Thursday, July 30, 2015

IKA-5TH PRO4A at 2ND BPATs DISASTER PREPAREDNESS AND RESPONSE DRILL COMPETITION ISINAGAWA

Bilang Selebrasyon sa “Police Community Relations (PCR) Month“ tuwing hulyo kada taon alinsunod sa Presidential Proclamation No. 783, nagsagawa ng isang programa kamakalawa  sa isang Resort sa bayan ng Sariaya Quezon ang mga kapulisan mula sa iba’t ibang lalawigan (PRO4A CALABARZON-Provincial Police Office) gaya ng Calamba PPO, Laguna PPO, Batangas PPO, Rizal PPO, Quezon PPO at iba pa mula sa Regional Office, may tema itong: Matibay na Ugnayan ng Mamamayan at Pulisya, Simbolo ng Kapayapaan at Kaunlaran ng Sambayanan”.

Ang buwan din na ito ay ang Annual Observance ng National Disaster Consciousness Month (NDCM) na may temang: “Pamilya at Pamayanang Handa, Katuwang sa Pag-unlad ng Bansa” at ang nabanggit na programa ay nilahukan rin ng ilang rescue team mula sa barangay, kung saan ito ang ika-5th PRO4A and 2nd BPATs Disaster Preparedness and Response Drill Competition (Search and Rescue Operation) na isinagawa.

Dumalo din ang Regional Chief Directorial Staff, OIC, Regional Police Community Relations Division-Police Supt. Annie Nivadura Montañez, ilang Police Commissioned Officers, PNCOs, NUPs, Chief PCR Branch ng iba’t ibang Provincial Police Office, BPATs Participants mula sa limang probinsya ng CALABARZON, kasama rin ang mga kinatawan ng bayan ng Sariaya, mula sa representative ng Municipal Mayor at nandon din ang kinatawan ng Sariaya Municipal Police sa pamumuno ni Police Supt. Harold P Depositar, PO3 Pedrito P Mendoza at iba pang Police Officers.

Bukod sa kasiyahan layunin din ng nasabing programa na magkaroon ng maayos na pakikipag-ugnayan ang mga kapulisan hindi lamang sa mga mamamayan kundi maging sa iba pang grupo na sumasaklolo rin sa oras ng panganib kapag merong sakuna gawa man ito ng tao o kalikasan.


Sa nasabing kompetisyon sa Search and Rescue Operation, nagkaroon ng aktibidad sa tabing dagat (buhanginan) kung saan ang bawat grupo ay nagpamalas ng kanilang abilidad, bilis, lakas at taktika ng pamamaraan ng kanilang pagsasagawa ng pagre-rescue, gaya ng pagtakbo ng malayo dala ang hagdanang bakal, paghagis ng timbulan o anumang maaaring gamitin ng nalulunod, maging ang pagtatali ng lubid at ilan pang mga first aid o paunang lunas.


Reported by: Jen-jen Oblefias

No comments:

Post a Comment