Agad binawian ng
buhay ang isang Enlisted Personnel Army, na nakilalang si Cpl Leonardo Abrogena
Dacanay (33 years old) ng 2nd
Infantry Division (2ID) at residente ng Brgy. Dalahican, Lucena City,
matapos itong maaksidente sakay ng isang Suzuki Raider 150 Motorcycle na walang
plaka.
Dakong alas-9:30 kagabi ng madaanan ng 97.5 Radio City News Correspondent (Jen-jen)
kasama ang dalawang miyembro ng Kabalikat Civicom (999) Sariaya Chapter, ang
kahabaan ng Diversion Road na bumabagtas patungong Lucena City sakay ng 2
motorsiklo, ng mapansin sa gawing kanan ng kalsada ang ilang mga tao na animo’y
nagtatrapik at naglagay ng ilang harang sa road lane na pasilangan.
Sa dulo ay nakita
na nga ang biktimang duguan kung saan ito ay nakadapa sa tabing kalsada at sa
ilang hakbang lang ay ang isang nakatumbang motorsiklo.
Ayon sa ilang
saksi hindi nila umano masyado nakita ang pangyayari dahil sa sobrang dilim ng
lugar na nasa bahagi ng Brgy. Mayuwi, Tayabas City, sa pag-uusisa ay napansin
ng ilan, na tao ito at agad naman naglagay ng ilang harang upang hindi na ito
masagasaan ng mga dumaraang sasakyan.
Nagtanong ang isa
sa mga miyembro ng Kabalikat sa mga nandon kung may humingi na ng police
assistance at agad na tinungo ang Police Checkpoint na nasa bahagi ng Brgy.
Calumpang, sa pagbalik ay kasama na nito ang isang miyembro ng Tayabas
Municipal Police Station na si PO3 Rommel Santos.
Samantala ayon sa
isa pang tagaroon na ating nakausap, hinabol umano niya ang nakabanggang truck
gamit ang motor hanggang sa Calumpang patungong Sariaya Quezon, muntik na
umanong maaksidente ang naturang lalaki dahil sa nagpatay ng ilaw ang driver ng
truck, buti na lamang umano ay kaagad siyang nakapag-preno, at nagpasalamat
siya at agad namang naharang ito ng
kapulisan. Kapwa patungo sa direksyon ng Lucena ang dalawang sangkot na
sasakyan ng maganap ang aksidente.
Kinilala ang
suspek at driver na si Eugenio Braulio Montoya (54 years old) at residente ng
Masalukot 1, Candelaria Quezon, napag-alaman na ang minamaneho nitong sasakyan
na Mitsubishi-Fuso Truck na may plate number CSD 663, na nakahagip sa
nagmomotor na biktima ay nakarehistro sa isang Manuel C. Licup.
Ang mga labi ng
biktima ay nasa Funeraria Pagbilao, Lucena City habang ang suspek ay nasa
kustodiya ng Tayabas Police Station.
Jen-jen Oblefias
No comments:
Post a Comment