![]() |
Construction of Spillway sa Brgy. Tumbaga 1, Sariaya Quezon |
Matagal ng problema sa Brgy. Tumbaga 1 ang baha, lalo na ang pag-apaw ng tubig sa mga spillways dito.
Sa tuwing bubuhos ang ulan
at kung may mananalantang bagyo, isa sa problema ng mga taga Tumbaga 1 ay ang kalsada,
lalo na kung ang dadaanan nila ay tulay.
Kapag tumataas ang tubig sa
mga ilog at umaapaw sa kalsada, hindi makadaan ang mga tao at sasakyan dito.
Kung kaya naman wala silang
magawa kundi tahakin ang iba pang ruta na mas malayo ang iikutan patungo sa
kanilang mga bahay o di kaya naman ay patungo sa bayan.
Dahil dito isang resolusyon
na “Construction of Spillway” sa kanilang lugar, ang inilapit ng Punong
Barangay na si Kapitan Renato “Ato” I. Bascoguin, sa kinauukulan.
Ngayon nga ay ginagawa na ang
konstruksyon ng nasabing proyekto.
Sa pakikipanayam ng 97.5
Radio City News Team sa Foreman nito, na si Ginoong Eusebio Bundukin, sinabi
niya na sinimulan ang pagsasa-ayos ng spillway noong ika-10 ng Abril, 2015 na
inaasahang matatapos sa loob ng limampung (50) araw.
Napag-alamang nasa humigit
dalawang milyong piso ang halaga ng naturang construction project ng Department
of Public Works and Highways (DPWH).
Ang proyektong ito na bahagi
ng Mamala river ay ikalawa na, sa tatlong spillways na sinasa-ayos para sa
kapakinabangan ng mga mamamayan dito.
Dagdag pa ni kapitan Ato,
isusunod na rin niyang ipa-ayos ang Barangay Road para sa maayos na daan ng
kanilang barangay at gayundin naman ang isa pang spillway sa boundary ng
Tumbaga 1 at Brgy. Canda.
Reported by: JEN-JEN OBLEFIAS
No comments:
Post a Comment