Wednesday, February 20, 2013

MGA TAONG MAY KAPANSANAN BAHAGI NG ATING LIPUNAN

Bilang pagpapahalaga sa mga taong may kapansanan, nagkakaloob ng Person With Disability o PWD ID ang lokal na pamahalaan, kung saan isa sa mga bayang natugon dito ay ang bayan ng Sariaya Quezon.

Tulad ng ibang sector ng lipunan mahalaga rin ang mga disabled person at may karapatan din bilang isang mamamayan ng isang komunidad.

Maigting ang implementasyon ng pagbibigay ng mga Identification Card o ID sa nabanggit na bayan, tulad ng Senior Citizen’s ID ay magagamit din ito ng mga taong may kapansanan sa pagkakaroon ng benepisyo.

Tulad ng discount sa pagsakay, pagkain at makakuha ng 20% discount sa lahat ng transaksyon.

Hinihikayat ng tanggapan ng Municipal Dept. of Social Welfare and Development ang mga taong may kapansanan sa bayan ng Sariaya na magtungo sa munisipyo, kung hindi kayang pumunta ng mag-isa ay maaaring samahan ng kahit sinong miyembro ng pamilya.

Pagkatapos lagdaan ng Punong Bayan na si Mayor Rosauro “Boyet” Masilang ay maaari ng magamit ang PWD ID.

Samantala ang mga Person with Disablities na wala ng pamilya o kamag-anak na pakalat-kalat sa lansangan ay tinutulungan din upang maihanap ng pwedeng pagdalhan at kakalinga.

Layunin nito na maitaguyod ang uri ng pamumuhay ng mga mamamayan kahit pa nga sila ay may kapansanan.

No comments:

Post a Comment