Thursday, September 24, 2015

SUNDALO PATAY MATAPOS MAAKSIDENTE SA DAAN

Agad binawian ng buhay ang isang Enlisted Personnel Army, na nakilalang si Cpl Leonardo Abrogena Dacanay (33 years old) ng 2nd  Infantry Division (2ID) at residente ng Brgy. Dalahican, Lucena City, matapos itong maaksidente sakay ng isang Suzuki Raider 150 Motorcycle na walang plaka.

Dakong alas-9:30 kagabi ng madaanan ng 97.5 Radio City News Correspondent (Jen-jen) kasama ang dalawang miyembro ng Kabalikat Civicom (999) Sariaya Chapter, ang kahabaan ng Diversion Road na bumabagtas patungong Lucena City sakay ng 2 motorsiklo, ng mapansin sa gawing kanan ng kalsada ang ilang mga tao na animo’y nagtatrapik at naglagay ng ilang harang sa road lane na pasilangan.

Sa dulo ay nakita na nga ang biktimang duguan kung saan ito ay nakadapa sa tabing kalsada at sa ilang hakbang lang ay ang isang nakatumbang motorsiklo.

Ayon sa ilang saksi hindi nila umano masyado nakita ang pangyayari dahil sa sobrang dilim ng lugar na nasa bahagi ng Brgy. Mayuwi, Tayabas City, sa pag-uusisa ay napansin ng ilan, na tao ito at agad naman naglagay ng ilang harang upang hindi na ito masagasaan ng mga dumaraang sasakyan.

Nagtanong ang isa sa mga miyembro ng Kabalikat sa mga nandon kung may humingi na ng police assistance at agad na tinungo ang Police Checkpoint na nasa bahagi ng Brgy. Calumpang, sa pagbalik ay kasama na nito ang isang miyembro ng Tayabas Municipal Police Station na si PO3 Rommel Santos.

Samantala ayon sa isa pang tagaroon na ating nakausap, hinabol umano niya ang nakabanggang truck gamit ang motor hanggang sa Calumpang patungong Sariaya Quezon, muntik na umanong maaksidente ang naturang lalaki dahil sa nagpatay ng ilaw ang driver ng truck, buti na lamang umano ay kaagad siyang nakapag-preno, at nagpasalamat siya at  agad namang naharang ito ng kapulisan. Kapwa patungo sa direksyon ng Lucena ang dalawang sangkot na sasakyan ng maganap ang aksidente.

Kinilala ang suspek at driver na si Eugenio Braulio Montoya (54 years old) at residente ng Masalukot 1, Candelaria Quezon, napag-alaman na ang minamaneho nitong sasakyan na Mitsubishi-Fuso Truck na may plate number CSD 663, na nakahagip sa nagmomotor na biktima ay nakarehistro sa isang Manuel C. Licup.

Ang mga labi ng biktima ay nasa Funeraria Pagbilao, Lucena City habang ang suspek ay nasa kustodiya ng Tayabas Police Station.


 Jen-jen Oblefias