Tuesday, February 19, 2013

Maganda at maunlad na turismo sa tao nagsisimula

Ang tagumpay ng turismo ay nagmumula sa tao o ang tinatawag na community involvement .

Bago nga masabing maganda at matagumpay ang turismo ng isang munisipalidad ay kailangang maturuan muna ang mga tao dito sa kung ano ang meron ang kanilang bayan.

Dahil sa ang mga bata ngayon ay di na katulad ng dati na alam ang mga kultura ng kanilang lugar ay muling itinuturo sa kanila sa paaralan ang pinagmulan at tradisyon ng kanilang bayan.

Naniniwala dito ang lokal na pamahalaan na dapat munang maging edukado ang mga sariayahin lalo na ang mga kabataan sa kung ano ang kultura na kanilang pinagmulan.

May mga lumang gusali sa bayan ng sariaya na dinarayo dahil na rin sa mga kwento o kasaysayan ng lugar  at may mga tradisyon din kung saan nakaka-enganyo sa mga turista.

Dito napatunayan ng Sariaya Tourism Council (STC) na hindi na kailangan ng bayan ng Sariaya na magpatayo ng mga panibagong gusali upang dayuhin ng mga turista, dahil mismong mga tao dito at ang kanilang kwento ay malaking bahagi na ng turismo.



Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

No comments:

Post a Comment