Bunsod ng
pagbabago ng klima sa ating daigdig o climate change, naaapektuhan ng malaki ang ating kalikasan, pati ang mga hayop at maging ang pamumuhay ng mga tao.
Dahil sa
matitinding bagyo na humahagupit na nagdudulot ng matinding pinsala sa atin,
maraming grupo mula sa Local Government Units (LGUs), Non-Government
Organizations (NGOs) at iba pang pribadong sector ang nagkakaisa at nagsasagawa
ng mga aktibidad para sa kanilang adbokasiya sa Climate Change.
Kahapon ay
isang Welcome Program for Climate Walk Marches ang isinagawa sa bahagi ng
Municipal Park ng Sariaya Quezon.
Nagmula
ang nasabing kilusan sa Maynila patungo sa Tacloban na pinangunahan ni
Commissioner Nadever M. Saño ng Climate Change Commission.
Ang
nasabing aktibidad ay sinuportahan ng LGU Sariaya, Sariaya Tourism Council,
Emergency Response Team (ERT) ng MDRRMO, MENRO, UNAKA at Sariaya PNP Personnel.
Reported by: Jen-jen Oblefias
No comments:
Post a Comment