PATULOY ANG PROGRAMANG “PULIS KO, TITSER KO” NG QUEZON POLICE PROVINCIAL OFFICE (QPPO) SA PAMUMUNO NI PROVINCIAL DIRECTOR POLICE SENIOR SUPERINTENDENT ATTY. ERICSON T. VELASQUEZ,.
ALINSUNOD SA PROGRAMANG INILUNSAD NG POLICE REGIONAL OFFICE CALABARZON SA PANGUNGUNA NI REGIONAL DIRECTOR, POLICE CHIEF SUPERINTENDENT ATTY. SAMUEL D. PAGDILAO, JR.,
ANG NASABING PROGRAMA AY NAGLALAYON NA MAITAGUYOD ANG KAPAKANAN NG MGA KABATAAN
ISA ITONG STRATEHIKAL NA PAMAMARAAN NG PAGSUGPO SA KRIMEN NA NAKATUON SA MGA MAG-AARAL NG ELEMENTARYA NA KUNG SAAN ANG MGA PULIS NA MAY KAALAMAN AT KARANASAN SA PAGTUTURO AY NAGLALAAN NG 30 MINUTO HANGGANG 1 ORAS NA KLASE KADA LINGO, UPANG TURUAN ANG MGA KABATAAN, NG MGA PARAAN PARA MAKAIWAS SA KRIMEN AT LUMAKI NG MAY PAGGALANG SA BATAS, MAY TAKOT SA DIYOS AT MAGING KAPAKIPAKINABANG SA LIPUNAN.
INILUNSAD ANG NASABING PROYEKTO SA PAKIKIPAGTULUNGAN NG KAGAWARAN NG EDUKASYON NA KUNG SAAN AY ISANG AKLAT NA PINAMAGATANG “BATAYANG BABASAHIN SA PAG-IWAS SA KRIMEN AT WASTONG PAG-UUGALI” ANG IPINALABAS NG PRO CALABARZON UPANG MAGING GABAY NG KAPULISAN SA KANILANG PAGTUTURO.
SA LIBRONG ITO AY NAKASAAD ANG MGA PAKSANG: PAGKAMAKABANSA AT PAGSUNOD SA UMIIRAL NA BATAS, KATANGIAN NG PILIPINO AT PAGIGING RESPONSABLENG BATA AT MAMAMAYAN, AT ANG MENSAHE NG PAGBATI AT PASASALAMAT NI GNG. PARALUMAN R. GIRON, REGIONAL DIRECTOR, DEPED 4-A SA MGA TAONG NASA LIKOD NG NASABING PROGRAMA.
NITO LAMANG NAKARAANG IKA-22 NG MARSO 2011, GANAP NA ALAS-2:00 NG HAPON NAGTAPOS ANG UNANG BATCH NG MGA MAG-AARAL NG “PULIS KO, TITSER KO” MULA SA IKAAPAT NA BAITANG, PANGKAT “A” NG KANLURANG MAYAO ELEMENTARY SCHOOL, BRGY. KANLURANG MAYAO, LUNGSOD NG LUCENA SA ILALIM NG TAGAPAYO NA SI BB. ROSEVYL A CADAY AT PUNONG GURO NA SI GINOONG RICARDO A. MAPAYE.
SA MGA SUSUNOD PANG MGA ARAW NGAYONG BUWAN NG MARSO ANG BAWAT HIMPILAN NG PULISYA NG QPPO AY MAGSASAGAWA RIN NG NASABING GAWAING PAGTATAPOS NG MGA MAG-AARAL SA MGA PINILING PAMPUBLIKONG PAARALAN NG QUEZON.
Reported
No comments:
Post a Comment