Sariaya
Quezon - Kamakailan lang ay nahuli na ang Rank No. 2 sa Priority List ng Sariaya
Municipal Police Station, bunsod ito ng pagpapaigting ng OPLAN Lambat Sibat.
Tinungo ng mga elemento ng
nabanggit na istasyon ang Brgy. Turbina, Calamba City noong nakaraang biyernes,
na kinabibilangan nina SPO1 Charliemagne Aldea, PO3 Fidel Gaa Jr., PO3 Rolando
Andaya, PO2 Agosto De Mesa at PO1 Felix Maandal na pinangunahan ni PSI Fernando
C Reyes, sa ilalim ng direktiba ni PSUPT. Harold P Depositar, dala ang isang
Warrant of Arrest laban sa akusadong si Wilbert Heli Abdon, 30 years old, may
asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Concepcion Palasan, Sariaya Quezon.
Nahaharap sa kasong
Carnapping (Violation of 6539) ang suspek, na may Criminal Case No. 2013-603 na
nilagdaan ni Judge Romeo Villanueva ng RTC Branch 59, Lucena City na may recommended
bail bond na P180,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Dito napag-alaman na ang
akusado ay inaresto ng Calauan Police Station at kasalukuyang nakakulong sa
BJMP Calamba City dahil sa kasong Paglabag sa Section 11 ng RA 9165.
Reported by: Jen-jen Oblefias
No comments:
Post a Comment