Tuesday, January 8, 2013

LEGARDA KINONDENA ANG MGA PAGPASLANG SA MGA MEDIA AT ENVIRONMENTAL ADVOCATES


 Kinondena ni Sen. Loren Legarda ang mga nai-ulat na human rights violation sa mga miyembro ng media at environmental advocates na tahasan na ngang nangyayari sa bansa.

Ayon sa ulat ng Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) simula noong taong 2001, 56 na manananggol ng kalikasan o environmental advocates ang napatay.

Kabilang na dito ang pagpaslang kina: forest guard Elpidio “Jojo” Malinao, Italian missionary Fr. Fausto Tenorio, Dr. Gerry Ortega, Leonard Co, Willem Geertman, at Gilbert Paborada. 

At ngayon,sa pagsalubong ng Bagong taon, ang pagpatay kay Quirino province community environment and natural resources officer, Alfredo Almueda, habang nirerespondehan ang isang tip tungkol sa isang truck na may karga umanong illegal lumber na ilalabas sa kanyang area of responsibility.

Samantala, ayon naman sa Committee to Protect Journalists (CPJ) nasa 73 journalists ang kumpirmadong pinatay simula noong taong 1992.

Ayon kay Legarda nakakabahala ang ganitong human rights violations, kung saan patuloy ang pagpatay sa mga taong nagsusumikap at ibinubuwis ang kanilang buhay para lamang maproteksyonan ang ating kalikasan at kababayan.

Dahil dito patuloy na isinusulong ng senadora ang pagpasa ng Bill to qualify the killing of members of broadcast and print media in the performance of their duties as a crime of murder.

Sa kasalukuyan ay nakabitin pa sa ikalawang pagbasa sa Senado ang naturang batas.
Ipinaramdam din niya sa mga naulilang pamilya ng mga pinatay na journalist, media practitioner at environmental advocates ang kanyang simpatya.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo)  8:30-9:00 am

5 comments:

  1. Grabe talaga, mamamatay ka para gumawa ng tama eh 'no? makatarungan ba yun. Tama lang yan Loren! Ipaglaban mo sila!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga, kahit si Loren din kasi ganyan na ganyan, journalist at environmentalist, kaya talagang nasa puso niya talaga labanan yan..

      Delete
  2. "Ayon kay Legarda nakakabahala ang ganitong human rights violations, kung saan patuloy ang pagpatay sa mga taong nagsusumikap at ibinubuwis ang kanilang buhay para lamang maproteksyonan ang ating kalikasan at kababayan."

    wawa naman...huhu T_T sana magawan ng paraan...T_T

    ReplyDelete
  3. Bilib talaga ako sa tapang ng mga tao sa industriya na yan, sana talaga mabigyan sila ng hustisya for the heart they put in their jobs para lang mahatid satin ang totoo. Saludo ako sa inyo at sana magawan ni Loren ng paraan matigil yan. Kaya niya naman eh.

    ReplyDelete
  4. Alam mo yan Loren,, kaya magagawa mo yn ng tma,,

    ReplyDelete