Wednesday, March 30, 2011

ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT, PAIGTINGIN

BUKOD SA KAHANDAAN SA MGA KALAMIDAD, ISA PA SA MGA PINANANAWAGAN NGAYON AT ANG PINA-IIGTING AY ANG REPUBLIC ACT 9003 O THE ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT.

BASURA ANG ITINUTURONG NAGPAPALALA NG SCENARIO, KAPAG UMANO, DUMARATING ANG MALALAKAS NA ULAN AT BAHA.

AYON KAY VICE-CHAIRMAN OF THE HOUSE, ECOLOGY COMMITTEE IRVIN ALCALA, DAPAT UMANONG MASIGURO NG LGUS O LOCAL GOVERNMENT UNITS ANG PROPER SEGREGATION, COLLECTION, TRANSPORT, STORAGE TREATMENT AT DISPOSAL OF SOLID WASTE, DAHIL UMANO SA MASAMANG EPEKTO NG CLIMATE CHANGE O PAGBABAGO NG PANAHON, DAPAT LANG UMANONG GAWIN NATIN ANG ATING MAKAKAYA UPANG MAKATULONG.

ANG PAGRERECYCLE SA MGA BAGAY NA MAAARI PANG MAGAMIT, PAGLILINIS NG MGA KANAL AT ESTERO, ANG HINDI PAGTATAPON SA ATING ILOG AT KARAGATAN, AY ILAN LAMANG SA MAAARI UMANO NATING MAGAWA.

AYON NAMAN KAY REP. ROGELIO ESPINA (1ST DISTRICT, BILIRAN), PANAHON NA UPANG TULDUKAN ANG PAGSASAWALANG BAHALA SA NANGYAYARI SA ATING PALIGID AT ANG KAMPANYA PARA SA PAGTULONG NA MAIWASAN ANG PAGLALA NG CLIMATE CONDITION NA GAGARINTIYA SA PUBLIC HEALTH PROTECTION AT ENVIRONMENTAL PRESERVATION.

ANG PROPER SEGREGATION O PAGHIHIWALAY SA MGA NABUBULOK SA HINDI NABUBULOK AY NAKAKABAWAS NG VOLUME O DAMI NG MGA BASURANG DINADALA SA MGA DUMPSITES MULA SA ATING KABAHAYAN.

HINIHIKAYAT DIN ANG MGA PAMILYA NA TUMULONG SA ORGANIC O BIO—FERTILIZER PRODUCTION, NA MAAARI NILANG MAGING SOURCE OF INCOME, AT MAKAKATULONG SA MASAGANANG PRODUKSYON AT PAGTAAS NG FERTILIZER’S AVAILABILITY NA MAKAKAPAGPA-BABA RIN NG MGA PRESYO SA PAMILIHAN.

KUNG MAITATAAS ANG PAGGAMIT NG ORGANIC FERTILIZER, MAIBABABA UMANO NITO ANG PRODUCTION PRICES, NA KUNG SAAN MASISIGURO ANG MALAWAK NA PROFIT MARGIN, PARA SA MGA MAGSASAKA.

(Reported: March 24, 2011) DZLT

No comments:

Post a Comment