At
ngayong 2015 muling aabangan ng marami ang tradisyon at panata na ng mga
sariayahin na isinasagawa tuwing Lenten Season, ang Sto. Cristo isang Senakulo.
Ayon
kay Ginoong Eric J. Dedace, P.R.O ng Sariaya Tourism Council, sa unang buwan pa
lamang ng taon ay nagkakaroon na sila ng pagpaplano kahit sa holy Wednesday pa
ito, na ang papatakan nga ngayon taon ay sa unang araw ng Abril.
Kasama
sa nasabing paghahanda ng STC ang imbentaryo ng mga kagamitan at costume ng mga
tauhan dito.
Napagkasunduan
din na ayusin (repair) na lamang ang mga kagamitan at damit imbis na bumili pa
upang makatipid.
Dagdag
pa ni Sir Eric, pagsisikapan nila na matuloy sa taong ito ang Senakulo 2015
kung saan humigit kumulang isangdaan (100) na miyembro ang boluntaryong
nakilahok na namamanata na noong taong 2006 pa.
Reported by: Jen-jen Oblefias
No comments:
Post a Comment