Matagumpay na naisagawa kahapon ang re-launching ng Radio City mula sa dati nitong frequency na 105.3 na ngayon nga ay 97.5 FM. Sinimulan ito sa pamamagitan ng isang Motorcade dakong alas-6:00 ng umaga kahapon.
Sa bagong lokasyon ng istasyon sa Opposite Old City Hall
M.L Tagarao St. Lucena City ginanap ang maikling programa at salo-salo, sinimulan ito ng panalangin ng INC minister
na si “Ka Boyet” del Rosario, at sinundan
ito ng pag-awit ng Philippine
National Anthem at opening remarks.
Pagsapit ng Alas Nueve Siete, Cinco Segundos ay sinimulan na ang Official Switching ng
bagong istasyon, mga kagamitan at programa na pinangunahan ni Mrs. Dulce Quinto
Ojeda.
Nagbigay rin ng maikling pahayag ang Station Manager na
si Ginoong Meynard Pantinople na kaakibat ang mga katagang “Ang Radio City,
Binago Para sa TAMA! Para sa MATUWID! Para sa TOTOO!” Para sa PAREHAS!.
Matapos nito nagbigay naman ng maikling talumpati si Lucena Mayor Roderick Dondon Alcala.
Matapos nito nagbigay naman ng maikling talumpati si Lucena Mayor Roderick Dondon Alcala.
Ilan rin sa nagbigay ng kanilang suporta ay ang mga kasamahan sa media mula sa iba’t ibang istasyon, mga pulitiko, samahan, Pulis, Sundalo, at marami pang iba.
DOMINGO BAND
Inaasahan na mabibigyan ng maayos na pakikinig ang mga listeners, sa bago nitong 32,000 watts Power, New Crystal-Clear Sound Quality, Brand New Broadband Antenna & Transmitter from Italy at brand New Programming 24/7.
No comments:
Post a Comment