty. Ericson T. Velasquez – Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) katuwang sina Col. Eduardo M. Año – Commanding Officer ng 201st Brigade, Hon. Sonia H. De Leon Emprese Pangulo ng Liga ng mga Barangay at si Police Inspector Joselito M. Araja Officer in Charge ng Himpilan ng Pulisya ng San Andres, Quezon kasama ang mga miyembro o empleyado ng mga nabanggit y na ahensiya.

Sa pamamagitan ng nasabing gawain ay nagkaroon ng libreng tuli, libreng bunot ng ngipen at check-up para sa mga bata at matatanda na pawang mga residente ng dalawang barangay at nabiyayaan ng mga libreng gamot at bitamina ang may 1,000 residente ng Brgy. Talisay at may 250 na residente naman ang sa Brgy. Mangero, San Andres, Quezon.

Ipinabatid ni Atty. Velasquez sa mga mamayan doon ang mabuting layunin ng nasabing gawain na bukas ang pamahalaan sa pagtulong at pagkalinga sa kanila upang mas higit na mapaganda ang kalidad ng pamumuhay sa nabanggit na lugar at sa kabuuan ng Quezon sa kabila ng ng matatandaang pangyayari sa Brgy. Talisay, San Andres Quezon kung saan tinambangan ng mga CTs/NPA ang Hepe ng Pulisya na si Police Senior Inspector Glenn Miralles at mga kasamahan nitong miyembro ng pulisya noong Oktubre 24, 2010 na naging sanhi ng pagkamatay ng isang miyembro ng NPA at pagkasugat ng dalawang pulis ng mangyari ang nasabing insidente.


No comments:

Post a Comment