Sunday, March 6, 2011

BUWAN NG KABABAIHAN














Bukod sa Fire prevention month, isa rin sa ipinagdiriwang ngayong buwan ng Marso, ay ang “Buwan ng Kababaihan”.
Dahil dito ang mga kababaihan sa buong Quezon ay binigyang pugay sa Quezon Provincial Women’s Day Celebration, na ginanap noong March 5, 2011 sa Quezon Convention Center-Lucena City.
Ang nasabing selebrasyon ay may temang: Babaeng Quezonian: Katuwang natin sa Pag-unlad ng Lalawigan.
Ito ay handog pa rin ng ating butihing Gobernador, David “Jayjay” Suarez at ng kanyang may bahay na si Mrs. Anna Suarez.
Ang guest speaker ay si Hon. Lucy Torres-Gomez at ang resource speaker ay si Dr. Cecilia Ladines-Llave.
Bawat bayan ng lalawigan ng Quezon, tulad ng mga bayan sa:

UNANG DISTRITO

1. Burdeos
2. Gen. Nakar
3. Infanta
4. Jomalig
5. Lucban
6. Mauban
7. Pagbilao
8. Panukulan
9. Patnanungan
10. Polillo
11. Real
12. Sampaloc
13. Tayabas

IKALAWANG DISTRITO
1. Candelaria
2. Dolores
3. Lucena City
4. San Antonio
5. Sariaya
6. Tiaong

IKATLONG DISTRITO
1. Agdangan
2. Buenavista
3. Catanauan
4. Gen. Luna
5. Macalelon
6. Mulanay
7. Padre Burgos
8. Pitogo
9. San Andres
10. San Francisco
11. San Narciso
12. Unisan


Umapaw ang mga kababaihang nakasuot ng pink na damit sa loob ng Convention Center, na kasapi ng KALIPI o Kalipunan ng Liping Pilipina sa bawat bayan ng lalawigan ng Quezon.


Naandon din ang Panlalawigan Presidente ng KALIPI na si Nelly Arit, mga panauhing pandangal, Bokal, Congressman, mga Mayor at Mayora ng mga bayan, MSWDO, Kapulisan, Nurse at marami pang iba.

Ang pagdiriwang na ito ay laan at handog para sa mga kababaihan ng Lalawigan ng Quezon.





MARCH 5, 2011 (Saturday)

No comments:

Post a Comment