Monday, September 29, 2014

29TH INTERNATIONAL COASTAL CLEAN-UP DAY ISINAGAWA SA COASTAL BARANGAYS NG SARIAYA QUEZON

Isa ang bayan ng Sariaya Quezon sa masasabing makakalikasan at maigting na nagpapatupad ng mga adbokasiya para sa pangangalaga nito

Nakiisa ang iba’t ibang departamento sa isinagawang coastal clean-up nitong nakaraang sabado sa mga baybaying dagat mula Guis-Guis San Roque hanggang CastaƱas.



Bunsod ito ng ipinagdiriwang na 29th International Coastal Clean-Up Day.


Sa nasabing paglilinis ay aktibong nakilahok ang mga estudyante, Sariaya Tourism Council at maging ang Sariaya Municipal Police Station.



Reported by: Jen-jen Oblefias

Saturday, September 27, 2014

CRIME PREVENTION PROGRAMS MAS PAIIGTINGIN

Sa papalapit na kapaskuhan asahan na nga ang pagtaas ng Crime Incident, kung kaya naman puspusan ngayon sa pagpapatupad ng mga anti-crimes program ang mga hepe ng pulis sa iba’t ibang munisipalidad sa Probinsiya ng Quezon.

Crime against Persons tulad ng murder, homicide, rape, holdap, riding in tandem at marami pang iba ang ilan lamang sa mga krimen na nangyayari at nagagawa ng masasamang loob gamit ang mga baril.

Dahil dito mas pinaigting ang pagpapatupad ng OPLAN: Katok, OPLAN: Sita at iba pang Crime Prevention Programs at maging ang paghihigpit sa checkpoint.

Patuloy rin sa pag-aaral ang ating  mga kapulisan tungkol sa iba pang pamamaraan at stratehiya tulad ng Motorcycle Riding Course upang sugpuin ang mga krimen.

Nariyan ang OPLAN: Blue Hawk  na aktibong umiikot sa mga bayan ng Tiaong, Candelaria, Sariaya hanggang Pagbilao Quezon.


At upang mas mapalakas ang isinasagawang mga programa laban sa kriminalidad malaki ang maitutulong ng karagdagang suporta mula sa Lokal na pamahalaan para sa mga Municipal Police Station ng bawat bayan.


Reported by: Jen-jen Oblefias

Friday, September 26, 2014

KAPULISAN LAGING ALERTO

Dahil sa papalapit na ang kapaskuhan at pagpasok ng "ber" month asahan na ang pagtaas ng bilang ng mga krimen.

Ganito ang senaryo kada taon, kung kaya naman patuloy sa pagtuturo ang ating mga Chief of Police sa kanilang nasasakupan at pag-aaral ng mga estratihiya upang sugpuin ito.

Ang Regular Motorcycle Riding Course ay inaasahang makakatulong sa ating mga pulis sa pagsugpo ng riding in tandem.

Para naman sa mga gulo sa tagong lugar tulad ng linang gaya ng bayan ng Sariaya Quezon, ang mga miyembro ng Intelligence Group ang nakaantabay, dahil dito nahuhuli ang mga gumagamit at nagtutulak ng droga na kung minsan ay nauuwi din sa pagkakahuli ng kanilang lider.

At sa gumagamit o nagdadala ng iligal na baril na walang kaukulang dokumento tulad ng Permit to Carry nariyan ang ipinatutupad na OPLAN: Katok.


Reported by: Jen-jen Oblefias



Thursday, September 25, 2014

KOLORUM NA TRICYCLE SAKIT SA ULO NG TFRO

Ilan sa mga suliranin ng Lucena Tricycle Franchising Regulatory Office ay ang pamamasada ng mga kolorum na tricycle pati ang iligal na pagti-terminal ng mga ito isama pa nga ang mga dumudulog sa kanilang tanggapan upang ireklamo ang mga pasaway na driver.

Buwaya kung ituring ang mga ito dahil sa sobra nitong paniningil na higit na mas mataas kumpara sa mga may prangkisa na tricycle,

Ayon sa tanggapan ng TFRO may mga pinahihintulutan silang samahan upang magkaroon ng terminal ngunit hanggang 2 tricycle unit lamang at hindi ang mahabang pila ng mga ito.


Bilang tugon sa ganitong scenario pinag-aaralan ng nasabing ahensya kung paanong malulutas ito.

Kung kailangan hatiin o maglagay ng shifting ay kanilang gagawin.


Reported by: Jen-jen Oblefias

KOLORUM HUWAG TANGKILIKIN - LUCENA TFRO


Studyante ka man o matanda wala kang kawala kapag ang nasakyan mo ay isang kolorum na tricycle, na bukod sa wala na ngang numero ay sila pa ang magulang pagdating sa paniningil sa kanilang mga pasahero.

Bukod pa nga dito doble pa ang singil kapag sila ay nasa terminal umano, “nakapila ako, magkano ang ibabayad mo?, dalawang tao ang pasahe..” yan ay ilan lamang sa mga salitang malimit na naririnig sa mga ito.

Kung kaya naman nanawagan ang Lucena Tricycle Franchising Regulatory Office na huwag tangkilikin ang mga tricycle na iligal ang pamamasada na naglipana sa lungsod ng Lucena.

Pinaalalahanan ang mga mananakay na ang pasahe ng mga estudyante at senior citizen ay P7.00 at sa mga ordinaryong mamamayan ay P8.50.

Kung lalabas ng city proper o medyo malayo na ang pupuntahan, ito ay dipende sa pag-uusap ng pasahero at driver, ngunit kung sobra-sobra ang paniningil ay maaari na itong ireklamo.

Katuwang din ang mga traffic enforcer at pulis sa panghuhuli sa mga ito.




Reported by: Jen-jen Oblefias

Tuesday, September 23, 2014

RE-LAUNCHING NG 97.5 RADIO CITY NAGING MATAGUMPAY



Matagumpay na naisagawa kahapon ang re-launching ng Radio City mula sa dati nitong frequency na 105.3 na ngayon nga ay 97.5 FM. Sinimulan ito sa pamamagitan ng isang Motorcade dakong alas-6:00 ng umaga kahapon.

Sa bagong lokasyon ng istasyon sa Opposite Old City Hall M.L Tagarao St. Lucena City ginanap ang maikling programa at salo-salo,  sinimulan ito ng panalangin ng INC minister na si “Ka Boyet”  del Rosario,  at sinundan  ito  ng pag-awit ng Philippine National Anthem at opening remarks.




Pagsapit ng Alas Nueve Siete, Cinco Segundos  ay sinimulan na ang Official Switching ng bagong istasyon, mga kagamitan at programa na pinangunahan ni Mrs. Dulce Quinto Ojeda.




Nagbigay rin ng maikling pahayag ang Station Manager na si Ginoong Meynard Pantinople na kaakibat ang mga katagang “Ang Radio City, Binago Para sa TAMA! Para sa MATUWID! Para sa TOTOO!” Para sa PAREHAS!.

Matapos nito nagbigay naman ng maikling talumpati si Lucena Mayor Roderick Dondon Alcala.














Ilan rin sa nagbigay ng kanilang suporta ay ang mga kasamahan sa media mula sa iba’t ibang istasyon, mga pulitiko, samahan, Pulis, Sundalo, at marami pang iba.

                                                     















 DOMINGO BAND

Inaasahan na mabibigyan ng maayos na pakikinig ang mga listeners, sa bago nitong 32,000 watts Power, New Crystal-Clear Sound Quality, Brand New Broadband Antenna & Transmitter from Italy at brand New Programming 24/7.