Thursday, January 17, 2013

Legarda namahagi ng Geohazard Maps sa Pangasinan

Sa pagbisita ni Chair of the Senate Committee on Climate Change, Sen. Loren Legarda sa probinsiya ng Pangasinan kamakailan ay nakapanayam niya ang mga lokal na komunidad at mga magsasaka roon.

Bukod sa pamamahagi ng geohazard maps sa mga munisipalidad doon ay nagsagawa rin ng public briefing sa pagamit at implementasyon ng nasabing mapa.

Pinangunahan din ng Senadora ang pagtu-turn over ng knapsack sprayers at fertilizer para sa produksyon ng mais o corn production programs sa Mangaldan at sumama rin  siya sa mga magsasaka sa Pozorrubio Farmers’ Night.

Nais umano niyang maging produktibo ang kanyang pagbisita sa mga probinsiya lalo na sa paraan ng pagbibigay ng kaalaman sa ating mga kababayan tungkol sa disaster resilience at pagbibigay sa kanila ng mga kagamitan na sisiguro na magiging handa sila sa kakaharaping panganib.

Dagdag pa ni Legarda, Kailangang maihanda ng mga local government ang mga komunidad sa mga disaster, sa pamamagitan ng ipinamahaging geohazard maps, habang ang sector ng agrikultura naman ang tinatamaan ng epekto ng climate change, kung kaya naman dapat mabigyan ng tamang impormasyon at kagamitan na magagamit upang maka-adopt sa epekto ng global warming.

Dahil sa hindi na nga biro ang epekto ng climate change dahil sa pag-init ng mundo, maging ang ating mga kasundaluhan ay handa na rin sa paglaban sa mga kalamidad. Ayon sa ulat lalahok ang Armed Forces of the Philippines sa climate change summit ngayong 2013.



Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

5 comments:

  1. Salamat po kay Loren Legarda nabigyan na ng geo hazard maps ang ang pangasinan..malaking tulong yan para makaiwas ang palayan sa trahedyang dala ng climate change..

    ReplyDelete
  2. Ang galing naman, salamat po dito sa geo hazard maps Loren Legarda, sana lahat ng lugar mabigyan nyan para naman hindi na tayo masalanatan ng bagyo :)

    ReplyDelete
  3. This is nice, now our farmers from pangasinan can avoid disaster :) cool!

    ReplyDelete
  4. Magandang paraan ang ginawa ni Loren legarda upang mabigyan ng kaalaman ag mga magsasaka patungkol sa pabago bagong panahon.ayos yan!

    ReplyDelete
  5. Maraming sa salamat po Loren Legarda sa pagsuporta nyo sa mga taga pangasinan :) :)

    ReplyDelete