Friday, February 15, 2013

TAMANG DREDGING AT QUARRY OPERATION LANG

    Sa nagdaang bagyong Ofel, nagkaroon ng pagbaha sa Eastern portion ng bayan ng Sariaya at ang kawalan ng drainage o river system ang nakikitang dahilan.
Samantala ang Western portion naman na malalalim talaga ang naging operasyon ng quarry ay hindi lumubog dahil sa sumalo ang ilog dito sa ibinuhos na volume ng ulan.

    Ayon sa kinatawan ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO Designate Dondon M. Martinez, hindi naipaliwanag ng maayos sa mga tao yung kahalagahan na kailangang magkaroon ng dredging operation sa lahat ng ilog dahil bumababaw ito, kung hindi ito idi-dredge at nagkaroon ng malakas na buhos ng ulan, aapaw o kakalat ang tubig, ngunit ang gagawing operasyon ay dapat naaayon sa Sariaya Major River System.

    Ang Quarry operation na binibigyan ng permit ay within the river system lang dahil kung in-land ay magkakaproblema, kung kaya naman lahat ng in-land operation ay ipinatigil at ipinagbawal na.
Batay na rin ito sa resolusyon ng Sangguniang bayan o DENR Administrative Order.

    Kailangan din na mapag-aralan ang Water Table, dahil sa baka maapektuhan ang mga deepwell dito.

    Ngayon nga ay on-going ang construction ng deepwell sa Sampaloc 1 ng naturang bayan at hindi pa matukoy kung magkakaroon ng epekto ang ginagawang malalim na quarry operations sa iba pang mga deep well.
Sa ngayon ay may naka-pasa na nga na Delineation of River System proposal na inaantay na lamang maaprubahan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB).

    Kailangang technically ay mapag-aralan upang magkaroon ng regulations at masigurado na hindi magi-exceed ang lalim ng nahuhukay.
 
    Hindi kasi direktang makakapagkansela ng permit ang lokalidad ng Sariaya dahil ang nagi-iisue ay Regional Level at sa Provincial Mining Regulatory Board (PMRB).
Ang Local Government Unit (LGU) lang ang nagre-regulate ng nasabing operasyon.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

No comments:

Post a Comment