Dahil sa pagkakasira ng
ilang puno ng niyog sa bahagi ng Brgy. Concepcion Banahaw sa bayan ng Sariaya
Quezon.
Isang batas ang
napagpasyahang ipanukala ng Brgy. Captain dito, na si Kapitan Plaridel
Marasigan, kung saan ipagbabawal ang paggamit ng spike at paglilimita ng mga pumapasok na dayuhan upang kumuha ng
buko o mura.
Aniya ang paggamit ng spike
sa pagpanik ng puno ng niyog ay nagiging sanhi ng pagkakabutas-butas nito at
ang katas na dumadaloy sa kada butas ay nakasasama ang epekto, lalo na sa mga
bata pa lamang na puno.
Hinalimbawa din niya ang
isang ordinansa sa bayan ng Batangas kung saan hindi na pinapapasok yung mga
dayuhang nagmumura.
Hindi naman umano
hinahadlangan ang layuning maghanapbuhay, kundi yung pagtatama ng sistema sa
tamang pamamaraan para mapangalagaan ang ating mga puno ng niyog, upang
maiwasan na rin ang sakit, lalo na ang mga peste.
Matatandaang hindi
nakaligtas ang mga puno dito, sa pananalansa ng coconut scale insect (CSI) o
mas kilalang coco-lisap na bigla na
lamang umanong lumaganap, kung saan libong puno ng niyog ang naapektuhan.
Naobserbahan na galing sa
ibang lugar ito at nadala ng magbubuko sa naturang bayan at sa iba’t ibang
barangay.
Kaya naman nais din ng
punong barangay dito na ma-aprubahan ang panukalang batas na ito, kung saan ang
mga taga doon o ang mga residente na nakatira lamang dito, ang mismong
maghahanap buhay sa pagmumura o pagniniyog,
ngunit hindi gagamit ng spike, bagkus ang gagamitin na lamang ay ang pangkawit o ang paglalagay ng salop para hindi mabasag ang niyog.
Sa ngayon ay nakapasa na sa
Sangguniang Pambayan ang nasabing panukala na siyang sinang-ayunan ng Association of Barangay Captains (ABCs) ng bayan
ng Sariaya.
Layunin nito na masuportahan
ng lahat ng mamamayan at mapangalagaan ang mga niyugan na tinatawag na Tree of
Life.
Reported by: Jen-jen Oblefias
No comments:
Post a Comment