![]() |
Quianuang Bridge |
Kaliwa’t
kanan ang isinasagawang Bridge Re-construction
at Road Widening sa lalawigan ng
Quezon ngayon partikular na nga sa bayan ng Sariaya Quezon.
Gilid ng tulay - Quianuang Bridge
Maganda man ang layunin ng nasabing proyekto ay hindi pa rin ito nakakalusot sa mga mambabatikos at mga reklamo dahil sa perwisyong dulot nito sa mga drivers at commuters.
Nariyan
ang pagbagal ng pag-usad ng mga sasakyan dahil sa one lane lang ang nadadaanan
at kung minsan naman ay isinasara ito pansamantala upang ayusin.
Pati ang
kawalan ng mga babala at warning lights sa ilang lugar na
maaaring magdulot ng kapahamakan lalo na nga’t maulan at maging ang katagalan
ng nasabing proyekto ay binabatikos rin.
Reported by: Jen-jen Oblefias
No comments:
Post a Comment