Thursday, March 3, 2016

QPPO HANDA NA SA HALALAN 2016


Simula pa noong ika-10 ng Enero ng simulan ang ipinatutupad na COMELEC Checkpoint  at Gun Ban sa bansa, handa na ang mga kapulisan para sa nalalapit na halalan.

Kung saan nasa humigit isang milyon, ang mga rehistradong botante sa probinsiya ng Quezon.

Tinatayang nasa 1,115 ang Voting Centers dito, na may 8,479 na Voting Precinct at 7,977 na clustered precinct.

Nasa 1,235 naman ang mga Local Political Candidates, kung saan, 6 ang tumakbo sa pagka-gobernador, 3 sa Vice-Governor, 30 sa Board Member, at 14 sa pagka-Congressman. Habang nasa 120 sa pagka-Mayor, 109 sa pagka-Vice Mayor, at 953 sa Councilor.

Sa panahon ng eleksyon hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi inaasahang pangyayari, kaya naman may hinanda nang CONTINGENCY PLAN ang Quezon Police Provincial Office o QPPO.


Ilan nga sa mga aktibidad na ito ay ang Casting of Votes, Delivery and Recovery of election paraphernalia’s & VCM, Political Rally, Proclamation of Candidates at Campaign Period.

Dito maaaring magkaroon ng Fire Incident , Harrassment or Shooting of leftist and armed supporters, Provincial wide blackout, Hi-jacking ng VCM’s, Bomb threat or Explosion, Rumored election cheating and manipulation at Food Poisoning na maaaring magdulot ng panic, injury, damage to property at iba pa.




Kaya naman patuloy ang mga aktibidad ng mga kapulisan para sa SAFE 2016 sa ilalim ng Acting Provincial Director ng Quezon na si PSSupt Eugene B Paguirigan. 



JEN-JEN OBLEFIAS

Wednesday, January 6, 2016

NATIONAL ZERO WASTE CONSCIOUSNESS MONTH, SUPORTADO NG BAYAN NG SARIAYA QUEZON

Ang buwan ng Enero kada taon ay idineklarang “Zero Waste Month.” Kaya naman bilang suporta at pakikiisa ng bayan ng Sariaya sa selebrasyon ng National Zero Waste Consciousness Month Proclamation No. 760, nagkaroon ng signing of Manifesto of Commitment na isinagawa sa Sariaya Sports Complex noong Lunes.

Ito ay pinangunahan ng Zero Waste Management Branch ng Sariaya LGU, sa pangunguna ni Mr. Louie Masilang, naandon din ang kapulisan, mga volunteers at iba pa. 

At bilang pakikiisa ng publiko upang maprotektahan ang kalikasan, suportado sa bayang ito ang Ecological Waste Management Programs, na nakapaloob sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at ang Kautusang Pambayan 2011-05, kung saan simula nga noong Aug. 1, 2012 ay mahigpit nang ipinagbawal ang paggamit ng plastic at Styrofoam.

Hinikayat ang mga mamamayan na gumamit ng maka-Kalikasan na lalagyan tulad ng bayong, basket, reusable container at iba pang kauri nito, maging ang paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok.

Samantala, noong araw ding yon nagsagawa ng removal of tape on muzzle of firearms o pagtatanggal ng busal, sa dulo ng baril, ng mga miyembro ng Sariaya Municipal Police Station.


JEN-JEN OBLEFIAS