PATULOY ANG MGA PROGRAMANG PANG AGRIKULTURA AT LIVELIHOOD PROGRAMS SA IKALAWANG DISTRITO NG LALAWIGAN NG QUEZON.
ITO AY SA PANGUNGUNA PA RIN NI 2ND DISTRICT CONGRESSMAN IRVIN M. ALCALA.
KAMAKAILAN NGA LAMANG ISANG PROGRAMA ANG GINANAP SA PPA O PHIL. PORTS AUTHORITY COMPOUND SA TALAO-TALAO, DITO SA BAYAN NG LUCENA CITY.
DITO DALAWAMPU’T DALAWANG (22) BRAHMAN CATTLE O BAKA, ANG LULAN NG 2 MAGKAIBANG CARGO TRUCK.
ANG CATTLE DISPERSAL PROGRAM NA ITO NI CONGRESSMAN IRVIN, AY IPINATUPAD SA KOLA-BORASYON NINA OFFICE, SECRETARY PROCESO ALCALA NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE, VICE-GOVERNOR KULIT ALCALA, ROTARY CLUBS NG DISTRICT 2, NA PINANGUNAHAN NG ROTARY CLUB OF LUCENA SOUTH AT, FARMER BENEFICIARIES.
ISANG MEMORANDUM OF AGREEMENT DIN ANG GINAWA SA PAGITAN NI CONGRESSMAN IRVIN M. ALCALA AT NG BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY AT NG MGA BENIPISARYO O INDIVIDUAL BENIFICIARIES AT NG, ROTARY CLUBS. KUNG SAAN MASISIGURONG MAMO-MONITOR ANG NASABING PROGRAMA.
ILAN NGA SA MGA PILING MAGSASAKA MULA SA BAYAN NG TIAONG, DOLORES, SAN ANTONIO, CANDELARIA, SARIAYA AT LUCENA CITY ANG DUMATING NA MAY DALANG MGA KANYA-KANYANG SASAKYAN NA PAGKAKARGAHAN NG MGA BAKA NA KANILANG IUUWI.
ANG MGA BAKA NA PURE BREED BRAHMAN NA ITO, AY MULA PA BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY OFFICE NG PROBINSIYA NG MASBATE.
PAHAYAG NI CONGRESSMAN IRVIN, ANG TANGING PUHUNAN LAMANG UMANO NIYA SA PAGKAKAROON NG MGA BAKANG ITO PARA SA MGA MAGSASAKA AY ANG “MAKULIT” NA PAKIKIPAGTALASTASAN NIYA KAY MA’AM REMY ACASIO NG BAI O BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY MASBATE AT ANG TANGING GASTOS LAMANG NIYA UMANO DITO AY ANG BAYAD SA BARKO SA PAGTATAWID NG MGA BAKANG ITO MULA MASBATE PA-LUCENA AT ANG HALAGA NG KANILANG INSURANCE.
DAGDAG PA NI CONGRESSMAN IRVIN, ALAM NA UMANO NG MGA MAGSASAKA ANG MGA TUNGKULIN SA PAGBABALIK NG MAGIGING ANAK NG MGA BAKANG ITO,
HINILING DIN NIYA ANG MATAPAT NA PAG- GAMPAN SA MGA RESPONSIBILIDAD UPANG MAGKAROON DIN NG PAGKAKATAON ANG IBA PA NATING MGA KABABAYAN PARA, SA PROYEKTONG ITO.
(Reported: March 31, 2011) DZLT
No comments:
Post a Comment