Taun-taong inaabangan ang Agawan Festival ng mga Sariayahin at maging ng mga bakasyunista sa bayan ng Sariaya Quezon, na ginaganap tuwing ika-15 ng Mayo.
Isang tradisyon ang agricultural at
religious festival na ito na ipinagdiriwang bilang pasasalamat ng mga magsasaka
sa kanilang patron na si San Isidro Labrador na katulad ng “Pahiyas Festival”
ng Lucban Quezon.
Isinasagawa ang nasabing selebrasyon sa
pamamagitan ng isang prusisyon ng imahe ni San Isidro at ng parada.

Sa pamamagitan ng Bagakay (young bamboo branches), mga pinutol na kawayan na
didikorasyunan inilalagay o ibinibitin naman ang mga junk food, candies,
pamaypay, sombrero at marami pang iba, na sya ring madaraanan ng parada.
Pagdaan ng patron, sinyales na ito sa mga
tao na umagaw o agawin na ang lahat ng kanilang makikita na nakabitin, habang
ang mga nasa bahay ay naghahagis naman ng kung anu-ano sa mga taong
nangangagaw, dito ibabagsak din ang nasabing bagakay. Ito ay tinatawag ding “Happy Pandemonium”.
Pangunahin na ngang makikita sa pagdiriwang
na ito ay ang Bamboo, na animo’y
Christmas tree na nilalagyan ng mga palamuti, na ayon kay Kuya Eric ay
distinguishing charactreristic ng Agawan Festival.
Aniya “Kung
makikita ninyo ang kawayan ay pliant, kahit saan dalhin siya ay sumusunod”,
ganito umano ang kasaysayan ng Sariaya na nakadaranas ng kalungkutan, sakuna at
mga paghihirap pero hindi ibig sabihin ay tapos na ang buhay.
Dagdag pa niya “Kaming mga Sariayahin ay very positive” inihalintulad nya sa
kawayan, na hindi magagapi at hindi mawawala.
Bukod pa sa paghahanda ng Lokal na
pamahalaan ng bayan ng Sariaya, sa pangunguna ni Mayor Rosauro “Boyet” V.
Masilang sa taunang pagdiriwang na ito na naging masaya at matagumpay, dinayo
rin ang nabanggit na bayan ng panauhing pandangal mula sa Department of Tourism
Region 4, na si Director Rebecca Labit kasama ang mga piling panauhin mula sa
Singapore media at mga local media, na sinalubong naman ng Sariaya LGU at Sariaya
Tourism Council (STC) sa pamumuno ni Ginang Rowena Z. Masilang.
Layunin ng nasabing pagdalaw ng mga bisita na mapataas ang antas ng
pagpapaunlad sa turismo ng Sariaya na nakabatay sa: kabundukan, kapatagan at
karagatan (KKK).
Ipinarada rin ang mga naggagandahang kasuotang Buli ng mga kalahok sa ”Sagala ng mga Buling Kasuotan”, maging ang Bulindakan (Street Dancing) at Search for Ginoo at Binibining Sariaya
2015 hanggang sa araw ng Agawan ay inabangan rin.
Kaya naman malaki ang pasasalamat ng lahat ng matapos ng masaya at matagumpay ang taunang Pagdiriwang na ito ng mga Sariayahin.
Reported by: JEN-JEN OBLEFIAS
d
ReplyDeleteIlang araw nakalipas ng agawan festival 2015
ReplyDeleteay meron ulit agawan festival 2016