Nagsagawa nitong ika-23 ng Marso 2011, ang Quezon Police Provincial Office (Quezon PPO) sa pamumuno ni Police Senior Superintendent Atty. Ericson T. Velasquez, Provincial Director, nang isang araw na “1st Responders on Gender Based-Violence Seminar” sa bulwagan ng The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints, Quezon Avenue, Lungsod ng Lucena.
Sa mensahe ni Atty. Velasquez ay binanggit niya na napapanahon ang nasabing seminar dahil ito ay makakatulong at magiging gabay ng kapulisan sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mga 1st Responders sa nasasakupan nilang lugar, nabanggit din niya na sensitibo ang mga kasong hinahawakan ng mga miyembro ng pulis na nakatalaga sa Women and Children Protection Desk (WCPD) at bilang isang abogado ay ibinihagi rin niya ang mga karanasan sa mga kasong kaniyang nahawakan particular na ang mga kasong may kaugnayan sa paksa at gagabay sa mahusay na pag-iimbestiga ng kapulisan.
Pinangunahan naman ni Police Chief Inspector Lerma G. Sobrevinas, Chief ng Legal Section ng Quezon PPO ang patuturo ng “Spotting Gender-Based Violence and Procedures in Addressing Police First Responder” at ang paksang “Qualities of Police First Responder” ay tinalakay naman ni Police Senior Inspector Fernando B Reyes III, Chief, Intelligence Section ng Lucena City Police Station.
Isang malalim na talakayan din patungkol “Stress Management” ang ibinahagi ni Ginang Cristina Fernandez, Social Worker 1 ng Lucena City Social Welfare and Development Office.
Ang nasabing seminar ay bahagi pa rin ng pakikiisa ng Quezon PPO sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso na may temang: “Magna Carta of Women, The Philippine CEDAW: In Support of the Millennium Development Goals” dahil malaking tulong ito sa mga kapulisan lalo na sa may 76 na kababaihang pulis na dumalo mula pa sa bawat bayan ng probinsiya ng Quezon. Nadagdagan ang kanilang kaalaman sa tamang pamamaraan pagresponde sa mga insidente ng krimen na idinudulog sa Himpilan ng Pulisya na kanilang kinabibilangan at ang mga paalala ukol sa wastong pamamahala ng Stress ay lubhang kailangan upang kayanin pang higit ng mga kababaihang pulis ang maayos na pagharap at pagtupad ng tungkulin.
(Reported: March 24, 2011) DZLT
No comments:
Post a Comment