Sa papalapit na kapaskuhan asahan na nga ang pagtaas ng
Crime Incident, kung kaya naman puspusan ngayon sa pagpapatupad ng mga
anti-crimes program ang mga hepe ng pulis sa iba’t ibang munisipalidad sa
Probinsiya ng Quezon.
Crime against Persons tulad ng murder, homicide, rape,
holdap, riding in tandem at marami pang iba ang ilan lamang sa mga krimen na
nangyayari at nagagawa ng masasamang loob gamit ang mga baril.
Dahil dito mas pinaigting ang pagpapatupad ng OPLAN:
Katok, OPLAN: Sita at iba pang Crime Prevention Programs at maging ang
paghihigpit sa checkpoint.
Patuloy rin sa pag-aaral ang ating mga kapulisan tungkol sa iba pang pamamaraan
at stratehiya tulad ng Motorcycle Riding Course upang sugpuin ang mga krimen.
Nariyan ang OPLAN: Blue Hawk na aktibong umiikot sa mga bayan ng Tiaong,
Candelaria, Sariaya hanggang Pagbilao Quezon.
At upang mas mapalakas ang isinasagawang mga programa
laban sa kriminalidad malaki ang maitutulong ng karagdagang suporta mula sa
Lokal na pamahalaan para sa mga Municipal Police Station ng bawat bayan.
Reported by: Jen-jen Oblefias
Reported by: Jen-jen Oblefias
No comments:
Post a Comment