Wednesday, January 6, 2016

NATIONAL ZERO WASTE CONSCIOUSNESS MONTH, SUPORTADO NG BAYAN NG SARIAYA QUEZON

Ang buwan ng Enero kada taon ay idineklarang “Zero Waste Month.” Kaya naman bilang suporta at pakikiisa ng bayan ng Sariaya sa selebrasyon ng National Zero Waste Consciousness Month Proclamation No. 760, nagkaroon ng signing of Manifesto of Commitment na isinagawa sa Sariaya Sports Complex noong Lunes.

Ito ay pinangunahan ng Zero Waste Management Branch ng Sariaya LGU, sa pangunguna ni Mr. Louie Masilang, naandon din ang kapulisan, mga volunteers at iba pa. 

At bilang pakikiisa ng publiko upang maprotektahan ang kalikasan, suportado sa bayang ito ang Ecological Waste Management Programs, na nakapaloob sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at ang Kautusang Pambayan 2011-05, kung saan simula nga noong Aug. 1, 2012 ay mahigpit nang ipinagbawal ang paggamit ng plastic at Styrofoam.

Hinikayat ang mga mamamayan na gumamit ng maka-Kalikasan na lalagyan tulad ng bayong, basket, reusable container at iba pang kauri nito, maging ang paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok.

Samantala, noong araw ding yon nagsagawa ng removal of tape on muzzle of firearms o pagtatanggal ng busal, sa dulo ng baril, ng mga miyembro ng Sariaya Municipal Police Station.


JEN-JEN OBLEFIAS



No comments:

Post a Comment