Thursday, February 7, 2013

Programa at proyekto tuloy-tuloy sa Sariaya Quezon

Patuloy ang mga proyekto at mga programa ng Social Welfare and Health Department, ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Sariaya Quezon.

Gaya ng 4 Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nasa ika-2 taon ng ipinatutupad, tumaas ng 3,939 ang beneficiaries nito mula sa bilang na 3,200 noong nakaraang taon.

Sa kasalukuyan isang ATM Machine ang itinatayo sa Sariaya bilang tulong sa mga nakuha ng Cash Transfer ng 4 Ps, upang hindi na sila gumastos ng pamasahe sa pagpunta sa Lucena City o Candelaria Quezon upang kumuha ng pera sa bangko.

Bilang tugon naman sa kalusugan, ipinatutupad ang Supplemental Feeding Program ng Social Welfare and Development. Layunin nito na maitaas ang antas ng timbang ng mga underweight o malnourished na bata sa day care center.

Ayon kay Mr, Antonio C, Calatrava, MSWD Officer ng Sariaya, nasa humigit kumulang 3,000 bata na ang pinakakain mula lunes hanggang biyernes sa loob ng day care center kung saan aabot ng 120 days ang pagpapakain.

Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga magulang ay patuloy na mabibigyan ng sapat na nutrisyon at masusustansyang pagkain ang mga bata.

Samantala bukod sa mga nabanggit na programa, binibigyang pansin din ng lokal na pamahalaan ang mga Senior Citizen at Person With Disability (PWD).

Noon ngang nakaraang taon ay nagkaloob ng Assistive Device o pantulong para sa mobility ng mga disabled person tulad ng wheelchair na nagagamit na nga ng may kapansanan.

Bukod sa Senior Citizen ID, meron din na ipinamamahaging ID para sa mga may kapansanan kung saan makaka-discount sila ng 20% sa pagsakay, pagkain at iba pa.

May 1% fund din na inilaan para sa mga senior citizen na kanilang magagamit. Kaugnay dito bukas ang tanggapang ng Municipal Social Welfare and Development Office at Philhealth para sa mga mamamayan ng Sariaya.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

No comments:

Post a Comment