Wednesday, February 20, 2013

SENIOR CITIZEN’S ID HANDOG SA MGA NAKATATANDANG MAMAMAYAN NG SARIAYA

Isa sa masasabing matagumpay na programa ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Sariaya Quezon ang maigting na pagbibigay ng Senior Citizen ID, kung saan ito ay magagamit ng mga nakatatandang mamamayan at makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang bayan ng Sariaya ay isa sa may pinaka-aktibong Federation ng Senior Citizen na umaabot na sa 10,000 ang kasapi sa 43 barangay.

Nagkaloob ng 1% fund para sa mga Senior Citizen ang munisipyo na ipinagkaloob ng sangguniang bayan at lokal na pamahalaan kung saan magagamit nila ito.
 
Sila ang gagawa ng plano base sa 1% na budget at sila rin ang magi-implement ng programang ito sa patnubay ng tanggapan ni Municipal Social Welfare and Development Officer Antonio C. Calatrava.

Ayon kay Ginoong Calatrava bukas ang kanilang tanggapan para sa mga Senior Citizen kung saan araw-araw ay may transaksyon dito lalo na sa mga naga-apply na magkaroon ng ID.
 
Malaking tulong ang Senior Citizen ID na magagamit ng mga nakatatandang mamamayan kung sila ay ba-byahe o pupunta sa ibang lugar, ganoon din ang pagkakaroon ng discount sa sasakyan, pagkain at iba pang transaksyon.

No comments:

Post a Comment