Wednesday, January 9, 2013

PROTEKSIYON SA MGA ENVIRONMENTAL OFFICER AT KALIKASAN DAPAT PAIGTINGIN


Dahil sa pagkakapatay ng isang Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO) Forester na si Alfredo Almueda, binatikos ni Sen. Loren Legarda ang mga local governments sa buong bansa.

Binaril si Almueda noong Jan. 1, 2013, habang tinutupad ang kanyang tungkulin, 

isang tip ang natanggap nito tungkol sa isang truck na naglalaman umano ng mga illegal lumber na ibabyahe palabas ng kanyang area of responsibility sa Quirino Province.

Dahil dito nanawagan ang senadora sa lokal na pamahalaan na paigtingin ang seguridad ng mga environment officers na tapat na ginagawa ang kanilang tungkulin.

At bilang Chair of the Senate Committee on Climate Change at founder of Luntiang Pilipinas. Binigyang diin ni Legarda ang kaugnayan ng mga illegal loggings sa nangyayaring sakuna o mga environmental disaster.

Tulad na lamang ng nangyaring sakuna sa Cagayan de Oro at Iligan noong 2011, kung saan isang malaking operasyon ng illegal logging ang naging dahilan.

Dagdag pa ni Legarda, Strong Political will ng National at Local government sa pagprotekta at pagsasa-tupad ng mga batas tungkol sa environmental protection ang dapat umiral.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

5 comments:

  1. Tma c senator Legarda dito. Dapat nga mabigyan ng protection sila. Sana maka gawa sila ng batas ukol dito. :)

    ReplyDelete
  2. Sana'y maitigil mga illegal loggers na yan at pahigpitin pa nila yung pagbantay para miwasan ang mga ganito

    ReplyDelete
  3. "Strong Political will ng National at Local government sa pagprotekta at pagsasa-tupad ng mga batas tungkol sa environmental protection ang dapat umiral."

    Oo nga po. Kung GUSTO may Paraan! :)

    ReplyDelete
  4. Condolence sa pamilya ni Almueda. gawin po nating leksyon ito para maiwasan yung ganito.

    ReplyDelete