Simula pa noong ika-10 ng Enero ng simulan ang ipinatutupad na COMELEC Checkpoint at Gun Ban sa bansa, handa na ang mga kapulisan para sa nalalapit na halalan.
Kung saan nasa humigit isang
milyon, ang mga rehistradong botante sa probinsiya ng Quezon.
Tinatayang nasa 1,115 ang
Voting Centers dito, na may 8,479 na Voting Precinct at 7,977 na clustered
precinct.
Nasa 1,235 naman ang mga
Local Political Candidates, kung saan, 6 ang tumakbo sa pagka-gobernador, 3 sa
Vice-Governor, 30 sa Board Member, at 14 sa pagka-Congressman. Habang nasa 120 sa
pagka-Mayor, 109 sa pagka-Vice Mayor, at 953 sa Councilor.
Sa panahon ng eleksyon hindi
maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi inaasahang pangyayari, kaya naman may
hinanda nang CONTINGENCY PLAN ang Quezon Police Provincial Office o QPPO.
Ilan nga sa mga aktibidad na
ito ay ang Casting of Votes, Delivery and Recovery of election paraphernalia’s
& VCM, Political Rally, Proclamation of Candidates at Campaign Period.
Dito maaaring magkaroon ng
Fire Incident , Harrassment or Shooting of leftist and armed supporters,
Provincial wide blackout, Hi-jacking ng VCM’s, Bomb threat or Explosion,
Rumored election cheating and manipulation at Food Poisoning na maaaring
magdulot ng panic, injury, damage to property at iba pa.
Kaya naman patuloy ang mga aktibidad ng mga kapulisan para sa SAFE 2016 sa ilalim ng Acting Provincial Director ng Quezon na si PSSupt Eugene B Paguirigan.
Kaya naman patuloy ang mga aktibidad ng mga kapulisan para sa SAFE 2016 sa ilalim ng Acting Provincial Director ng Quezon na si PSSupt Eugene B Paguirigan.
JEN-JEN OBLEFIAS
No comments:
Post a Comment