Bilang Chair of
the Senate Committee on Climate Change at founder of Luntiang Pilipinas,
nagagalak si Sen. Loren Legarda, dahil ang mga kabataang estudyante na sa mura
nilang edad, ay marunong ng magpahalaga at mangalaga ng kalikasan.
Isa na nga dito
ay sa pamamagitan ng pakikiisa ng mga estudyante sa “School Forest Park
Program”.
Ang naturang
programa ay alinsunod sa itinatag na “Luntiang Pilipinas Foundation” ni
Legarda, na walang sawa sa paghikayat ng tree-growing activities o pagtatanim
ng mga puno sa lahat ng parte ng bansa at sa pagbibigay kaalaman sa kahalagahan
ng mga punong kahoy sa atin.
Nagpasalamat ang
senadora sa Department of Education (DepEd) sa pakikipag-ugnayan nito sa
Luntiang Pilipinas, sa pagpili ng Best School Forest Program, kung saan
nabibigyan din ng oportunidad ang mga kabataan na makilahok sa pangangalaga ng
kapaligiran.
Magbibigay ng dalawampung computer units sa
lahat ng 16 regional winners para sa
Computer laboratory sa kanilang mga eskwelahan at sa limang national finalist ay magbibigay ng tropeyo, habang ang
mapipiling national winner naman ay
makakatanggap ng plaque at P1,200,000 para sa bagong school building.
Ibabase ang
paghusga sa mananalo sa bilang ng mga puno o binhi na itinanim base sa sukat ng
lugar, sustainability ng forest park, creativity at aesthetic, gayundin ang
community involvement in planning at supervision of the forest park.
Magkakaroon ng
awarding sa pormal na seremonya sa DepEd’s Bulwagan ng Karunungan.
Hiling
lang ni Loren na kahit naparangalan na ang mga nanalo ay ipagpapatuloy nito ang
kanilang School Forest Program.
Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am
No comments:
Post a Comment